09

27 0 0
                                    

"Hindi ba sumasakit mata mo diyan? Kanina ka pa nag aaral ah?" umirap ako kay Jimin at nag patuloy muli sa pag babasa.

Kanina pa niya pinipicturan yung crush niya. Ang ingay niya at kapag nakakashoot si Yoongi ay hinahampas hampas pa ako. Lumalagpas tuloy ang pag-highlight ko sa libro.

"Ang landi mo!" binatuhan ko siya ng crumpled paper.

"Bitter ka lang eh. Bakit hindi ka kaya mag ka-crush-"

"Pass." singhal ko at nag basa nalang muli. 

"Arte!" madramang sabi niya. "Oo nga pala, may philophobia ka!" tumawa pa siya. 

Naningkit ang mga mata ko at akmang ihahampas ang makapal kong libro sa kaniya pero natamaan ako ng bola.

"Ah SHIT!" 

Hindi ko na ata kilala ang sarili ko. Mabuti at hinawakan ako ni Jimin kung hindi ay nahulog na ko. Lahat ata ng brain cells ko nawala.

"Hala, sorry pre!" napalingon ako doon sa nakatama sa akin. Yun pala yung crush ni Jimin. 

"Taehyung kilala mo pa 'ko?" kumaway kaway pa si Jimin sa akin. "Ilan toh?" nag peace sign pa nga. 

Inis lang akong tumingin sa kaniya."Okay ka lang ba?" tanong niya uli.

"Mukha ba akong okay? Kita mong natamaan ako ng bola." inis kong sabi sa kaniya bago ko hawakan ang ulo ko. Ang sakit nun yawa!

"Tanga ka kasi kaya natamaan." napalingon kami ni Jimin doon sa nag salita. Inis akong tumayo at hinarap siya.

"Anong sabi mo?" inis kong tanong kay Jungkook. Nakatingin lang siya sa mga nag tatraining. 

Ngumisi siya at hinarap din ako. "Tanga ka." 

Kinuyom ko ang palad ko. Gusto ko siyang suntukin pero sinubukan ko pa ring kumalma. "Una sa lahat, yang lintek mong kaibigan ang nakatama sa akin. Paano mo nasabing tanga ako ha?!"

Tumawa siya ng sarkastiko. "Tanga ka kasi alam mo namang matatamaan kayo diyan ng bola pero diyan pa rin kayo nag aaral. Court ito hindi Library, bobo."

aba nakakadalawa na toh ah? Ngayon lang talaga kami nakapagusap. Lagi ko lang siyang nakikitang may binubully kaya inis na inis ako sa kaniya pero ngayon niya lang ako ininsulto. 

Tumalikod na siya at pupunta sana sa kabilang side ng court nang binato ko sa ulo niya yung libro kong dapat ihahampas ko kay Jimin. 

"Gaga!" hinampas ako ni Jimin. "Bakit mo naman siya binatuhan!"

Hindi ko siya sinagot at nag tama ang paningin namin ni Jungkook. "Fuck boy!"

"Tara na." hinihila na ni Jimin ang siko ko, takot na.

Halatang nainis si Jungkook at agad na lumapit sa amin. Susuntukin niya sana ako pero...

"Mister Jeon!" sabay kaming napalingon. Si principal. "On my office, now!"

Tahan || TaekookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon