CHAPTER 3

35 0 3
                                    

George POV

"Mamsi alis na po ako!!" paalam ko kay Mamsi, palabas na sana ako ng bahay ng harangin niya ako.

"Hep-hep- sa-" -mamsi

"Horay" sagot ko at itinaas pa ang dalawang kamay sa ere.

"Ikaw bata ka pinaglololoko mo na naman ako" kinurot niya ako sa tagiliran.

"Mamsi ha, nagiging battered son na ko, kagabi piningot niyo ko, ngayon naman kinurot. Isusumbong ko na talaga kayo sa bantay bata." Pagdadrama ko.

"Hay naku tigil tigilan mo nga ako sa mga kadramahan mo, at anong battered son ang pinagsasasabi mo? Baka gusto mong kurotin ko yang singit mo." Pananakot ni Mamsi.

"Ang hard mo naman Mamsi ╯ω╰." -me

"Saan ka na naman ba pupuntang bata ka?" Tanong ni Mamsi.

"Pupunta po ko kila Nicky." Sagot ko. Kilala ni Mamsi si Nicky kasi madalas rin yun dito.

"Anong oras ka uuwi?!" Tanong na naman niya.

"Uuwi din po ako agad. *tsup* Babye Mamsi." Hinalikan ko sya sa pisngi, sabay takbo palabas.

"Abat, hoy babae!!" Sigaw ni Mamsi, nilayasan ko na at baka matagalan pa ako dahil sa Q&A portion niya.

♂♂♂♂♂

"Tol anong tulong ba ang kailangan mo?" Tanong ko kay Nicky. Andito kami ngayon loob ng condo niya.

"Kasi Tol, tumawag si Mommy kagabi, at sabi niya uuwi si Grandma next week." Sabi niya na parang namomroblema.

"O ano namang problema??" Tanong ko habang kumakain ng mansanas na nakadisplay sa center table niya.

"Yun na nga, uuwi siya at may kasamang babae, at gusto niya kaming ipakasal!!" Pasigaw niyang sabi.

"Tol pwede pakihinaan mo yung volume mo, nabibingi na ako e. So, ang ibig mong sabihin ay gusto ng lola mong ipakasal ka dun sa babae, arrange marriage ganun?" Galing uso pa pala yung ganun.

"Parang ganun na nga. Tol ayaw ko pang magpakasal, lalo na't hindi ko naman kilala yung babae." sabi niya.

"Hmm, kung ganun dapat mag isip tayo ng paraan para di matuloy ang gusto ng lola mo." Sabi ko.

"May naisip nakong paraan, kaya nga tinawagan kita kagabi e." Nakangiti niyang sabi.

"Ano naman yun?" curious kong tanong.

"Magpapanggap kang girlfriend ko." nakangiti pa rin niyang sabi.

"Yun lang naman pala e, magpapanggap lang palang girl- ANO? AKO? magpapanggap bilang GIRLFRIEND MO?!! nababaliw ka na ba tol??!! Napasigaw ako dahil sa gulat.

"Ikaw lang kasi ang naisip kong pwede sa plano ko tol." Sabi niya.

"Tol lalaki ako, hindi tayo talo. Madami ka naman babae, bakit hindi na lang sila, nababakla ka na ba sa kagwapohan ko?!!" Nakasigaw ko pa ring sabi.

"Tol hindi ako nababakla, naisip kulang kung yung mga babaeng yun ang pagpapanggapin ko, baka umasa sila, o baka mainlove sila sa kagwapohan ko, atleast kung ikaw, hindi ka magkakagusto sa akin, no strings attached, kasi sabi mo nga lalaki ka, pareho tayong lalake, kaya 0% ang possibility na mainlove ka sa akin at hindi din kita type kaya malabo pa sa mata ng lolo ko na magkagusto ako sayo. " mahabang paliwanag niya.

"Hindi ko talaga kaya tol, nakakasukang isipin, you and me together?≧﹏≦" Nandidiri kong sabi.

"Sige na naman Georgie. Okay ganito na lang, isipin mo na lang na summer job ang gagawin mo, makakatanggap ka ng monthly income." Napaisip na man ako sa offer niya.

His Lesbian girlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon