Part 4

1 0 0
                                    

Maaga naman akong nagising ngayon. Lalo   na nung nalaman kong pupunta kami ulit sa batis.
Kahit papungas-pungas pa ay nagmadali na akong nagbihis.
Pinabilisan ko na ang lakad para mas marami ang oras na makapaggala ako.

Pagdating namin ay nakita ko si Levi.
Kinawayan nya ako at lumapit sa amin.

Pinaupo kami nito sa gawang kubo.
Kakain na sana kami pero tumanggi ako. Wala na silang nagawa noong lumusong na ako sa tubig.
Mahigit isang oras din akong lumangoy ay nung nagsawa na ay bumalik na rin ako.

"Akala ko hindi kana aahon"
Sabi no Tita.

"Ang sarap po kasing maligo".
Tumawa lang ang lahat sa akin.

"Pero bakit parang hindi po ito yung pinuntahan natin nung isang araw?"
Nagkatinginan silang lahat.

"Ate May,ito po kasi talaga ang batis, tabi lang po ang pinuntahan natin kahapon"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng pinsan ni Levi.
"Sobrang laki pala nito"
Tumawa Lang silang lahat.

"Kung ganon, tara ng lumangoy!"
Ang sabi ng Tito ni Levi hudyat para magsilanguyan ang lahat.
Nagbasaan at naglanguyan lang kami doon habang hindi namamalayan ang oras.

Namulot ng mga kung ano-ano.

Sobrang saya.

Habang tumatagal ay nararamdaman ko na parang welcome na welcome na ako. Tunuring nila akong parang tunay na kapamilya at hindi ini-itsipwera.

Kasama nila ako sa lahat. May isang linggo na rin kaming andito.
At parang tatlong araw lang sa akin.
Maya-maya pa ay nagyakag na ng tanghalian.
Tanghalian na pala.

"Kumain ka pa" inabot sa akin ni Levi ang isa pang serve ng pagkain.
Tumanggi naman ako pero-

" Kapag hindi mo ito kinain, hindi na kita hahayaang pumunta dito"
Nagtinginan silang lahat sa amin sabay titngin sa kabilang direksyon kapag nahuhuli kong tumitingin.

Sobra akong nahiya kaya tumayo na ako at umupo sa may batuhan.

Tinabihan naman agad ako ni Levi at binigay ang jacket nya.

"Baka sipon-in ka" naghiyawan naman silang lahat sa kilig pero hindi ko nakuhang nagalit.

Bakit?

Hindi ba dapat ay galit na ako ngayon?

Nahiya nako kaya sinipa ko ang paa ko sa tubig at aksidenteng lumipad at sumabit ag tsinelas ko sa sanga.

"Hala. Paktay."

Sari-sari ang ginawa ko para makuha lang iyon. Ayoko namang maglakad pauwi ng yapak. Masakit maglakad sa batuhan.

Nabigla na lang ako ng biglang may bumuhat sa akin.
At kinarga ako patalikod.

"Ibaba mo ako!"
"Tulungan nyo ako!"
Alam kong naririnig nila ako. Pero hindi nila iyon pinansin. At napagtanto kong...

So Levi pala iyon.

"Le-levi".

"Diba' gusto mong makuha iyon?"
Sabay tingin namin sa sanga."Tutulugan kita".

At tinulungan naman nya ako.
Dahil Hindi ko kaya ay umakyat na ito sa puno.
Marunong pala itong umakyat?

"Nakuha ko na!"

Natuwa ako dahil ng pagkababa nito ay ang dungis ng mukha nito.

"Para kang bata"
Lumapit ako rito at saka pinunasan ng kamay ko. Mula sa noo

At pisngi.

Naging awkward ang sitwasyon.

"Wala na ba?"
Pinatanggal ko dito ang salamin at saka nilinisan.
Ngumiti lang kaming pareho.

Hindi ko alam pero...

Titig na titig ako sa kanya.
Ang sarap nyang tingnan ng nakatawa kahit na kinaiinisan ko iyon dati.

Lalo pa at parang pumresko ang mukha nito ngayong natanggal ang salamin.

"Ang gwapo mo pala lalo kapag wala kang salamin"
Utal-utal kong sabi.

"Oo naman. Ngayon mo Lang napansin dahil palagi kang nakatingin sa iba"

Biro nito. Pero nasaktan ako.

Nung nag de-date kami ay bihira lang naman akong tumingin ng matagal sa kanya. At

Napapansin pala niya iyon.

"Tara ng umuwi para makapagpalit kana,baka lagnatin ka nyan"
Pagbasag nya ng katahimikan.

Sa sandaling iyo ay may kakaiba akong naramdaman.

I never seeen him before na so caring at gentleman.

Hindi ko nga ba nakikita?

O hindi ko Lang na a-appreciate?

Al this time, nag fo-focus lang ako sa way kung paano makipag-break sa kanya.

Hindi ko napapansin ang mga ginagawa nya.

Naglakad kami ng sama-sama habang nagtatawanan.
Dahil kinu-kwento ni Tita noong bata pa si Levi.
Na binibihisan nya ito ng babae dahil gusto nitong magkaanak ng babae. At buti na lang daw ay hindi ito naging bakla.

Ay Barbie!.

At kung ano-ano pa.
Pinanonood ko lang silang masaya.

At sa pagkakataon na iyon ay naramdaman ko na naman ito.

Sa kanila lang ako nakaramdam ng warmness.

Kay Levi ko Lang naramdaman ang kakaibang pagtanggap at pagmamahal.
Sa lahat ng naging boyfriend ko,

Kay Levi....

Ko lang naranasan ang panliligaw at lahat ng efforts.

Sa kanya ko lang din na experience na ipakilala sa magulang kaya nagulat ako nung sinabi nyang pupunta kaming probinsya.

At hindi ko inakala...

Na sa kanya lang din ako sasaya ng ganito..

All my life, I've grown up on a broken family. Dahil iniwan kami ni Mommy at sumama sa ibang lalaki.

But Levi...

Teach me how to be loved by a mother of his own.

And did he also teach me how to love? For real?

Nagmamahal na ba ako?
Ngayon ko lang kasi ito naranasan. Ang magmahal ng tunay at kung paano
mahalin.

Pagkauwi namin ay inabutan agad ako ni Levi ng damit pampalit.

May pag-aalinlangan sa dibdib ko at bigla kong naisip yung plano.

Yung plano na parang ayaw ko ng ituloy.

Naisip ko yung araw na makikipag-hiwalay ako kay Levi.

Mangyayari pa kaya ulit ito?

Yung kahit wala na kami, mararanasan ko pa ba ulit ang pakiramdam ng buong pamilya?

Naguguluhan ako.

Hindi ko alam ang gagawin.

Heto na naman ako, nag a-alinlangan. Saglit ay natauhan ako.

"Levi..."
Pagpigil ko sa kanya ng akmang aalis na ito pagkabigay ng damit.

"Ano iyon?"

"Levi--"

Unplanned SchemeWhere stories live. Discover now