Part 1

3 0 0
                                    

"Let's Broke Up"
"Tapusin na natin ito"
"Ayaw ko na!"

Hinampas ko ang aking noo. Pinunit at tinapon ko lahat ng mga pinagsusulat ko. I have this one problem,I want to end something but I don't how. Nag-ring ang cellphone ko kaya lumabas ako para sagutin ang tawag.

"Hello"

"Mayl-ine"

"I will be there".

Hindi ko na pinatapos ang tawag. Alam ko na naman.It was 7:00 o'clock kaya maswerteng may nasakyan pa akong taxi. Pagkapasok ko pa lamang sa office ay tambak na agad ang mga papers sa desk ko. As usual. It's OT time!!!

"Nagkaproblema po sa presentation"

Sabi ng babaeng tumawag kanina.
AD ang tawag ko sa kanya at hindi ko na kinikilala ang mga katrabaho ko, to save time. Or hindi ko lang talaga matandaan?.
Ad-assisstant director. And right, I'm the Acting Director and it starts tonight!!!.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Natapos ko na ang nga papel na pinirmahan at chineck ko.
8:00 na pala ng umaga. May nag-text.

"Good Morning".
It was Levi -my boyfriend. Ang syang problema ko. Nakalimutan ko na ang dapat kong gawin dahil sa trabaho ko.

"Let's have breakfast together"
Hindi tulad ng ibang magkarelasyon,  I'm not the sweet type. So Levi, sya ang active sa relationship namin. Levi, my fifth boyfriend. At tulad ng iba ay...

Nagsasawa na rin ako.

Kaya this time, ito na ang pagkakataon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Umupo na ako sa pina-reserve nyang seat, at nag-ipon ng lakas ng loob. Iniisip ko ang nga sinulat ko kagabi.

At muling sinaulo.

Dapat scripted kasi ayaw kong maguluhan sya. Dapat malinaw ang lahat dahil gusto ko na talagang tapusin ang relasyon namin.

"It's nice here di ba?"
Ngumiti ito kasabay ng kanyang  dimple.
Nagsabi lang itonng tungkol sa restaurant. Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko na.

Dahil... Magkaibang-magkaiba kami.
Palakwento sya, malambing at ako ang kabaligtaran.
Kaya hindi ko maintindhan kung bakit nya ako naging girlfriend. Basta nagising na lang ako na sumagot sa panlikigaw nya dahil sa kakulitan nya.

"May sasabihin ako"

" May sasabihin ako Mayline"
This is the time

"Ikaw muna" Ang sabi nya dahil magkasabay pa kami

"Ikaw muna". Hindi na ito umangal pa dahil baka magkaaway pa kami.
Pinakinggan ko lang ang sinasabi nito habang kumakain.

"Mayline, let's go to our hometown"
Tinitigan ko sya dahil baka mali lamang akon ng dinig.

"Meet my family" At the second time, hindi ako nakapagsalita.

Bakit pa? Kung mag be-break na din naman kami.

Sayang lang ang panahon.

"I'll take it ass a YES"

"Pero-pero Levi-"
Pinatigil nya Lang ako sa salitang, 'silent means yes'
Gustung-gusto kong tumanggi, pero hindi ko alam kung paano.

So yun, sasabihin ko na lang ang script

"Ano nga pala yung sasabihin mo?"
Nanginginig ang aking mga kamay.

Pero nilaksan ko ang loob ko.

"Levi-"
Tumingin ito sa akin at hinihintay ang mga salitang bubuka sa bibig ko.

"WALA!!!"
Hindi ko kaya . Hindi ko kaya. Hindi ko kinaya ang kahihiyan.

Umalis agad ako sa upuan at nagmadaling naghanap ng taxi.

Sa ibang araw ko na lang itutuloy ang plano.

Sa ibang araw...

Unplanned SchemeWhere stories live. Discover now