"Shamae! Ang ingay naman ng TV! Ang lakas! Bungol ka ba? Rinig na tayo sa kabilang kanto!" saway sa'kin ng Tita ko.Malalim akong napabuntong-hininga.
Sa totoo lang kasi, mas malakas pa boses ni Tita kesa sa TV namin.
Si Tita Emiliana ay stepmother ko pero close kami niyan.
I once thought that it will be hard to love her but as days, months, and years go by na magkakasama kami sa iisang bubong at naririnig ko ang nagraratrat niyang bunganga, napamahal na din siya samin.
"Hindi ko kasi feel iyong pinapanuod ko Tita kung hindi malakas ang sounds." matamlay na saad ko dahil pagod ako galing sa school.
Grade 11 na ako taking Humanities and Social Sciences as Strand in Academic Track.
Honestly hindi ko pa alam ang gusto kong maging career.
Paiba-iba kasi ako ng pangarap.
Noong bata pa ako pinangarap kong maging flight stewardess, tapos pinalitan ko ng pangarap na maging fashion designer, tapos naging cartoonist, naging chef, naging sundalo, naging doctor, naging engineer, naging abogado, naging pulis, hanggang sa pagiging teacher.
Ewan ko ba sa'kin. Napakaaaaaaaaaaa-PIHIKAN ko!
Mapili. Maarte.
Ewan ko ba.
"Nagsaing ka na ba?" mataas ang boses na tanong ni Tita.
Normal na sa kanya yan. Akala mo laging galit kapag nagsasalita.
Kaya siguro lumaki akong laging nakasimangot. Na-adapt ko siguro sa kanya. Hehe.
"5 minutes lang, Titz. Pahinga muna ako saglit." malamyang sagot ko.
Umupo nalang muna si Tita saka nagcellphone.
Si Tita hindi ko din maintindihan minsan, eh.
Kapag nagsi-cellphone ako kahit katatapos ko lang maglinis, nagagalit agad sa'kin at sinasabing ang tamad-tamad ko daw. Pero siya, ito, may sarili nang mundo dahil sa cellphone niya.
Madami kaming hindi napagkakasunduan ni Tita at lagi kaming nagtatalo, pero oks lang. Hindi naman boring buhay ko.
Ang dami kong crush pero hanggang crush lang.
Nakakahiya pa pinaggagawa ko kapag nagkaka-crush ako.
Meron iyong noong grade 8, binigyan ko ng valentine's card. Tapos tinapon lang iyon ng EX-crush ko. May crush din ako na tropa kong kengkoy pero ngayon, tropa nalang kami. Sanggang dikit. Hindi ko na siya crush kasi parang kapatid nalang turing ko sa kanya.
Noong grade 9, nagkaroon ako ng crush na singkit. Naging crush ko siya dahil type niya songs ni Justin Bieber. Naalala ko na hiniran niya dati 'yong cellphone ko na keypad pa para lang makinig ng mga kanta ni Justin Bieber. Saka kasi may taste siya sa fashion. Naaalala ko sa kanya si Park Jinyoung ng Got7. Hindi si Tandang JYP, ah? No no no!
Nakakahiya pa kasi may gf iyon na maganda tapos pinapayuhan ko siya dati. Ewan ko ba sa'kin.
May isa pa akong crush na grade 9 din pero last section. Pogi na may pagka-badboy at maangas ang dating. Maputi saka matangkad. Kaso babaero daw. Pero para sa'kin hindi naman siya babaero, loyal nga siya sa ex niya eh.
Pero noong grade 10, nakasayaw ko siya sa prom. Kairita kasi iyong kaibigan ko na kaibigan din pala ng ex-crush ko. Sabi niya na isayaw daw ako doon kay ex.
YOU ARE READING
Andres (On-going)
Hayran KurguI have always love the stars and the moon. But with his smile and genuine eyes, I see something more beautiful than the stars and more lovely than the moon. Have you ever fangirled ito someone? Have you became so smitten over him? Have you ever thou...