Magta-tanghali na ng nagising ako.
Naabutan ko si Tita sa lamesa na naghahain."Hindi kana pinagising sa akin ni Levi"
Halatang maaga itong nagising dahil sa dami ng pagkain sa lamesa."Ibang-iba po dito sa probinsya"
Ngumiti ito sa akin. Ngayon lang ako nagising ng tanghaling oras. Nakakapanibago."Maagang umalis si Levi, sumama sa Tito nya, nangingisda"
Sagot nito ng mahalatang may nililinga akong tao.
Hinahanap ko si Levi?"Ganun po ba?"
"Binilin ka niya sa akin".
Inabutan ako nito ng tsaa'"Huwag ka ng magtaka kung bakit alam ko lahat ng mga paborito mo, kinuwento sa akin ni Levi"
May halong lungkot sa mga ngiti nya.
Hindi ko alam kung ano-ano lang ang iniisip ko o dahil baka napagod lang ito.
Tinulungan ko ulit ito sa pagliligpit hanggang sa nakatapos ay nagkwento lang ito.This time...
Hindi nya isiningit si Levi.
Strange.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Maya-maya pa ay nagyakag ito sa palengke. Ibang-iba ang palengke dito at lahat ng makikita mo ay nasa murang halaga.
Pabigat ng pabigat ang mga plastik na dala namin.
Hanggang sa hindi ko namalayan na binilhan pala ako nito ng sapatos."Napansin ko na puro sugat ang paa mo. Minsan ay kailangan mo rin na magsuot ng komportable".
Oo nga, palagi akong naka-heels sa trabaho at dahol sa pagod, minsan ay nakakatulugan ko ng naka-heels .Pasunod-sunod lang ako dito at nilinga ang buong lugar.
"Ito na po ba lahat ng bibilhin?"
Tanong ko sa kanya dahil parang ang bilis naman naming umuwi. Gusto ko pang maglibot."Gusto mong sumama mamaya?"
Ngumiti ito sa akin na parang nabasa ang naiisip ko"Sa batis"
Sumilay ang ngiti ko ng marinig iyon.
Tutal, andito na rin naman ako,Susulitin ko na ang lahat ng pagkakataon para makapag bakasyon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Saglit lang kami doon sa batis.
Hindi ako hinayaan ni Tita na maglaba. Ayaw daw nitong magaspangan ang kamay ko. Ni Hindi nga ako nito hinayaang mag-anlaw man lang.Naglaro lang ako dun at nangolekta ng mga sigay.
Ang sarap sa feeling.
Bukod pa dito ay abot kamay ko lamang ang mga prutas doon.Kung nasa Manila pa ako ay minsan lang akong nagkaroon ng maayos na kain.
Dahil palaging busy.Kaya nakakapanibago itong lahat.
Hanggang sa...
Nakatulugan ko na ang lahat.
YOU ARE READING
Unplanned Scheme
Short Story"Did I love the Wrong person, Or I just made the wrong decision?"