XI

70 4 0
                                    

XI

ALEYNA

Nanatili akong nakaluhod habang nakatingin kay Prinsipe Charlie. Hindi ko pa rin maunawaan kung bakit niya ginagawa ito sapagkat marapat lamang na ako'y pinabayaan na lamang o inihayag niya ang patungkol sa katotohanan na ako'y may ugnayan kay Heneral Argus at ito ang tunay na nakabuntis sa akin.

Hindi dapat ito ginawa ni Prinsipe Charlie. Ito na sana ang pagkakataon na makalaya kami sa isa't-isa. May rason na upang hindi matuloy ang naitakda naming pag-iisang dibdib. Pero dahil dito sa ginawa niya ay mukhang mas magiging komplikado pa ang lahat.

May posibilidad na mas lalo siyang matali sa akin na sa katunayan ay noon pa man ay umiisip na kami ng paraan upang hindi matuloy ang aming kasal.

Subalit ngayon ay nakaluhod na rin siya at nagmamakaawa sa harapan ng aking Amang Hari at mga nakatatandang kapatid na patawarin siya sa isang kasalanan na sa una palang ay wala siyang kinalaman.

Dapat hinayaan nalang niya akong maparusahan.

Dapat hinayaan nalang niya ako sa kahihiyang ako naman ang may gawa sa sarili ko.

Dapat...hindi ko siya nakikitang nakaluhod sa harapan nilang lahat ngayon.

Hindi niya dapat ito ginawa.

"Noon pa man ay ipinakasal na dapat kayo dahil mukhang pareho kayong nasabik sa isa't-isa," mariing sambit ng Amang Hari.

"Sa pagbubukang liwayway ay magiging kasabay ang pagkalat nito sa buong kaharian kaya asahan niyo na pag-uusapan kayo," sabat ni Prinsipe Franco.

Naiiling lamang ang iba kong mga kapatid. Kita ko sa mga mata nila ang pangungutyang titig sa aming dalawa ni Prinsipe Charlie.

"Tumayo na kayong pareho mahal na Prinsesa at mahal na Prinsipe, magpapatawag ako ng agarang pagpupulong upang talakayin ang mga kaganapang ito at maselyuhan ang desisyon na magmumula sa Konseho." Utos ng aking Amang Hari.

Naunang tumayo sa pagkakaluhod si Prinsipe Charlie saka niya ako nilapitan at inalalayan sa pagtayo. Napatingin siya sa pamumula at halos pagdurugo ng aking mga tuhod at may ilang mga latigo ako sa aking binti. Nakita kong naikuyom niya ang kanyang kamao habang buong samong sa akin ay nakatitig.

Napakapit lamang ako sa kanya dahil ramdam ko ang panghihina ko sa ginawang paglatigo sa akin ni Prinsipe Franco pagkatapos ay napakatagal kong lumuhod sa harapan nila. Naramdaman ko ang pagpalupot ng kanyang kamay sa beywang ko upang mas maitayo ako ng maayos ngunit sa huli ay nagdesisyon na lamang siya na buhatin ako.

"Ipatatawag ko rin po ako aming hanay, Mahal na Hari. Sapagkat hindi ko rin palalagpasin ang mga natamo ng aking mapapangsawa ang bawat pilat at hampas ay dapat may kaukulang kaparusahan. Lalo na ang mga sumasaksi lamang!"

Pinakatitigan niya ang Amang Hari maging ang aking mga kapatid lalo na si Prinsipe Franco. Kalmado lamang ang kanyang pagkakasambit ngunit ramdam ko tono ang galit na nais niyang iparating.

Nag-iwas lamang ng tingin ang aking Amang Hari maging ang aking mga kapatid. Buong akala ko kaninang hindi pa dumarating si Prinsipe Charlie ay matutulog ako sa mga latay.

Ito muli ang pagkakataon na hinahupit ako ni Prinsipe Franco dahil sa laki ng aking kasalanan. Ipinaunawa niya sa aking ibang mga kapatid na nararapat lamang akong hagupitin ng latigo upang disiplinahin sa kahihiyang nagawa ko. Pero parang manhid na ako sa lahat ng sakit, kanina habang nilalatigo ang mga binti ko ay hindi ako kumikibo at nakatulala lamang ako habang panay paghingi ng tawad, kaya pinili ko na lamang ng lumuhod ng matagal sa harapan nila.

"Kung iyan ang iyong nais, mahal na Prinsipe." Ang mahal na Hari, bago muli itong naupo sa kanyang trono.

"Mapapabulaanan na pala ang mga naunang kumakalat na balita na ang Prinsesa at ang Heneral ay may lihim na relasyon noong bago ito maikasal sa iyong kapatid," biglang wika ni Prinsipe Wayne.

Time LapsesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon