Chapter 23

40 1 0
                                    

Nagtaasan ang balahibo ko nang tumapat ang spotlight sa aming dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagtaasan ang balahibo ko nang tumapat ang spotlight sa aming dalawa. Tumigil ang paligid ko at parang bumalik ako sa nakaraan. Ang pakiramdam ko ay parang bago palang ang pagmamahal ko sa kanya.

“Hindi ko 'to naggawa dati sa harap ng maraming tao. Hindi ko 'to naggawa kasi nahihiya ako. Kaye...”

“Will you marry me? Again.”

“Ayoko nga, Oliver! At tsaka anong oras na oh!” Singhal ko kay Oliver.

“Sayang naman 'no. Pumayag na kaya si Tita, pwede na yun. Pupunta lang naman sa may dagat eh.” Saad niya at ngumuso. Napangisi naman ako.

“Tara na nga, hindi na ako magpapalit ng damit—”

“Kahit nakapajama ka, maganda ka pa din.” Saad pa niya.

Bumaba kami sa kotse niya. Inilinga ko ang aking tingin at tumigil ang aking tingin sa buwan. Sobrang liwanag nun at buong- buo. Liwanag siya sa dilim kasama ang mga bituin. Hinila ako ni Oliver papunta sa seashore. Hinubad niya ang kanyang jacket at inilatag iyon sa buhanginan.

Umupo kaming parehas doon at tahimik na pinanood ang buwan. Habang nakatitig ako sa buwan ay hinawakan niya ang aking kamay. Binalewala ko iyon at patuloy na pinanood ang buwan. Napatingin ako sa kamay ko nang may  naramdamang malamig sa aking palad.

“Will you marry me?” Tanong niya.

“Of course, I'll marry you.” Saad ko at ngumiti.

Ngumiti siya ngunit nawala iyon nang isinuot niya sa akin ang singsing. Nagtaka naman agad ako doon. Hinaplos niya ang singsing na iyon.

“Sorry ha,” Saad niya. Napataas ako ng kilay dahil doon. Nakatingin lamang siya sa singsing. “Eto lang kasi yung kaya kong bilhin para sa'yo. Eto lang kaya nung napag- ipunan ko. Dapat nagpropose ako sa'yo sa harap ng maraming tao. Sorry ha kasi hindi ko pa kaya—”

“Okay lang.” Sagot ko sa kanya. “Mas gusto ko nga yung ganito eh.”

Parang hinaplos ang puso ko nang makita ang pagluha niya dahil hindi niya kayang ibigay ang gusto niyang ibigay sa akin. After few years of being in a relationship, narealize ko na he's really trying hard to give things for me. Na gagawin niya ang lahat mabigyan niya lang ako ng bagay- bagay.

Napatingin ako sa singsing ko. Isa iyong simpleng singsing na gold at may maliit na diamond stone sa gitna. Napangiti ako.

Sinabihan ko na siya noon na hindi ko naman kailangan ang mga binibigay niya at sapat na para sa akin ang presensiya na ibinibigay niya, na ipinaparamdam niya sa akin. Kuntento na ako sa mga bagay na meron kami. Simple lamang pero nasasabi namin ang nararamdaman para sa isa't isa.

“Gusto ko sanang magpropose sa'yo sa harap ng maraming tao pero hindi ko pa kaya eh. Alam ko yun, nasa taas ka pero ako— basta. Basta, magpro- propose ulit ako sa'yo. Kapag mayaman na ako, kapag successful na ako, kapag kaya ko nang ipagmalaki ang sarili ko.” Oliver said to me.

His eyes are screaming for success.

Kahit ayaw kong gawin niya iyon ay hinayaan ko siya. I know things will be better for him soon. I know he'll strive more and will achieve more. I will help him to grow and be successful not as my man but as a man of his own.

“Sabi mo yan ha.” Saad ko. Napatingin siya sa akin at napangiti na din. Pinagmasdan ko siya.

I know you'll be successful someday. I know that your dreams to give me the world will be achieved by you. I believe in you.

He kneeled in front of me. Nanlaki ang mga mata ko at gumilid ang mga luha sa aking mga mata. He smiled at me. May kinuha siya sa kanyang bulsa at binuksan iyon sa aking harapan. Napanganga ako nang makita ang singsing na nandoon.

Isa iyong rose gold na singsing na may oval diamond  na nagiiba- iba ng kulay kapag natatamaan ng ilaw ang iba't ibang anggulo noon. May ilan pa iyong maliliit na bato sa gilid. He looked at me with so much happiness in his eyes.

“Will you marry me? Again.” Saad niya nang nakangiti, confident. Ngumiti ako at tumango sa kanya.

Noon ay hindi siya makatingin sa akin nang isuot niya sa akin ang singsing. Ngunit ngayon ay nakatingin na siya sa akin habang may ngiti sa labi at mga mata. He succeed. He achieved his dreams. For the past few years that I'm with him, I witnessed how brave he is to challenge himself to achieve victory and genuine happiness.

I let him go but he didn't even bother me. He gave me time to reflect on my own decisions. He always gave me time and always want me to take it slow as much as possible because we both know how painful it is to rush things.

Tumayo na siya at hinalikan ang noo ko. Napapikit ako dahil doon. Narinig ko ang hiyawan ng audience, ng lahat ng taong nandoon. Nagtaasan ang mga balahibo ko at natunaw ang puso ko nang bumulong si Oliver,

“I love you.”

Iminulat ko ang aking mga mata at sinabing,

“I love you too.”

Nasilayan ko sa gilid si Bradley na abala sa pagkukuha ng litrato sa amin, pati na din si Kuya na abala sa pagmando sa mga tanong nandoon para maging mas maayos ang proposal ni Oliver.

“Sanaol,” Napatingin ako sa gilid at nandoon si Kuya at si Bradley.

Tumawa ako. Si Kuya ay pinakita ang dalang frappes dahil alam niyang hindi ako umiinom ng alak. Si Bradley naman ay nilabas ang kanyang camera at kinuhaan kami ng litrato. Pumwesto siya sa harapan namin ni Oliver. Pumosing ako at pinakita ang singsing ko pero agad na hinila ni Oliver ang kamay ko.

“Huwag mong ipakita yung singsing, nakakahiya—”

“Anong nakakahiya doon? Tsk! Nag- effort ka kaya para dito.” Saad ko sa kanya.

“Yan lang kasi—”

“Parang tanga naman 'tong si Oliver. Hayaan mo na yan. Aanhin naman ni Czarina ang mahal na singsing kung papaiyakin lang siya. Naku naku! Basta huwag mong papaiyakin yang kapatid ko.” Saad ni Kuya kay Oliver.

“Ang swerte mo nga kasi sobrang daming lalaking nanliligaw jan pero ikaw lang pinayagan ng kuya.” Saad ni Bradley at napatawa naman kaming lahat.

“Sobrang daming nanliligaw sa kanya pero ako naman yung mahal.”

“Ang hangin,” Sabi ko kay Oliver nang sinabi niya iyon.

“Totoo naman,” Panggatong ni Kuya.

“Totoo naman two.” Sabi ni Bradley.

Napailing na lamang ako sa kanila. Tumingin ako kay Oliver na nakangiti na ngayon. Lumapit lalo ako sa kanya at bumulong,

“Dito tayo magpakasal.”

“If that's what you want.” Saad niya at ngumiti lalo.

“Saan tayo magpapakasal?” Tanong agad ni Oliver nang makapasok kami sa bahay namin.

“Dati lang,” Saad ko at ngumiti.

Ngumiti siya pabalik sa akin at agad akong niyakap. Hindi namin maitago ang saya na aming nararamdaman ngayon. We both know how we struggle as a couple and as an individual, but now here we are. Achieving dreams as we grow with each other.

Humigpit ang yakap niya sa akin nang sumadal ako sa dibdib niya. Grabe pala 'no? Parang kailan lamang ay nangangarap lang kami ng mga bagay na gusto naming mangyari sa amin. May mga pagkakataon na nararamdaman kong muli ang mga pangyayaring nangyari sa akin noon—

“Oliver!”

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon