Jasmine Red POV*
Nang makarating na ako sa opisina niya agad akong kumatok at pinapasok naman ang niya ako.
Nakita ko siyang may tinitipa sa laptop niya. Kaya agad kong inilapag ang mga papeles at aalis sana nang magsalita siya.
"Yan ba ang tamang asal pag kaharap mo ang Asawa mo?" Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Di makagalaw ang katawan ko dahil sa sinabi niya.
Ano daw!!!
Agad akong napatingin sa kanya at nakita ko muli ang malamig na mukha niya habang nakatingin saakin.
"Asawa?" Natatawang sabi ko. "Diba, wala ka nang asawa simula nung limang taon na ang nakalipas dahil mas pinili mo pa ang babae mong mayaman kesa sa akin na tanging panininda lang ang alam." Pinipigilan ko ang sarili ko na maipakita sa kanya na nasasaktan pa din dahil sa nangyari noon.
Natahimik naman siya at magsasalita sana nang magsalita agad ako.
"Bigyan mo nalang ako ng Annulment Papers para maging tuluyan ka nang makalaya at makasal mo na yung babae mo." Sabi ko agad at wala na akong pake kung ano ang mga sinasabi ko.
Pero sa looban ko gusto ko pa siyang patawarin dahil mahal ko pa eh pero kung mahal na niya ang babaeng iyon ibibigay ko nalang sa kanya ang kasayahan niya.
"Wag kang mag aalala, may pares na din ako at di na din ako malungkot. At sana walang makakaalam na asawa kita at ituring mo akong empleyado kagaya ng ginagawa mo sa ibang empleyado." Sabi ko at agad umalis sa opisina niya.
At dumiretso ako sa banyo at agad nilock ang isang cubicle na pinasukan ko at agad akong napahawak sa puso ko at doon lumabas ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Bakit ko nasabi na may pares na ako. Ang totoo naman ay wala dahil siya lang ang minahal ko at di ko rin kayang maghanap ng iba dahil siya pa din ang hinahanap ng puso ko. Ilang minuto ako doon hanggang lumabas na nga ako at napatingin ako sa salamin at namumugto ang mga mata ko habang nakatingin sa salamin agad akong nag retouch ulit para di halata at tumayo ng maayos.
"Wag mong ipakita na mahina ka. Dahil sa simula palang kinaya mo na ang lahat kahit walang ibang tumulong sayo kaya ngayon kakayanin mo ulit!" Pagchecheer ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Agad akong lumabas nang nagulat ako dahil sa nabangga ko ulit at nanlaki ang mata ko dahil sa nakita. Nakita ko muli si Kyzler at mabuti naaalalayan niya ako na muntik ko nang ikatumba.
"Jasmine, are you okey?" Nag aalalang sabi niya. Agad akong napaayos ng tayo at napangiting tumingin sa kanya.
"Oo naman. Sorry talaga kanina pa kita nababangga napaka clumsy ko talaga." Natawa nalang siya at mahinang kinurot ang pisngi ko na kinapout ko.
"Nagkita na ba kayo?" Biglang tanong niya at mukhang alam ko na kung sino ang sinasabi niya.
"Uhmm.. kailangan ko na palang bumalik baka hinahanap na ako ng Supervisor namin." Agad na sabi ko at aalis sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at bigla niya akong hinila papalapit sa kanya.
"Okey, di ko na siya babanggitin. By the way mamaya lunch tayo." Sabi niya sabay lahad ng cellphone ko na kinalaki ng mga mata ko.
Teka kailan pa nasa kanya ang cellphone ko.
"Nahulog mo kanina nung binangga mo ko. By the way nandyan na ang kontak ko at nakuha ko na din ang number mo. Tatawagan lang kita kung Lunch time na libre kita." Nanlaki ang mga mata ko.
"Nako, ako na ang magbabayad sa sarili ko may malaking sweldo na naman ako kaya okey na." Sabi ko agad at napangiti naman siya at pinat ako sa ulo.
"Please, ngayon lang. Ngayon pa ako makakalibre sayo puro ka nalang tanggi noon kahit ngayon lang reunion natin kung baga." Wala na akong magawa nagpacute siya kahit hindi naman. Tumango nalang ako at ngumiti nang may naalala akong bagay na kanina ko pa gustong matanong.
BINABASA MO ANG
My Husband Is A CEO Boss (BOOK 1)
RomanceBook 1 Limang taon silang di nagkita simula nang iwan niya ang kanyang asawa na si Ton-Ton na isang Janitor sa isang kompanya. Siya si Jasmine Red Cortez, 25 years Old, isa na ngayong empleyado sa sikat na kompanya sa boung mundo. Masaya siya sa ka...