CHAPTER 1

61 1 1
                                    

A/N: thank you soooooo much sa kauna-unahang taong nagvote sa prologue  nitong HLG. Kung sino ka man mahal na kita charot, joke only. Haha*^O^* pero salamat talaga, napasaya mo ko ng sobra  ╮(╯▽╰)╭. At sa lahat ng nagbasa ng prologue maraming salamat din sa inyo, sana ipagpatuloy niyo ang pagbabasa. Arigato gozaimasu∩__∩

♀♀♀♀♀

George POV

"MAMSI! ano to?! "arg umagang umaga sumasakit ang ulo ko dahil kay Mamsi.

"Hindi mo ba alam kung ano yan anak? Dress ang tawag diyan, bistida sa tagalog" patay malisyang sagot ni Mamsi, habang naghihiwa ng gulay.

"Mamsi naman anong tingin mo sakin bopols, syempre alam ko kung ano to, ang point ko bakit mo ko binibigyan ng ganito?" Magkakahigh blood ata ako dahil sa nanay ko.

"Princess, ganyan ang usong damit ng mga kababaihan ngayon, atsaka tingin ko bagay naman sayo kaya binili ko." Ako? masusuot ng ganito? Never!!.

"Mamsi, babae lang ang nagsusuot ng mga ganitong damit. At isa pa Mamsi, wag Princess ang itatawag mo saakin, nakakadiri." sagot ko naman.

"Oh, anong problema? babae ka naman eh, atsaka anong masama sa Princess? Ang ganda kaya ng pangalan mo, Princess Georgina Alonsa Dimagiba, oh diba?" nakangiting tugon ni Mamsi.

Napangiwi naman ako ng marinig ang buong pangalan ko.

"Tama nga naman si Mamsi. Princess Georgina Alonsa, ang gandang pangalan babaeng babae." Singit ni kuya, at nakangiti pa ng pang-asar ang bwisit.

"Tumahimik ka nga kuya Duke, Mamsi naman, hindi ako chick, lalaki ako, lalaki.!" Sabay angat ng aking mga braso para ipakita ang aking mga muscles.

"Wag mo nga akong pinaglolokong bata ka, kung lalaki ka bakit meron kang mga bundok sa dibdib mo? bakit buwan-buwan ay bumubili ka ng napkin? Dinudugo na ba ang mga lalaki sa henerasyon niyo ngayon? Sige nga, ipaliwanag mo sakin." Paghahamon sa akin ni Mamsi.

"Oo nga Princess, bakit yung dibdib mo malaki, yung amin hindi.?" Sabi naman ni kuya king.

"Atsaka hindi naman kami dinudugo o kaya gumagamit ng panakip butas." Gatong naman ni kuya Prince.

"Tama, tama" dagdag ni kuya Duke.

"Tumahimik nga kayo!! Mga bakla kasi kayo kaya wala kayong malaking dibdib, at hindi kayo dinudugo. Bakit niyo ba ko pinagkakaisahan?" sagot ko sa kanila.

"Lagot ka King, inaway mo si Princess." Pananakot ni kuya Duke, kay kuya King.

"Iiyak na yan, iiyak na yan!" Pang aasar naman ni Kuya Prince.

"Oh, anong nanyayari dito??"tanong naman ng bagong dating na lalaki.

"PAPSI!" tumkbo ako palapit kay papsi. "Papsi pinagkakaisahan nila ako."sumbong ko kay Papsi, sabay turo sa kanilang lahat.

"Oy kayong mga barako boys, bakit niyo inaaway tong baby Princess ko?" Napangiwi ako sa tinuran ni Papsi.

"Nakakainis kayo! Pinagtutulong-tulongan niyo ko, ikaw Papsi, akala ko mag kakampi tayo?! Makaalis na nga lang." Sabi ko at nagwalk out. Narinig ko pang nagtawanan sila bago ako tuluyang makalabas ng bahay.

♂♂♂

Ako nga pala si ahm alam niyo nanaman siguro ang buo kong pangalan diba, ayaw ko ng sabihin pa kasi nandidiri ako, basta tawagin niyo na lang akong George, 20 years old, hindi maganda pero gwapo, hindi sexy kasi macho. 4th year college na ako ngayong pasukan sa kursong Archetecture, at maniwala kayo sa hindi ako ang top 1 sa klase. Yun namang mga nakausap ko kanina sila ang pamilya ko, at parati nila akong inaasar, lalo na yung tatlong itlog kong kuya, triplets kasi sila kaya madaling magkaintindihan lalong lalo na sa kalokohan, matatalino rin ang mga yun di nga lang halata, pero tumigil muna sila sa pag-aaral kasi hindi kaya nila Papsi na pag aralin kaming apat ng sabay. Kaya ayun nag momodel na lang sila para makatulong.

♂♂♂

Pagkalabas ng bahay, pumunta ako sa tindahan, hindi para bumili kundi para tumambay. Ilang minuto palang ang nakalilipas ay may bumiling chika babes sa tindahan, lalapitan ko na sana ng biglang tumunog ang cellphone ko.

*kringgggggg*

"Wrong timing naman oh, sino ba kasi tong tumatawag." sabi ko sa sarili ko, at sinagot na ang tawag.

"Oh?! Anong kailangan mo?!" Pagalit kong sagot sa tumawag.

"Galit ka Princess Georgina Alonsa?!" Pagtingin ko sa selpon ko, pangalan ni Mamsi ang nakaregister na caller.

"Ah eh, hehe, hindi naman Mamsi, bakit po kayo napatawag? hehe"

"Umuwi ka na at kakain na, bilisan mo. *toot-toot*". binabaan ako, at kailangan pa talagang tumawag, e andito lang naman ako sa tapat ng bahay namin. Mayaman sa load? Baka nakaunli call. Makauwi na nga, sayang yung sisiw(babae) kanina.

-end of chapter one-

♀♀♀♀♀♀

One down, more chapters to go. Charot!

Hello guysh *^O^

please vote po, vote, vote,vote★☆.

iamlieraa☜

His Lesbian girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon