Mabigat ang loob na nag-ayos ako para pumasok sa school.Wala ako sa mood at talagang parang pagod ang katawan ko.
Wala na sakin kung ma-late man ako o hindi. Lagi naman akong late. Walang bago.
Habang nasa jeep ay ilang buntong-hininga na ang nagawa ko dahil pakiramdam ko kaunti nalang ay maiiyak ako na ewan.
Ayoko ng pakiramdam na 'to. Nakakabadtrip. Ayokong maging mukhang nakakaawa.
Tss.
Nang makababa ako sa may APEC ay wala sa sarili akong naglakad.
Nadaanan ko pa ang bilihan ng palabok pero wala talaga ako sa mood para sa lahat.
Parang gusto ko nalang matulog.
Nakarating ako sa school at agad kong nakita si Tatay Guard na may sinisitang estudyante.
May mga estudyante na napapatingin sa'kin. Hindi ko nalang pinansin.
Si Tatay ay agad akong napansin.
"Bakit nakanguso ka, Natasha? May problema ka?" nag-aalalang tanong ni Tatay.
"Lagi namang nakanguso 'yan, Tay. Anong bago?" si Janice kasama si Koms na may dalang mga papel na siguro ay dadalhin nila sa principal' s office.
"Tss." singhal ko.
Ngumiti ako saka umiling kay Tatay. "Okay lang ako, Tay. Traffic lang."
"Uyy, Nguso. Ang haggard mong tignan." pansin ni Janice.
"Lagi naman akong haggard tignan, Teh. Anong bago?" tinatamad na saad ko saka umakyat.
Pagkarating ko sa room ay wala pang teacher.
May kanya-kanyang gawi ang mga kaklase ko.
May iba na nagbabasa.
May iba na naglalaro ng ml.
May naglilinis ng classroom.
May natutulog.
May nagsasagot ng papel. Kumukopya siguro.
May ilan naman na sumasayaw. Tulad ni Angge saka Paris. Ang OppaGurls ng 12-HUMSS.
"Good morning, Shang!" si Paris.
"Morning." bati ko saka humikab.
"Gisingin niyo ko pag may teacher na, ah?" wala sa mood na saad ko.
Napatulala sila sakin ni Angge.
"Kararating mo lang matutulog ka na agad?" di makapaniwalang saad ni Angge.
"My only happiness is sleeping, yer know." saad ko na may accent pa tulad ni Rose ng blackpink.
Di ko na hinintay pa na makapagsalita sila saka ako padaskol na umupo sa upuan saka sinubsob ang mukha ko sa desk.
Sa totoo lang ay inaantok ako pero di ako makatulog.
Naiiyak ako na ewan. Ang bigat ng loob ko.
Ito ba ang "Heartbreak"?
Naalala ko dati, lagi kong sinasabi kay Janice na, "gusto kong maranasang ma-brokenheart. Yong tipong di makakain ng maayos tapos iiyak iyak. Ganern HAHAHA!"
Naalala ko dati ang reaksyon ni Janice tuwing sinasabi ko iyon. "Naku. Huwag mong hilingin na maranasan yon. Kung gusto mong masaktan, ako mismo bubugbog sayo."
YOU ARE READING
Andres (On-going)
FanfictieI have always love the stars and the moon. But with his smile and genuine eyes, I see something more beautiful than the stars and more lovely than the moon. Have you ever fangirled ito someone? Have you became so smitten over him? Have you ever thou...