George POV"BITAWAN NIYO KOOO!! HINDI AKO PAPASOK JAN!!! HOY NICHOLAS, NAK NG HUDAS NAMAN OH, PAG AKO NAKATAKAS DITO, HINDING-HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP NA PAGPIRA-PIRASUHIN YANG KATAWAN MONG GAGO KA. BITAWAN NIYO SABI AKO, HINDI AKO PAPASOK JAN!!" kanina pa ako sigaw ng sigaw dito, pero ayaw nila akong bitawan, kung alam ko lang na dadalhin ako dito ng bwisit na Nicholo na yun di na sana ako sumama.
Sinundo niya kasi ako sa bahay, sabi niya may pupuntahan daw kami, kaya sumama ako, pero hindi ko alam na dito niya pala ako dadalhin sa mamahalin salon na pag aari ng pinsan niya.
"Don't worry sugar heart, harmless sila, hindi ka nila sasaktan." Sabi niya sabay kindat.
"SUGAR HEART MONG MUKHA MO, GAGO!! F*CT YOU!! DUKOTIN KO KAYA YANG MGA MATA MONG BWISIT KA!!" Bwesit tong gagong to, nang aasar pa, nag ngingit-ngit na talaga ako sa galit, at baka mapatay ko tong baklang chaka na nasa harapan ko.(≧▽≦)/~┴┴
"Sige na, gawin niyo na ang dapat gawin." Utos ni Nicholo sa baklang chaka and frens. Kumilos naman agad sila.
♂♂♂♂♂♂♂
"Aray!! Gusto mo maging punching gay?!ha!" Pananakot ko sa baklang chaka na isa-isang tinanggal ang kilay ko.
"Hindi po. Sorry po." Sabi niya.
Marami pa silang ginawa sa akin, nahihilo na nga ako sa mga pinaggagagawa nila eh, may naglagay ng itim na tinta sa mga pilik mata ko, at pakiramdam ko ang bigat bigat na ng mga ito, at dinagdagan din ng baklang dinasour ang buhok ko, ginawa niyang mahaba at kinulot sa dulo. Matapos nilang gawing drawing book ang mukha ko ay, binigyan nila ako ng damit na susuotin.
"Ito ang ipapasuot niyo sakin?!! Hindi ko susuotin yan. Hindi ako nagsusuot ng daster!!" matigas na sabi ko.
"Pero Ma'am-"
" wag mo kong matwag tawag na ma'am, hindi ako titser at mas lalong hindi ako ma'am." Pagputol ko sa sasabihin ng baklang chaka.
"Yan po kasi ang ibinigay ni sir Nicko at ipasuot daw sa iyo." Sabi naman ng baklang dinasour.
"tss." Pumasok na ako sa isang dressing room at nagpalit na ng damit, at isinuot ko na ring ang sapatos na pagkataas-taas ng takong, ano bang tawag sa takong nato, stelo, stetoes, ah ewan ko. Humarap ako sa malaking salamin at nagulat sa nakita ko, may magandang chikababes sa harapan ko.
"Wow!! Twit-twiw." Gumalaw ako at gumalaw rin yung chikababe.
"Teka bakit mo ba ko ginagaya?" Tanong ko, na ginaya rin nung babae. Lumapit ako sa babae, at dun ko napagtanto na salamin pala ang kausap ko.
"Teka, ako ba to?Hindi e, ako ba talaga to?? HINDEEEE!! ANONG GINAWA NILA SAKIN?!!." Di makapaniwalang tanong ko sa sarili.
♂♂♂♂♂
"Where is she?" Narinig kong tanong ni Nicky sa mga bakla.
"Nasa dressing room po, nagbibihis sir." sagot ng isa sa mga bakla.
"George, di ka pa ba tapos??" Tanong niya sakin mula sa labas ng dressing room.
"Tapos na" lumabas na ako, at nakita kong nakatalikod sa gawi ko si Nicky.
"George----geous" hindi ko alam kung anong nangyari at hindi na gumagalaw si nicky, nakatitig lang siya sakin, namaligno ata o baka tumira na naman ng katol.
"HOY! SABI KO SAYO TIGILTIGILAN MO NA ANG PAGHIHIT NG KATOL AT MAYKASALANAN KA PA SAKIN HA! PINAGSUOT MO PA KO NG GANITONG DAMIT, AT ANG SAKIT SA PAA NG LICHENG SAPATOS NA TO, IHAMPAS KO KAYA TO SAYO NG MAKAGANTI NAMAN AKO!!" Lumapit ako sa kanya at pinagpapapalo siya ng bag na hawak ko, tinanggal ko ang suot kong sapatos at ipapalo ko na sana sa kanya.
"Oy wag yan, masakit yan sugar heart, bago pa nga lang ang relasyon natin ginagawa mo na kong battered boyfriend, pano pa kaya pagkasal na tayo, atsaka hindi ako humihit ng katol, nagbagong buhay na ko, baygon na gamit ko no." Sabi niya habang hinihimas ang ulo niyang hinampas ko.
"Sugar heart pala ha, gusto mong tuluyan na kita?!! Maswerte ka at malaki ang utang na loob ko sayo." Sabi ko.
"Okay okay, suko na ko, ayaw ko pang matapos ang buhay ko, gusto ko pang makita ang mga magiging anak ko.....sayo." sabi niya sabay kidat.
"Gago, kilabutan ka nga sa mga pinagsasasabi mo.!!" Grabe mang asar tong bwesit na to ha.
"Hahaha, lets go GEORGINA" sabi niya at inoffer ang kamay niya para alalayan ata ako, tinapik ko ang mga kamay niya.
"Kaya kong maglakad mag isa, tabi!." Sabi ko at lumakad na palabas ng salon ng biglang..
"Ahhhh!" Bwisit na takong na to, napapikit ako, at hinihintay ang pagbagsak ng pwetan ko sa sahig, ng bila na lang may mga brasong sumalo sakin.
"Tsk, akala ko ba kaya mong mag isa?" Nakangiti niyang sabi "but don't worry, habang suot mo ang mga sapatos na yan, I'm always here to catch you, madulas ka man, masubsob, matapilok, or even fall." Sabi niya, grabe mga tol wala akong masabi, nakatulala lang ako sa kanya.
Nang marealize kong nakayakap pa siya sakin ay lumayo na ko sa kanya at tumayo ng maayos."Ah- eh ano -ah l-lets go" sabi ko at tumalikod na sa kanya para maglakad.
"Ah wait George, nasabi ko na ba sayo" nagsalita siya kaya tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Ang ano?" Tanong ko naman.
"na ang ganda-ganda mo." Sabi niya at ngumiti.
"A-anong maganda, hindi ako maganda, gwapo to tol." Sabi ko sabay talikod, grabe bakit ang init ng mukha ko? Lalagnatin ba ko? Bwesit talaga ang nicholo na yun.
~end of chapter four~
♀♀♀♀♀♀♀
A/N: Hi readers (*^﹏^*) sorry kung hindi ako nakapag UD agad, busy kasi ako sa final exam eh, lam niyo na, estuyante problems. Haha. Thank you nga pala sa mga nagcomment at nag basa.
Please vote niyo na rin po.
Thanks♥♥