Work...work...work...
FINALLY!!! WORK IS DONE!
Ang problema ko ay mahigit isang linggo na rin akong walang maayos na tulog. Mula nung naging acting director ay naging 24/7 on call na ako.Konti na lang talaga ay magkakamalan na ako ang Director.
At ang isa ko pang problema ay kung paano ako makikipaghiwalay kay Levi
And speaking of Levi...I got a message from him.
"I-text mo ako kung kelan ka pwede. Even if it is weekend"
At problema na naman.
Iniisip ko kung itutuloy ko pa ba ito . I text him na tommorow na kami umalis para makatulog na rin ako.Day by day,
Nagiging mahirap lang sakin ang lahat.Sa trip na lang namin itutuloy ang plano.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tahimik lang ako sa buong byahe. Hindi na nagsalita pa si Levi. Siguro ay napagod ito
Madami pa kaming sinakyan bukod sa kotse at traysikel.
Paghinto nya sa bahay ay rinig ko ang boses ng maraming tao.
Siguro ay ito na ang bahay nila dahil kumatok na sya."Hija? Ikaw na ba yan?"
Sabi sabay hawak sa akin ng parang mama yata ni Levi."Ma', Myline... My girlfriend" natigilan ako sa mga sinabi nya. All these years, ngaun ko lang iyon naramdaman. Kapag hindi pangalan ang tawag nya sakin. Ume-echo at parang sweet.
Masarap pakinggan.
Hindi magkamayaw ang Mama ni Levi sa paraan ng pag we-welcome sa amin.
Dinala kami nito sa kusina na parang may pista.
"Niluto ko nga pala yung mga paborito mo Mayline".hindi pa rin nawawala ang mga ngiti nito.
Like mother,like son.
"Salamat po...Tita"
"Ang sabi ni Levi, hindi ka mahilig sa mga powdered juice? Kaya pinagpiga kita mismo ng orange juice mo"
Ngumiti lang ako dito.Habang kumakain kami ay hindi pa rin ito natigil sa pagsasalita
"At saka nga pala yung kwarto, napalinis ko na iyon. May mga damit ka ng pantulog na nakahanda roon"
"Ma', masyado pa pong maaga para matulog"
Sabi ni Levi. Hindi pa rin ito tumitingin sa akin."Pasensya na, 3 taon na rin kasi mula nung huling dalaw dito ni Levi at may girlfriend pa syang dala"
Nai-kwento nga iyon sa akin ni Levi. 3 years na mula nung hindi sya nakauwi ng probinsya. At...2 yers na rin mula nung naging KAMI.
Matagal-tagal rin bago kami nakatulog. Tinulungan ko pa si Tita ba maghugas ng mga plato.
Buong oras lang itong nagkwento tungkol kay Levi.
Na mahiyain raw ito at kung ano-ano pa."Sana ay ikaw na ang mapapangasawa ng anak ko.
Hindi na rin ako bumabata at gusto ko syang makita na magka pamilya bago ako mawala"
Sabi nya ng nakatapos na kami sa paglilinis .Saglit ay natulala ako.
Ganto pala yung plano ni Tita.
Pero... Makikipaghiwalay na ako sa kanya.Nako-konsensya ako,pero hindi na ako masaya.
Andaming PERO. Kahit ni isa ay hindi ko alam kung pa-paano mare-resolba ng walang nasasaktan.
"Ma'".
Natauhan Lang ako ng tinawag ni Levi ang kanyang Mama. Tinapik lang ako nito sa balikat at sinabing:"Matulog kana hija,masamang nagpupuyat"
Lalong bumigay ang pakiramdam ko. Feeling ko luluha ako anytime.
Pero guilt yung nasa puso ko. Hindi ko masyadong tinagalan ang pag-iyak ko sa kwarto dahil baka mahalata nila iyon.
Niyakap ko lang ang aking sarili."Ano bang dapat kong gawin?"
"Itutuloy ko pa ba ang...
plano?"

YOU ARE READING
Unplanned Scheme
Storie brevi"Did I love the Wrong person, Or I just made the wrong decision?"