17

21 0 0
                                    

"Good morning sir!"

Pag kapasok ko sa 7/11 ay bumati sa akin yung cashier. Nginitian ko lang ito at tiyaka pumunta sa aisle kung nasaan ang cup noodles. Naubusan na kasi kami nila Jimin sa condo, bibili na ko ng mga lima para may stock.

"Sir, ingat, baka madulas po kayo." sabi nung Janitor na nag momop ng floor.

Tumango lang ako tiyaka kumuha ng dalawang beef, dalawang seafood, at isang chicken flavored na noodles. Pumila na 'ko sa cashier para mag bayad.

Nang bumukas ang pinto at tumunog yung bell ay nag greet uli yung babae. "Have a nice day sir!"

I just scrolled through my phone while waiting for my turn to pay. Nung ako na, nilagay ko sa bulsa ng pants ko yung cellphone ko at nilabas ang wallet.

"Pogi ni sir." nag uusap yung dalawang cashier sa harapan ko. Ako ba? Ano ba kayo mga ate, ako lang 'to!

"Mukhang bad boy pero cool," kinikilig naman na sabi nung isa. Ako? Mukhang bad boy? Hindi naman ah!

Nang makuha ko na ang plastic at resibo ay muntik na akong madulas sa sobrang basa ng sahig. Nabunggo ko yung lalaking nasa likod ko at may natapon din sa iced coffee niya.

"Shit! Sorry-" I stopped when I saw a familiar face.
He look very intimidating and iritated. Nainis siguro siya dahil natapunan din ang sapatos niya. My heart started to beat faster.

Jungkook looked away and bit his lower lip. Napayuko ako nang maramdaman ang tingin niya sa akin.

"Nakakadalawa ka na ah?" siga niyang sabi. "Alam mo bang bago 'tong sapatos ko?"

Naguguilty ako pero hindi ko naman kasalanan na nadulas ako. Bakit hindi niya sisihin si kuyang janitor! Kung hindi siya nag mop, hindi naman ako madudulas.

"Ano? Hindi ka makasagot? Pipe ka ba?!" inis niyang sabi.

"Nag sorry na ko diba?" Inis din akong tumingin sa kaniya. "Hindi ko naman sinasadyang madulas eh!"

"Tanga ka kase,"

"Ano na namang sinabi mo?!"

Napatigil ako nang bigla niyang tinapon sa shirt ko yung iced coffee niya. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa plastic.

I showed my fakest smile. "Hindi ako nag mumura pero putangina mo." pinakita ko din sa kaniya ang middle finger ko.

"Mas tangina ka!"

"Pinaka-tangina ka!"

"Mga sir, kung mag aaway lang po kayo, sa labas na lang po kayo." napalingon kami doon sa cashier. "Nakaistorbo po kasi sa iba naming customer."

I stared at Jungkook. How dare he throw his coffee on my shirt? Parang bata eh. Yung plain white shirt ko kanina, mayroon nang design na para bang mapa.

Tahan || TaekookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon