Kabanata 4

6 2 0
                                    

Mag-iisang linggo ko nang hindi china-chat si Javier.

Tss. Bakit kasi mayaman 'yon?

Saka bakit ba ang arte ko? Magkaka-crush na nga lang ako sa tao ang demanding ko pa? Ang arte mo, Tasha.

"Bakit nakanguso ka na naman?" si Paris.

"Tanga. Natural na 'yan sa kanya." si Janice.

Hindi ko sila pinansin dahil lugmok na lugmok ako.

Buong araw ay tahimik lang ako at nagsu-stalk sa fb ni Javier.

Mas lalo akong nanlumo.

May picture kasi silang dalawa nong leading lady niya. May message din siya don.

Malungkot akong napangiti.

"Bagay na bagay kayong dalawa. Nakakalungkot naman..." mahinang sabi ko habang tinitignan ang picture nilang dalawa.

Ngumiti ako saka chinat ulit si Javier. Inaasar ko siya tungkol sa magandang artista na leading lady niya.

To: Javierbabe

Bagay talaga kayo ni ****. Bakit hindi nalang kayo?

Sent!

Bigla ay nagpatugtog ang mga kaklase ko.

Ang kanta na 'yon ay bago kong paboritong kanta.

Ang ganda kasi ng message. Nakaka-inlove.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa' kin na i-type ang lyrics ng kantang iyon saka ko sinend kay Javier.

Yong chorus lang ang sinend ko.

To: Javierbabe

I just wanna see,
I just wanna see how beautiful you are.
You know that I see it, I knoe you're a star.
Where you go I follow no matter how far.
If life is a movie, oh,
you're the best part....

Sent!

Saka ko in-off muna ang cellphone ko dahil pinakinggan ko ang kanta at mahinang nakisabay dito.

Nang matapos ang kanta ay tinignan ko ulit ang fb ko saka ni-refresh iyon.

Napakurap ako saka parang tinambol ang dibdib ko nang makita na nagreply siya sa'kin.

From: Javierbabe

I love that song! 🙂

Natawa ako sa emoji na ginamit niya.

Saka ako nagtatalon na tumili dahilan para tignan ako ng masama ng mga kaibigan ko pati ng president namin.

Nagpeace-sign ako sa kanila saka ako lumapit kay Paris.

"Yieeeeee! HAHHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" parang baliw na tawa ko.

Ngumiwi si Paris. "Anyare sa'yo, Tashang?"

Abot-tenga ang ngiti kong inabot sa kanya ang cellphone ko.

"Hihihi. Nireplyan ako ni Javier! I love that song daw!" kinikilig na saad ko.

"Nice nice. Wala siyang shooting?" tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Tapos na ata silang magshooting. Geez. I love that song daw! Hahahaha! Gusto ko ang nota ng nga kanta mo! Gusto ko ang nota ng mga kanta mo~".

Natawa ang mga kaibigan ko sa pagkanta ko.

Wala akong pake!

Tss. Ang rupok ko na naman pala.

Andres (On-going) Where stories live. Discover now