Chapter 1- Her Husband

2.5K 64 3
                                    

Jasmine Red Cortez POV*

Nagmamadali akong tumatakbo papasok ng kompanya. Naiinis kasi ako dahil sa traffic sa daan at di naman ako matatraffic kung di lang ako natagalan ng gising at di din naman ako matatagalan ng gising kung di ko lang tinapos ang lahat ng Power point presentation na gaganapin ngayong araw at lima ka pa ang ginawa kong presentation at kahapon pa lang binigay saakin. Sa mga kasamahan ko iyon at binigay lang saakin at ito namang bibig ko na hindi maka hindi eh sa ginawa ko nga kaya ito na ang nangyari malelate na talaga ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na puno na ang elevator at papasok sana ako nang biglang nag warning dahil puno na kaya no choice ako at lumabas nalang ulit at sumira na. Napatingin ako sa relo ko at five minutes nalang at nasa ten floor pa ang opisina na papasukan ko.

"No choice ang ikalawang plano." napatingin ako sa hagdan. Tinanggal ko ang sandal ko at hinawakan ko ito at humingang malalim hanggang sa tuamkbo ako ng mabilis paakyat ng hadanan. Walang hindi kaya saakin, lahat kinakaya ko hanggang sa magka asawa ako pero nung nakakasama ko pa siya parati siyang nasa tabi ko siya ang gumagawa sa mga gagawin ko kahit kaya ko naman dahil sanay na ako pero di niya ako hinahayaan at pinabayaan.

Dalawang taon kaming nagsama at ang masasabi ko nalang ay siya na ang pinaka perfect na asawa sa akin pero nasira ang lahat ng iyon dahil sa isang tawag at isang pangyayari na kinasira ko ng tiwala sa kanya.

Mamaya na iyong topic na iyon ang saakin lang ngayon makarating ako sa opisina namin. Hinihingal akong makarating sa tenth floor at agad akong pumasok sa loob hanggang makarating ako sa attendance notebook at attendance na computer pero pag time in ko nanlaki ang mata ko dahil one minute late ako. Napaupo ako sa sahig dahil sa problema dahil sa one minute late lang malaking problema na iyon.

"Hey, Jasmine! Nasaan na ang Presentation ko?" nakapamewang na sabi ni Janice sa akin. Dahan dahan akong tumayo at lumakad papunta sa table ko at agad inopen ang computer ko at binigay niya ang flashdrive niya saakin at agad kong kinopy ang ginawa kong presentation na gawa ko.

"Mabuti nagawa mo." at umalis naman siya at napapout nalang ako di man lang nagpasalamat. At dumating na din ang apat para kunin din ang mga presentation nila at kagaya nung una hindi man lang nagpasalamat.

Napasandal ako sa upuan ko nang biglang nagsalita ang Supervisor namin na si Ma'am Angela.

"Guys, Attention, please!" agad naman kaming lumapit sa kanya.

"Anong meron, Ma'am A?" tanong ni Aiza na isa din sa mga kasama ko sa trabaho. Tumikhim muna ito bago magsalita.

"Ngayong araw na ito dadating ang bagong CEO natin at lilibot siya sa boung Opisina dito sa boung building ngayon." anunsyo nito sa amin at mukhang excited naman sila.

"Ang sabi ng Secretary ng CEO na napa kagwapo daw ng bagong CEO natin, ganun daw ang mukha ng dating CEO nung kabataan pa nito." chismis ni Juvana kay Braine at mukhang kinilig kilig naman silang dalawa.

"Gwapo si Sir Swift ngayon kahit may kaedadan na paano nalang nung kabataan niya?" sabi din ni Braine.

"Omo, magreretouch tayo ngayon, Girl." tumango tango naman si Braine kay Juvana.

"Tama na ang daldalan, maghanda na kayo dahil baka papunta na ang bagong CEO natin." sabi ng Supervisor namin at tumango nalang kami. At aalis sana ako nang bigla akong tinawag ni Ma'am Angela.

"Jasmine, ikaw bumili ka ng Milktea, burger at tsaka french frice at isama mo na din ang prutas." nakataas kilay na sabi nito at binigyan niya ako ng pera at napakamot nalang ako sa ulo. Mauubos niya ito lahat ng bibilhin ko?

Agad akong bumaba gamit pa din ang hagdan dahil puno muli ang elevator at agad dumiretso sa bilihanan ng mga pinabibili saakin.

Hanggang sa makabalik na ako sa kompanya habang dala dala ang mga pinapabili saakin. Hinihingal muli ako kahit sila Kuya Guard naaawa na saakin araw-araw na nila akong nakikitang nahihirapan.

My Husband Is A CEO Boss (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon