Beginning

351 11 3
                                    

Habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sobra akong kinakabahan. Napalinga ako sa mga kasama ko sa dressing room. Pare- parehas kami ng hangad ngayon at iyon ang manalo sa pageant na ito. Alam ko rin na pare- parehas din kaming maghihirap para makuha ang korona.

Naging abala ang lahat sa dressing room ng malapit nang magsimula ang pageant. Si Mommy ay abala sa pag- ayos ng mga susuotin ko sa buong pageant. Inayos ko ang damit na pang production number at nagpa- retouch ng mukha. Tinawag na ang lahat ng mga babaeng contestant. Kahit sa backstage ay abala ang make- up artist ko na ayusan ako.

Napalinga ako at parang bumagal ang mundo ko nang tumama ang ilaw sa mukha ng isang lalaking nandoon. Kayumanggi ang kulay niya pero sobrang gwapo niya. Tall, dark and handsome. Ang kanyang matalim na tingin sa entablado ay nagpataas ng balahibo ko. Ang mataas na tulay ng kanyang ilong ay nakakamangha at ang mapula niyang labi ay mas lalong umangat dahil sa kulay niya. Bagay din sa kanya ang makapal niyang kilay at kahit malayo ay kita ang mahahaba niyang pilik mata.

Napalunok ako nang lumingon din siya sa akin. Sa matalim niyang tingin ay kita pa rin ang lungkot doon. Bumuo sa bibig niya ang isang ngiti. Ngumiti rin ako sa kanya. Ang isang ngiti na iyon ay parang niyayakap ako ng buong puso. Napatayo ako nang maayos nang tawagin na kami para sa production number.

Nang makatapak sa entablado ay nagbago ang pungay ng mga mata ko at naging mabangis iyon. Ang kaninang pagbagsak ng bibig ko dahil sa kaba ay naging ngisi. Ang kaninang nanginginig na mga kamay ay sumasabay sa hangin, kasabay ng aking paglakad. The nervousness suddenly become confidence.

Dahil national ang pageant na ito ay mas lalo kong ginalingan. I did my best. Pangunang beses ko pa lamang lumaban sa national contest at sobrang galak ang naramdaman ko nang ako ang napiling magpresinta ng rehiyon namin. Ako ang second to the last sa female category. Kahit masakit na ang ngala- ngala ko kakangiti ay ininda ko iyon.

Nang maglakad ako papunta sa unahan ay lumakas ang hiyawan at sa akin nakatutok ang mga ilaw. Naglipana ang mga camera sa paligid at tanging mga banner lang ang aking nakikita. Ang venue ay punong- puno ng tao pero kahit ganon ay wala akong naramdaman na kaba. For me, this is home, this is haven. Sa buong buhay ko, naging tahanan at kanlungan ko na ang entablado. Ngumiti ako at nagsimula nang magsalita sa mic.

"Czarina Kaye V. Wager, 19, representing Region V Bicol."

Matapos ang self- introduction ay bumalik na ako sa pwesto ko. Sa kasamaang palad ay maikling lamang ang required sa amin na self- introduction, nagprepare pa naman ako ng saying kuno! Napalingon ako sa lalaking nasilayan kanina nang siya na ang pumunta sa unahan. Pangunang beses ko pa lamang siya nakikita, marahil ay wala siya sa practice kanina.

"Oliver Juan G. Manlapaz, 23, representing National Capital Region." Lumakas ang hiyawan pagkatapos marinig ng lahat ang malalim niyang boses.

Habang naglalakad siya pabalik ay napalingon siya sa mga dinadaanang contestant at ngumiti sa amin. Kung sa lalaki ay nakakaintimidate ang ngiti niya pero sa aming mga babae ay natutuwa pa kami. Natapos ang production number at introduction. Pumunta na kami muli sa dressing room at nagpalit ng casual attire.

Naka- black velvet long sleeve cross v- neck wide leg loose jumpsuit. Tumingin ako sa salamin at napangiti nang makita na sobrang bagay ang attire na iyon sa akin. Mas lalong umangat ang pagkaputi ko. Dahil sa makapal na belt ng jumpsuuit na ito ay nakikita rin ang maliit kong bewang. Dahil revealing ang damit sa clevage ay nag tube ako sa loob nun dahil school- oriented ang pageant na ito.

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon