Chapter 23

36 3 0
                                    

Chapter 23

MARXIA

Pagkamulat ng mga mata ko ay mukha ng natutulog na si Prinsipe Charlie ang bumungad sa'kin. Napapikit akong muli. Sanay naman na ako sa mga gantong senaryo namin pero bakit ngayon ay parang naiilang ako? Siguro ay dahil hindi na ako katulad noon na musmos pa lang.

Bumangon ako at at kinuha ang isang unan at inihampas sa kanya.

"Prinsipe Charlie, gising na. Umaga na!" Tuloy lamang ako sa paghampas sa kanya ng unan.

Nakikita kong nagmumulat na siya at napakunot ang noo. Pagkatapos ay dumapa siya. Napangisi lang ako at nagtatalon sa kama ko.

Patuloy kong inihahampas sa kanya ang unan. "Gising na kasi Charlie! Umaga na! May pasok pa ako! Gissssssiiiiiingggg." Matinis kong tili.

Humarap siya at napamulat at tiningnan ako ng masama.

"Tsk! Prinsesa Marxia!" Inagaw niya ang unan na pinanghahampas ko sa kanya at ibinalibag iyon sa kung saan.

Saktong pumasok si Kuya David sa aking silid at sumapol ang unan sa kanya.

Oh no. Muntikan mapatumba si Kuya David. Grabe naman yata ang lakas ni Charlie?

Ibinalanse ni Kuya David ang sarili matapos sumapol sa kanya ang unan ko.

"Tapos na kayong magharutan sa umaga?" tanong nito.

Napabalikwas ng bangon si Charlie at napayukod.

"Paumanhin, mahal na Prinsipe."

"Kuya David, hindi kami naghaharutan." Depensa ko.

"Wushu, papunta ka palang Marxia, pabalik na ako. Saka na kayo gumawa ng bata. Magpakasal muna kayo."

Gusto ko mapatili pero baka magtaka lang si Kuya. Napatingin ako kay Charlie na nakangiti habang naiiling-iling.

"Si Kuya talaga, magandang umaga ha." Kinuha ko ang roba ko at isinuot. Pinulot ko na rin ang unan.

"Magandang umaga sa inyong dalawa, handa na ang almusal nauna na kaming kumain dahil kailangan naming pumunta sa mga appointments namin. Ikaw na ang bahala sa kapatid namin, Prinsipe Charlie." Bilin niya.

"Masusunod po, mahal na Prinsipe David," sabi muli ni Charlie at yumukod kay kuya David. Yumukod na rin ko sa kanya bago siya lumabas ng aking silid.

Napatingin ako kay Prinsipe Charlie. "Nginingiti mo d'yan?"

Ngumiti siya ng nakakaloko. "Iniisip ni Prinsipe David na gumagawa tayo ng bata. Gusto mo ba totohanin natin—"

Napahinto siya dahil inihampas ko sa mukha niya ang unan ko na pinulot ko kanina.

"Umiiral na naman ang kamanyakan mo, mahal na Prinsipe! May kasintahan ka—"

Siya naman ang mabilis na tinakpan ang bibig ko. Napatitig ako sa kanya maging siya din. Ang kulay kahel niyang mga mata kapag nasisinagan ng araw maging ang perpektong hugis ng kanyang ilong at mapupulang mga labi. Napakakinis ng kanyang kutis na tila ayaw kong maniwala na siya ay talagang naglalagi sa base militar.

Pero ang mga ebidensya kadalasan na siya ay napapasabak sa biglaang digmaan at mabigat na pagsasanay ay ang kanyang mga natatamong sugat sa braso at binti. Baka sadyang pinakaiingatan niya ang kanyang makinis na mukha. Kahit na umaga ay mapupungay pala ang kanyang mga mata akala ko kasi ay sa gabi lang.

Unti-unti niyang inalis ang pagkakatakip ng kanyang palad sa bibig ko. Napansin niya siguro ang matagal kong pagtitig sa kanya.

"Mahal na Prinsesa, kung gusto mo ng halik ay pagbibig—"

Time LapsesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon