34

22 1 0
                                    

Nandito ako sa rooftop ng school para mag pahangin. Masyado na akong naiistress sa schoolworks at sa binalita sa akin ni mama kanina noong tumawag siya. 



'Kapag naayos ko na ang mga papeles mo, makakapunta ka na rito.'



Ayaw kong umalis pero hindi pwede.Wala akong magagawa kung hindi sundin si mama. Matagal na niyang sinabi ito pero bakit ganoon? Bakit ang sakit pa rin? Bakit ang hirap tanggapin? 



"Anong ginagawa mo rito?" napalingon ako nang may nag salita. 

Tumaas ang kilay ni Jungkook nang hindi ako kumibo. Aalis na sana ako pero mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. 

"Jungkook wag ngayon." sinubukang kong bawiin ang braso ko. Malamang ay nag hihintay na si SeokJin sa akin sa baba. Nakalimutan ko na sabay nga pala kaming uuwi. Baka mag alala na yun. 

"Tinatanong kita kaya sumagot ka!" 

"Ano ba?!" sapilitan kong binawi ang braso ko dahilan para mahulog ang bag ko sa sahig. Isang strap lang kasi ang nakasabit sa balikat ko kanina.


Pupulutin ko na sana pero naunahan ako ni Jungkook. Itinaas niya pa iyon at ngumisi na para bang nanalo ng kung ano. 

"Ibigay mo na sa akin yan." sinubukan kong maging kalmado. Ayaw ko nang makipag-away sa kaniya dahil una,  baka magalit na naman sa akin si SeokJin. Pangalawa, wala ako sa mood ngayon dahil marami nang gumugulo sa isip ko.

"Sino ka para utusan ako? The acidity?!" supladong sabi niya.

"Audicity yon bobo!" sinubukan kong kuhain ang bag ko pero itinaas niya pa lalo iyon. Matangkad ako pero mas matangkad siya kaya nahihirapan akong kuhain. 

"Bobo pala ah." aniya tiyaka tumakbo, hawak pa rin ang bag ko. Hinabol ko siya at tiyaka tumigil nang ibinato niya sa may stock room yung bag ko. Bwisit!

"Ayan kunin mo." Nakangiti niyang sinabi pero halata naman na peke iyon.

May maliit na kuwarto dito sa rooftop. Ang alam ko ay dito nakalagay yung mop, walis, dustpan, at iba pang gamit ng mga janitor sa school. 

"Ikaw nag lagay diyan hindi ba? Kaya kuhain mo!" Hinampas ko siya ng malakas pero bakit parang hindi siya nasaktan?!

"Hindi ko naman gamit yan." Nilagay niya ang dalawang kamay sa mag kabilang bulsa ng pants niya tiyaka umalis. 

"Argh fuck you!" 



Pumasok ako doon sa maruming kuwarto na iyon at kinuha ang bag. Bwisit talaga kahit kailan. Nadumihan yung bag ko putspa. Isinabit ko na ang dalawang strap sa magkabilang balikat ko pero nanlaki ang mata ko nang marinig na sinarhan ako ng pinto. 


"Jungkook!" tumakbo ako sa bakal na pinto at hinampas hampas iyon. Narinig ko pa na may pinapadlock siyang kadena. 


"Jungkook hindi nakakatuwa buksan mo 'to!" sigaw ko. Napahawak ako sa ulo ko sa inis. 


"I hope you enjoy staying there!" tumawa pa siya. 


"Mama mo enjoy!" malakas kong pinalo yung pinto pero nasaktan lang ako. 



Binuksan ko ang bag ko para kunin ang cellphone ko pero putspa. Lowbat! Kinapa kapa ko ang mga gamit ko dahil wala akong makita sa sobrang dilim. Sinubukan kong hanapin ang powerbank ko. 

"Yawa na kay Jimin nga pala," Napatakip ako ng mukha sa sobrang inis. 


Pinagmasdan ko ang kuwarto at hindi ko mapigilan mangamba. Madilim at marumi. Masangsang pa yung amoy! Wala namang bintana dito kaya ang hirap huminga! 

"Jungkook! Tulong!" sinusubukan kong buksan ang pinto pero hindi ko talaga kaya. Naiiyak na ako sa galit. "Tangina Jungkook ikamamatay ko 'to eh!" 



Nahihirapan na 'kong huminga. Iniyak ko nalang lahat sa sobrang hindi ko na kaya. Bakit ba lagi nalang sabay sabay ang problema ko?! 




"Akala mo kasi nakakatuwa!" nakatingin lang ako dun sa bakal na pinto. Iniisip ko na si Jungkook yon. "Peste ka lumalayo na nga ako sa'yo kaso lapit ka pa rin nang lapit sa akin. Ano ka ba? Higad?! Kingina. Nakikisabay ka pa sa mga problema ko!"



Kahit ano yatang sigaw ko ay walang makakarinig sa akin. Wala naman kasing tumatambay rito sa rooftop at malamang ay umuwi na si Jungkook. Mabuti nalang at may onti pa akong tubig sa water bottle ko kaya nakainom ako.


"Ano ba kasing ginawa ko sayo ha? Leche ka alam mo ba na hindi na ako makahinga dito?! Kapag namatay ako dahil dito, ikaw magbabayad ng funeral ko!" sigaw ko pa.


Nakatakas ba sa mental 'tong Jungkook na 'to? Bakit ba napakaepal niya? Wala ba siyang magulang? Bakit ba bully siya? Feeling superior, feeling gwapo, feeling badboy siya. Tanga lang ang magkakagusto sa katulad niya noh! At masasabi kong maraming tanga sa campus.


Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Hindi naman talaga ako umiiyak. Hangga't kaya ko, hindi ako lumuluha pero sobrang dami ko nang problema ngayon. Requirements, Pag alis sa Pilipinas, at itong pang bubully ni Jungkook. 

Mahigit dalawang oras na yata ang lumipas. Kinakabahan na 'ko. mainit at sa masikip na lugar kaya't sinubukan

"Tangina, ayoko na..." my voice broke. Tinikom ko ang labi ko para hindi marinig ang paghikbi ko. My whole body is trembling. Kinginang mundo 'to, nakakapagod.

Tumigil lang ako sa pag iyak nang marinig na bumukas ang bakal na pinto. Doon ay nakita ko si Jungkook na may hawak na bottled water at panyo. 

Hinatak niya kaagad ang kamay ko at hinila ako palabas ng kwarto. Pagtingin ko sa paligid ay gabi na. Nang makalabas na kami ay humarap siya sa akin. 

Saglit lang niya akong pinagmasdan bago umiwas ng tingin at inabot sa akin ang hawak niya. "I'm sorry.."  

Hindi ako sumagot at kinuha lang ang panyo at tubig, pilit na pinapakalma ang sarili. Nang makainom ay pinunasan ko ang luha ko bago ko siya matalim na tiningnan. 


"Ano pang magagawa ng sorry mo? Jungkook, muntik na akong mamatay doon! Napakasalbahe mo!"  Naiyak uli ako sa inis. Hindi niya kasi alam. Hindi niya kasi naiintindihan. 



He swallowed hard without looking at me. He looked so guilty. Hindi ako umiiyak sa harap ng mga tao dahil nagmumukha akong mahina pero hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko. 


"Ano ba kasing ginawa ko sa'yo?" tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. 


Naramdaman kong lumapit siya at bigla akong niyakap. Ang nararamdaman kong inis ay napalitan ng gulat. Hinawakan niya ang ulo ko at isinandal sa dibdib niya. "Hindi na mauulit, I'm so sorry....."


Napaaywang ang labi ko at napatigil ako sa pag iyak. Kahit papano, napakalma niya ako. Magsasalita na sana ako pero may sinabi uli siya. 


"Tahan na...." 

Tahan || TaekookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon