Simula noong ni-reply-an ako ni Javier ay mas naging pursigido ako na magpapansin sa kanya.
As in!
Mga kaibigan ko na mismo ang nahihiya sa mga pinaggagagawa ko kay Javier.
Tatlong beses sa isang araw ko siyang china-chat as in agahan, tanghalian, at hapunan! Ganyan!
Ewan ko ba at bakit ganito ako kalandi.
Sinusulit ko nalang dahil minsan lang ako magka-crush ng artista na pinapansin ako.
Masayang-masaya na ako kapag nakikita ko na sini-seen niya ang mga message ko sa kanya.
Nababatukan nga lang ako ng class president namin na tropa ko din at jowa ni Sharon dahil sa mga tili at ingay ko.
Araw-araw akong nagiging hype dahil nagsi-seen si Javier sa mga message ko sa kanya.
Nang magstalk ako sa fb niya ay may nakita ako na bagong post na pictures.
Mukhang nagshu-shooting sila ng pelikula.
Nakita ko din na kasama niya sa pic ang isang kilalang artista.
Kilala ko 'yong babae. Napapanuod ko siya sa nga teleserye saka magaling din siyang artista. As in!
Bigla ay may naisip ako saka napangiti.
Bagay sila ng artistang 'to. Mabait ang artistang iyon saka sobrang totoo. Sobrang free niya. Kahit artista siya ay hindi niya tinatago ang pagiging normal niyang tao like nagmumura siya at nagdi-dirty finger.
Wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin ng ibang tao basta totoo siya.
Sobrang simple niya kaya gustong gusto ko siya.
Naisipan kong i-message si Javier.
To: Javierbabe
Psst. Bagay kayo noong artistang kasama mo sa pic. Ligawan mo kapag pwede na. Ang ganda niya saka simple. Bagay kayo. 🙌
Sent!
Napansin ko na nakatingin pala sa'kin si Janice.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Hindi ba gusto mo siya? Bakit pinu-push mo siya sa iba?" nagtatakang tanong niya.
Ngumiti naman ako sa kanya. "Hindi naman siya sa'kin. Saka tanggap ko na hanggang fb niya lang ako mapapansin. Sabihin na nating parang fangirl niya lang ako. Ganern."
Napailing nalang siya. "Kapag ikaw nasaktan diyan, huwag mo 'kong iiyakan, ah?"
Natawa ako. "Bakit ako iiyak dahil sa kanya? Psh. Aso ko ba siya para iyakan ko?"
Ngumiwi siya saka pasimpleng umirap.
Ilang buwan din ang lumipas at dumating na ang birthmonth ni Javier. October.
Bago ang birthday niya ay gumawa ako ng banner at may nakalagay na "Happy birthday, Javierbabe!"
May nilagay din akong 4 na pic doon dahil 1/8 illustration board lang ang ginamit ko kaya konting space lang ang pwede para sa design.
Nilagyan ko pa ito ng plastic cover para hindi mabasa.
Nang matapos ay saka ako nagpatulong sa transferee student na kaibigan ko na din na si Ellen. Nanghiram ako sa kanya ng cp saka ako nagpavideo sa kanya habnag kumakanta ako ng "can't help falling in love" at "best part".
YOU ARE READING
Andres (On-going)
FanficI have always love the stars and the moon. But with his smile and genuine eyes, I see something more beautiful than the stars and more lovely than the moon. Have you ever fangirled ito someone? Have you became so smitten over him? Have you ever thou...