Chapter 9

82 12 2
                                    

The Escaping of time

Chapter 9

MARXIA

Ciudad De Aguillanes, Philippines

Tatlong taon na ang lumipas simula ng tanggihan ko ang pagiging reyna ng Egeskorv. Mismong kaarawan ko iyon. Laking pagtataka ng Konseho lalo ng Amang Hari maging ang aking mga kapatid.

Bata pa lamang ako ay nakatakda na akong mailuklok na reyna kapag sumapit ang aking ikalabing-walong kaarawan. Kasabay no'n ay sinabi ko sa kanila na gusto kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral ng medisina dito sa Pilipinas.

Wala na silang nagawa sa aking desisyon. Si Kuya Nico muna ang iniluklok na Hari ng Egeskorv at nakatakdang reyna ang kanyang mapapangasawa na si Prinsesa Soleil ng Kahariang Funienssé.

Kaya nang pabalik na drto sa Pilipinas si Prinsipe Charlie ay sumabay na ako. Noong una ay nag-iisa lang ako rito sa Ciudad pero sumunod si Kuya David upang mabantayan ako. Naging madali naman ang pag-adjust ko sa klima at sa pamumuhay ng mga tao rito sa Pilipinas. Lalo nasa University of Santa Elena. Kumukuha ako ngayon ng kursong Nursing. Nasa ikatlong taon na ako. Ito muna ang kinuha kong pag-aralan upang madali akong makapasok sa pagmemedisina. Kahit pa na alam ng iba na isa akong maharlika at anak ng may-ari ng unibersidad ay pinipilit kong makibagay.

Sa lumipas din na panahon ay hindi pa rin nawala sa ala-ala ko ang Heneral. Naipinta ko na siya at nai-drawing sa halos lahat ng notebook ko. Nandoon pa rin ang pakiramdam ng pagkakawalay na para bang napakasakit sa dibdib. Pakiramdam ko kulang na kulang ako at may kailangan akong punan sa buhay ko. Sinubukan naman akong ipakilala ni Prinsipe Charlie sa mga kilala niyang Prinsipe ngunit hindi talaga ako nagpapaunlak.

Si Prinsipe Charlie at Prinsesa Calila naman ay may relasyon na at iyon ay labis na kinatutuwa ko. Kasi 'yon ang nararapat upang hindi maganap ang lahat ng aking napanaginipan.

Sa aking panaginip ay madalas ko pa rin siyang hanapin. Lumipas na ang tatlong taon ngunit ni isa sa panaginip ko ay hindi siya dumarating.

Napapatingin ako sa wristwatch ko habang nasa tapat ng HC Medical City kung saan katatapos lang ng duty ko bilang student-nurse. Kailangan ko pa bumalik sa USE para sa huling klase ko. Kaso ay napakatagal ni Kuya Wayne. Siya ang susundo sa'kin sapagkat hindi muna nila ako pinayagan na i-drive ang sasakyan ko.

Noong dumating sila dito sa Pilipinas ay saktong kagagaling ko sa Lily's Lux Bar kasama si Kira. Nagsumbong ang mga butlers ko kaya pati sila ay binugbog ko.

Na banned tuloy ako na gamitin ang sasakyan ko ng isang linggo. Tapos manggagatong pa ang mga kapatid kong akala mo kung sino'ng mga matitino.

Napapadyak na ako inis. Ayoko pa naman nale-late sa klase ko. Humanda talaga sa'kin itong magaling na Prinsipe Wayne.

Kinuha ko sa bulsa ng nurse uniform ko ang Iphone ko at gigil na tinawagan siya. Sumagot naman siya kaagad dahil kung hindi ay baka kung saan ko na ibinato itong cellphone ko. Madali akong mairita at uminit ang ulo sa totoo lang. Dala na rin siguro ng pressure bilang estudyante.

"Yes Baby Sis?" sagot ni Kuya Wayne mula sa kabilang linya.

"Hanggang kailan ako maghihintay, Kuya? Napakatagal mo naman?!" bulyaw ko sa kanya sa kabilang linya.

"Heto na nga, wait lang naman."

Napahigpit lamang ang pagkakahawak ko sa phone at marahas na pinatayan siyang linya. Ibinulsa ko muli ang phone ko. Inis na inis na ako.

Maya-maya ay may humintong Lamborghini sa harap ko. Alam kong sasakyan niya ito kaya kaagad akong pumasok sa loob pagkatapos at hinampas si Kuya Wayne ng Pharmacology book ko. Napaka kapal pa naman ng text book ko na ito.

Time LapsesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon