Chapter 3- His Place

1.9K 53 10
                                    

Jasmine Red Cortez-Swift POV*

Napamulat ako at nasa isang kwarto ako na di pamilyar saakin. Agad akong napatingin sa damit ko mabuti yun pa din. At napatingin ako sa kamay ko dahil may dextrose na nakatusok. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Ton-Ton na naglalakad habang may hawak na plato.

Naalala ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Umatake pala ang ulcer ko.

Agad akong pumikit at nag tulog tulugan. Narinig ko na inilapag nito ang hawak sa lamesa at inayos niya ang pagkaka ayos ng kumot na nakumot saakin.

Biglang tumunog ang cellphone niya na agad niyang kinatayo at nakita ko na pumunta siya sa may bintana at doon sinagot ang tawag.

"Oh." Sabi niya. Sino kaya ang katawag niya.

Pero naririnig ko ang boses sa katawag niya kaya malaya kong naririnig ang pinag usapan nila.

"Baby Kyz! Miss na kita kailan ka ba bibisita dito sa bahay?" Rinig ko ang boses ng isang babae sa katawag ni Ton-Ton at nanikip nanaman ang puso ko dahil baka yun ang babaeng nakita ko limang taon na ang nakalipas.

"This Saturday. At dadalhin ko din ang matagal mo ng gustong makita na regalo." Sabi niya. Mahigpit akong humawak sa kumot dahil sa narinig. Di ko maiwasang umupo sa higaan at napatingin naman si Ton-Ton saakin. Napa igik ako nang maramdaman ang sakit sa tyan ko.

Pero binaliwala ko iyon ang nasa isipan ko ngayon ay ang makaalis sa kwartong ito at tatanggalin ko sana ang dextrose sa kamay ko nang maramdaman ko ang kamay niya na pumigil saakin.

"Anong ginagawa mo?" Kunot noong sabi niya.

"K-kailangan ko ng bumalik sa trabaho ko." Palusot ko pero ang gusto ko ay ang makalabas sa kwartong ito.

"Jasmine!" Sigaw niya habang hawak ang magkabilang balikat ko at napatingin naman ako sa kanya at gulat na gulat.

"Intindihin mo naman ang kalagayan mo! Ano na bang nangyari sayo!" Natahimik lamang ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Gusto mo tuluyan kitang paalisin sa kompanya ko?!" Nagulantang ako sa sinabi niya na kinalaki ng mga mata ko at agad akong napailing.

"Gagawin ko ang lahat, wag niyo lang akong paalisin. Nagmamakaawa ako." Hindi lang sarili ko ang ginagamitan ko ng pera kundi pati si Lola Ling na nasa hospital. Hindi ko siya kaano ano pero siya lang ang tumulong saakin ng mga panahong walang wala ako, yung mga panahong sira na ang buhay ko dahil sa nangyari noon. Siya lang ang nasa tabi ko umalaga sa akin.

At ngayon nasa hospital siya at dalawang taon na siya doon. Baon na baon na ako sa utang para sa pangangailangan niya sa hospital.

"Okey, papayag ako pero sa isang kondisyon. Maging asawa kita sa harapan ng mga magulang ko. At sa mansion ka na titira simula ngayon at papayag ako sa gusto mo na walang makakaalam at empleyado na din ang trato ko sayo sa kompanya." Nagulat ako sa sinabi niya.

"M-Maging Asawa mo?" Tumango siya sa sinabi ko.

"Don't worry, suswelduhan kita. Iba ang sweldo mo dito at iba din sa bahay." Malaking tulong na iyon saakin.

"Gagawin ko ang lahat." Sabi ko nalang at wala naman akong ibang choice dahil malaking tulong na din iyon saakin.

"Pag wala ang mga magulang ko maging kasambahay kita at wag kang mag aalala dadagdagan ko ang sweldo mo. Mas tataasan ko pa ang perang binibigay ng lalaki mo." Napaiwas ako ng tingin. Pero mukhang pera na ang tingin niya saakin. Pero wala akong pakealam ang akin lang maligtas lang ang Lola Ling ko.

"Wala akong problema doon." Sabi ko nalang kahit natapakan na ang pagkababae ko sa ginagawa ko sa sarili ko.

"Mamayang gabi ka na lilipat. Sa sasakyan ko nalang isasakay ang mga gamit mo." Sabi niya na kinalaki ng mga mata ko. Mamayang gabi agad?

My Husband Is A CEO Boss (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon