Chapter 15

41 1 0
                                    

"Hindi yan totoo. Hindi totoo yang article na yan at ang sinabi mo." Saad niya. "You know that I never beg for something. I only beg when I desperately needed. And I need you."

Bumuntong- hininga ako. Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. Nagmamadali akong umalis doon. Nagmaneho ako pauwi ng bahay. Along the way, pinipigilan ko ang mapaluha. I also need to remain calm. Kapag sumabog ako ay madidisgrasya ako. Pumasok ako sa mansion at inilibot ang tingin. Natigilan ako nang makita si Zoey sa pangalawang palapag. She was looking at me with her fierce eyes.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.

"Just helping your brother." Saad niya at inayos ang bathrobe na suot niya.

Sumalubong ang mga kilay ko nang lumabas si Kuya sa kwarto niya habang hawak ang ilang damit. Hindi ako nasilayan.

"Here," Rinig kong saad niya at ibinigay ang hawak kay Zoey.

Lumapit si Zoey sa kanya at humalik sa pisngi ni Kuya. Sabi ni Zoey, "Thank you, Love."

Pumasok ng muli silang dalawa sa kwarto ni Kuya. Napaismid ako.

Ano 'to? Lahat na lang? The tingling feeling I've been avoiding starts to arise. Dahan- dahang tumulo ang luha ko. Dahan- dahan kong naramdaman ang pagbigat ng damdamin ko. I know why Kuya is doing this. I know the reason. At dahil sa rason na yun ang mas mabigat ang pasan ko. I pity myself for these things. I pity my family. Bakit kailangan nitong mangyari? Bakit? Bakit kailangang sabay- sabay ang pagbagsak ng langit at lupa sa akin? I have so many question but there's no answer.

Napapamura ako. I don't know what will happen next. I don't know if I need to let go again. I don't know if kaya ko pang gawin iyon. I really don't. Pinunasan ko ang mga luha ko nang makarinig ng pagtigil ng kotse sa labas ng bahay namin. Nagsitakbuhan ang ilang kasambahay papunta sa labas.

Paglingon ko sa pinto ay bumungad doon sila Daddy, Mommy at ilan pang mga lalaking naka- suit. Napaawang ang bibig ko nang makilala ang panghuling pumasok. He smiled at me. Kumurap- kurap pa ako para masiguro kung tama ba talaga ang nakita ko. It's Oliver.

Sumalubong ang dalawa kong kilay at ang tanging nasa isip ko ngayon ay 'Paano?'. I am confused. Paano siya nakarating agad dito? Eh kanina lamang ay nasa opisina ko siya at nagpapaliwanag ng walang- kwentang bagay. Napaangat ako ng tingin sa kwarto ni Kuya.

What the f*ck is happening here?

Anong meron? Kuya and Zoey are doing something and as far as I know umalis siya ng bansa at di ko alam na nakauwi na pala siya. My parents came home without me knowing pero alam na alam ng mga kasambahay. Oliver is with my parents. At tsaka sino pa ang mga lalaking kasama nila?

Anong ginagawa nilang lahat dito?

"Anak," Mom called me.

Hindi ako humarap sa kanila at yumuko lamang. I should stop overthinking and just ask them what happened or what is happening here.

"Did he hurt you?" Dad's voice thundered.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tanong ni Daddy. Daddy would be so angry. Pinangaralan niya na ako dati na kalimutan ko na si Oliver pero nagpumigil ako at mas lalo iyong minahal. Daddy never failed to remind me that I should let him go in order for me to move forward pero wala. Tapos ngayon ay madadatnan niya pa akong ganito.

"Did you hurt her, Oliver?" Tanong ni Daddy kay Oliver. Napaangat ako ng tingin at napatingin sa kanila.

"Yes po," Oliver admitted. "But it's fake news."

Sweet Haven (LADS#4) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon