"Wala"
Sa huli ay hindi ko rin nagawa at hindi ko na gagawin.
Buong-gabi ay nagmuni-muni ako. Napamahal na ako sa pamilyang ito at minahal ko na rinSi Levi.
Natutuhan ko rin syang mahalin.
Late thoughts pero hindi pa naman huli ang lahat para ipakita ko sa kanya na minahal ko na sya.
Ako naman ngayon ang mag te-take ng risk.
I shouldn't let him go
Kasi pakiramdam ko,sya lang yan at
Sya lang.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nagising lang ako ng namalayan kong may umuga saking balikat..
"Le-Levi" Tinulungan ako nitong umupo.
"Kumain at maligo kana, aalis na tayo"
Nanlaki ang mga mata ko"Ngayon na ba iyon?"
Tiningnan ko ang kalendaryo.."9 days na tayo dito. Baka matanggal na tatosa work"
Oo nga, lalo pa at may chance ako na ma-promote bilang Director.
Malungkot kong inalis ang kwarto at ginawa ang sinabi ni Levi.
Hanggang sa mag ha-hapon na ay nagdesisyon na kaming umalis.Parang ayoko pa. Dahil Parang saglit lang kami dito pero pinigilan ako ni Tita at sinabing mag-iingat ako. Lumuha sila at ganun din naman ako.
Naging tahimik ang buong byahe dahil tulog si Levi.
Paminsan-minsan ay tinitingnan ko ito at napapangiti.
Hanggang sa hininton na ang taxi sa isang park.
Ang sabi nya ay may sasabihin sya sa akin. At may sasabihin din ako sa kanya.
Mabuti na rin iyon para makapagpahinga kami.
Seryosong-seryoso ito samantalang ako naman ay nakangiti.
"May sasabihin ako".
"May sasabihin ako".
"Ikaw muna" Ang sabi ko naman
Tumikhim ito bago nagsalita
"Ang ganda pala dito no?"
Pagbasag ko sa awkwardness."Myline..."
"Yes?"
"Let's... Let's...
Break-up"
Tumigil ang paligid.
At nag-echo ang lahat. Nahalats nyang nagulat ako Kaya inulit nyang muli.At sa pagkakataong iyon,
Mas malinaw.
"Alam kong hindi mo naman ako minahal kaya bakit ko pa ipagsisiksikan ang sarili ko?"
Hindi ako nakapagsalita dahil anytime parang iiyak na ako."All this time, ramdam kong ako Lang ang nag e-effort sa relationship nna wala namang patutunguhan".
Pasakit ng pasakit ang binibitawan nyang salita.At doon, tumulo ang mga luha ko.
Gusto kong sabihin na mali sya dahil nag-iba na ngayon.
Pero heto na naman tayo sa hindi ko kaya."Pareho lang tayong mahihirapan kung ipagpapatuloy pa natin ito".
Seryoso pa rin ito at parang pinagplanuhan ang break-up.Mas matagal pa kaya sa plano na ginawa ko?
O diba ito yung gusto ko?
"Bakit?"
Finally ay nakapagsalita na ako."Bakit? After mong iparamdam sa akin na iba ka sa lahat ng nakilala ko?"
"Pero heto naman yung gusto mo diba?"
"Ayaw ko ng nahihirapan ka, kaya ako na ang gumagawa ng paraan. Let's broke up, tapusin na natin ito. Ayaw ko na"
Saglit, naalala ko ang lahat ng mga sinulat ko.
Yung planong ginawa ko.Nabasa nyang lahat.
Yung script.At nasaktan sya doon.
At ang planong iyon ang pinaka tangang nagawa ko sa lahat.
"Don't worry, masaya naman ako dahil magiging masaya kana"
Hindi ako makakilos.Naging duwag ako
Gustong-gusto kong bawiin ang lahat ng sinabi nya.
"Mababago ba ang lahat kapag sinabi kong mahal na kita?".
"I should let you go"
Naalala ko ang lahat.Ang sakit.
Naalala ko si Tita
Yung guilt...
Yung konsensya
At yubg heartache.
"Kailan pa?" Wala na akong masabi.
Gusto kong maging panaginip na lang ang lahat.
Ngunit kahit panaginip...
Hindi na maibabalik pa.
"Don't worry, alam na ni Mama. The moment I planned the trip"
And that was the moment I planned to break up with him.
Kaya ba ganun nila ako ingatan?
Para palayain din sa huli?
Gusto kong bawiin at sabihin na minahal ko na sya...
Ng sobra.
At nung sinabi ko na sya na, sya lang.
Hindi ko kinaya ang sobrang sakit.
Duwag ako.
Naisip kon na naging selfish ako.
Inisip ko lang ang sarili ko.
Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal nya. He deserve someone better. Someone Who can appreciate him.
And that's not me. Ang saklap lang.
I agreed on the break up. Silence means yes.
And last thing I knew, I let go of my heart.
My happiness.
Am I the type of person na hindi kamahal-mahal?
Did I love the right person?
Or I just make the wrong decision.
~~~~~~~~~~~~~THE END~~~~~~~~~~~~~~
YOU ARE READING
Unplanned Scheme
Short Story"Did I love the Wrong person, Or I just made the wrong decision?"