George POV
"Oy tatlong itlog, wala ba kayong trabaho ngayon?" tanong ko sa kanila. Kumakain kami ngayon ng agahan.
"Meron" sabay sabay nilang sagot.
"Pwede ba kong mag apply bilang model, summer naman ngayon, wala kong pasok." Tanong ko sa kanila.
"Sorry kapatid pero hindi ka pwede" sabi ni kuya king.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Malilito kasi ang mga staff kung ano ang ipapasuot sayo." Sagot naman ni kuya Prince.
"Bakit naman.?" Nagtatakang tanong ko.
"Kaya mo bang magsuot na two piece?" Tanong ni kuya Duke.
"Lalaki to tol tapos magtatanong ka kung kaya kong magsuot ng two piece?!" Sabi ko kay kuya Duke.
"Yun nga ang problema kaya di ka pwede, hindi mo kayang magsuot ng two piece lil sis." Sabi naman ni kuya king.
"Wag mo nga kong tawaging lil sis, hindi ako sis, bro ako. Hindi ba pwedeng iba na lang ang isuot ko?" Baling ko kay kuya Prince habang nililigpit ang pinagkainan namin.
"Hindi pwede, ano naman ang isusuot mo brief?boxers? E babae ka, pero feeling lalake. Kaya hindi ka talaga qualified." Sagot na man ni kuya Prince.
"Wow tol nakakasakit ka ng feelings, edi hindi, madali naman akong kausap e, atsaka hindi ako nagfefeeling lalaki, kasi lalaki talaga ako." Grabe magsalita tong mga to, kala mo na man ang gagwapo, e gwapo naman talaga, pero mas gwapo pa rin ako. Haha.
♂♂♂♂♂♂
"Hay, ang boring naman dito sa bahay." Nakahiga ako ngayon sa sofa habang nag iisip kung ano ang pwedeng gawin, iniwan kasi ako ng mga madlang pipol dito ng mag isa. Biglang tumunong ang selpon ko kaya agad ko naman itong tinignan.
*beep-beep*
*1 message recieve*
"Sino kaya tong nagtext?". Binuksan ko ang text message.
*From: Nicky
"Tol, asan ka ngayon?? Punta ka dito sa condo ko, nabobored na kasi ako."
"I know what you feel bro." Sabi ko sa sarili. Magrereply na sana ako kaso naalala kong wala na pala akong load. Kaya naghintay nalang ako ng ilang minuto dahil alam kong tatawag si Nicky.
*kringggggg*
Sabi ko na nga ba.
"Tol punta ka dito sa condo. Nabobored na ako, wala akong magawa. Gimik tayo" Sabi ni Nicky sa kabilang linya.
"Sige, antayin mo ko, magbibihis lang ako." Sagot ko sa knya at pinatay na ang tawag.
Siya nga pala si Nicholo pero Nicky ang tawag ko sa kanya, siya ang bestfriend ko.
Nagbihis na ako, inayos ko rin ang buhok kong naka boy cut. Tumingin muna ako sa salamin at pinuri ang sarili bago umalis.
"Gwapo mo talaga George."
♀♀♀♀♀♀
*ding-dong*
Nagdoorbell ako sa labas ng unit ni Nicky, madalas akong nagpupunta dito para maglaro ng video game.
"Georgie, kamusta ka na bro? Long time no see ." Sabi ni nicky sa akin.
"gago! Nung isang araw lang natapos yung klase. San na naman ba tayo pupunta ngayon Nicky??" Tinungo ko ang sofa at nahiga, feeling at home ako e. Binuksan ko rin yung pagkaing nasa lamesa.
"Magbabar tayo, lets go" Kakahiga ko palang aalis na agad? Pinapasok pa ko, aalis din pala agad kami -_- .
Tumayo na ako at nagtungo kaming parking lot at sumakay sa kotse niyang parang bamble bee ang itsura.
Pagpasok namin ng bar ay kakaunti pa lang ang tao, masyado pa kasing maaga. Actually hindi ako umiinom at ayaw ko sa mga bar, masyadong maingay, ewan ko ba bat sumasama ako sa taong to tuwing nagpupunta siya rito.
Umupo kami sa may bar counter, pagkaupo palang namin ay umorder na agad ng inumin si Nicky. Makalipas ang ilas oras ay nakaramdam ako ng tawag ni Mother earth kaya nag paalam ako kay nicky na pupuntang banyo.
"Tol cr lang ako." Sabi ko sa kanya ng pasigaw, kasi masyadong malakas ang tugtug. Tumango lang siya at tinuloy ang pakikipaghalikan sa isang babaeng nadampot niya lang sa tabi-tabi.
Papunta na ako ng bayo ng may mabangga ako.
"Aray, bwisit." Sabi ko.
"Sorry Miss, di ko sinasadya." Sabi ng lalaking nakabangga ko. At inalalayan akong tumayo.
"Bitiwan mo nga ako, at anong Miss?? Brad lalaki ako, hindi ako miss, anong gusto mo suntukan pa tayo e. Ano??" Paghahamon ko dun sa lalaki.
"I'm sorry h-" naputol ang sasabihin nya dahil dumating si Nicky.
"Anong nangyayari dito Georgie? anong ginawa mo sa kanya?? " pagalit na tanong ni Nicky
"Wala, tara na tol bumalik na tayo dun sa couter." Pag aaya ko kay nicky, para wala ng gulo. Pagbalik namin sa inuupoan namin ay may narecieve akong txt galing kay mamsi na pinapauwi na ako.
"Tol una na ko, pinapauwi na kasi ako ni Mamsi." Paalam ko kay Nicky.
"Ah sabay na tayo, ihahatid na kita, ako naman ang nag aya sayo dito. Tara.!" Sabi niya. Tumayo na siya at nagsimula ng maglakad kaya sumunod na lang ako.
♂♂♂♂♂
Pagbukas ko ng pinto ay agad akong sinalubong ni Mamsi ng pingot sa tainga.
"Ikaw bata ka saan ka nanaman ng galing, alam mo ba kung anong oras na, pinag alala mo ko."
"A-a-rayy Mamsi yung tainga ko baka humiwalay na sa ulo ko. Aray" sabi ko habang hawak ang tenga kong pingot-pingot pa rin ni Mamsi.
"Mawawalan ka talaga ng tainga kapag umuwi ka pa ng ganitong oras." Sagot ni Mamsi at binitawan na rin ang tainga ko.
"Hindi ka ba natatakot na baka may mangyaring masama sayo dis oras ng gabi, alam mo naman maraming masasamang tao sa labas.." sunod-sunod na litanya ni Mamsi, hindi ko na nga naiintindihan yung iba kasi tumakbo na ko papasok ng kwarto ko.
"Hoh! Muntik na talagang mapigtas yung tainga ko dun ha. Ang sakit." Hinimas himas ko ang tainga kong napingot.
Nagpalit na ako ng pangtulog matapos kong maligo, nakahiga na ako sa malambot kong kama at handa ng matulog ng biglang tumunog ang selpon ko.
*beep-beep*
"Sino na naman ba ito? " tanong ko sa sarili. Kinuha ang selpon at tinignan ang mensahe.
*1 message recieve
*From: Nicky
"Georgie, I need your help. Pumunta ka dito sa condo ko bukas ng 10 am. Kailangan ko lang talaga ng tulong mo."
"Anong tulong naman kaya ang kailangan niya? Wag niya sabihing pera, at wala ako nun, hindi naman siguro, mayaman ang pamilya nila e. Bukas ko na nga lang yun iisipin. Matutulog na ako.
-end of chapter two-
♀♀♀♀♀♀
Two down, more to go. Hey guysh!! Sorry kasi ang sabaw ng chapter na itey, wala kasi akong maisip na maganda, anchaket kashi ng ipin ko╯△╰ huhu. Pasensya na po talaga. And I just like to thank the madlang readers especially sa aking first voter at siya ring nagtulak sa akin para mag UD, dahil nagcomment siya. Haha. Lab you all. And please vote po.
iamlieraa⇦