Dahan- dahan akong humakbang pataas ng hagdan. Inaasahan kong titigil ako sa parang pangalawang palapag ng lugar na ito ngunit hindi. Umakyat pa ako papunta sa pinakamataas na parte ng parang terrace sa cliff na ito. Umihip ang malakas na hangin nang makarating ako sa taas. Maraming tao doon pero lahat sila ay pares- pares kung hindi naman pares ay pamilya. Ako lang ang nag- iisa.
Naglakad ako papalapit sa mga railings at tinanaw ang karagatan na nasa harapan ko. Napapikit ako at hinayaang damhin ang hangin at pinakinggan ang paghampas ng alon sa baybayin. Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang paglubog ng araw.
"Sabi daw nila, teh. Kapag tumaas ka daw jan tapos kasama mo yung taong mahal mo, kayo daw sa huli. Basta ganon! Kayo daw ang magkakatuloyan kahit maraming bagay ang sumagabal sa inyo."
Tinanaw ko ang sinasabi niya. Para itong malaking cottage na may dalawang palapag na may mga railings sa gilid. Naroon ito sa taas ng cliff ng Two Lovers Point.
"Hindi naman ako naniniwala sa mga ganon eh pero baka gusto mong itry ninyo ni Oliver pag—"
"Bakit naman namin susubukan?"
"Halata naman kasing mahal niyo pa ang isa't isa, nagkukunwari pa kayong naka- move on na kayo kahit hindi naman."
Tiningnan ko siya ng masama. Agad naman siyang nag- peace sign at naglakad palayo. Nang makalayo siya ay tinanaw ko muli ang itinuturo niyang lugar doon.
Ang ganda sa paningin na makita ang paglubog ng araw mula dito. The skies begin to lit up with some shades of orange, yellow and red. Napasandal ako sa railings at pinagmasdan ang kagandaghan ng langit. God really creates miraculous things in our life.
Tumalikod ako at bumaba na ng hagdan. Bumaba ako ng kotse at hinatak din pababa ang aking maleta. Pumasok ako sa mansion. Sobrang dilim na sa loob. Kinuha ko ang cellphone ko at nag- flashlight. Hinanap ko ang switch aa gilid ng pinto at agad ko naman iyong nahanap. Napalundag ako nang biglang may pumutok.
"Happy birthday to you! Happy birthday to you!" Kanta nila. Habol ko ang hininga ko habang pinagmamasdan sila.
"Happy Birthday, Czarina!" Masiglang bati nila.
Napangiti ako. Lumapit sila sa akin. Agad akong yumakap kay Mommy. Si Kuya naman ay hawak ang cake. Si Bradley naman ay nagpi- picture. Ang ilang kasambahay naman ay nasa likuran nila. Humiwalay ako sa yakap kay Mommy at bumaling sa cake. Pumikit ako at humiling.
True happiness and healthy life for my love ones.
Iminulat ko ang mga mata ko at inihipan ang kandila. Nagpalakpakan naman sila. Nang iangat ko ang tingin ko at unti- unting gumilid ang mga kasambahay. Bumungad sa akin si Oliver. Natigilan ako at napalunok. Dala- dala niya ang isang bugkos ng bulaklak. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya.
BINABASA MO ANG
Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)
Romance(Liwanag at Dilim Series #4) Czarina Kaye Wager is a girl full of dreams in life. She is known to be the almost perfect girl in town. As time passes by, her dreams become dramas. Little did she know that the guy (Oliver Juan Manlapaz) who made her...