Chapter 2

122 8 0
                                    

NAPABALIKWAS ng bangon si Lydia ng may narinig siyang mga yabag ng mga sapatos na nagsitakbuhan.Hinawi niya ang Poster na nagmistulang pintuan niya at sumilip roon.Hindi niya masyadong nakikita ang pangyayari dahil madaling araw pa lamang.Ngunit sigurado siyang may dumaan sa tabi ng kanyang barong barong.May narinig  ulit siyang mga yabag na paparating kaya sumilip siya sa maliit na butas ng kanyang barong barong at nagmasid.

"Boss...Oo.Nakadakip na kami ng Lima...Sige"Ani ng lalaking may malaking katawan na may kausap sa hawak nitong telepono.Nangilabot ang kalooban ni Lydia ng makita niyang may dala itong mga armas.

Muntik na siyang mapasigaw nang lumingon ang kasama nitong lalaki sa barong barong niya.

Akmang maglalakad ito palapit sa pwesto niya ngunit tinawag ito ng lalaking may malaking katawan.

"Tonio!Tara na.Malapit ng sumikat ang Araw baka matunugan tayo dito"saad nito at naglakad na papalayo.

Tumango ito at sinulyapan ang kanyang barong barong bago naglakad papalayo.

Hindi na siya nakatulog pang muli dahil sa takot na baka bumalik ang mga ito at saktan siya.

"Lydia anong nangyari sayo?"napatingin siya kay Pinang na naglilinis ng sapatos ng matanda.Nandito ulit sila sa harap ng Barber Shop at naghahanap ng kustomer na magpapalinis ng kanilang mga sapatos.

"Ah wala..."sagot niya dito

"Anong wala--Salamat po"naputol ang sasabihin nito ng tumayo na ang matanda at binigyan siya ng barya.Bumaling ulit si Pinang kay Lydia

"Anong wala?Eh mukhang hindi ka nakatulog ah?"

"Ahh..Marami kasing lamok kaya hindi ako nakatulog ng maayos"ayaw niyang sabihin ang dahilan dito dahil ayaw niyang mag alala lamang ito sa kalagayan niya.Alam niyang pag nalaman nito ang nakita niya ay pipilitin lamang siya nitong manatili sa bahay ng kanyang Tiya na siyang ayaw niyang gawin.

Nanatiling mapanuri ang mata ni Pinang na nakatutok sa kanya.

"Sige na nga.Tara ililibre kita sa lomihan.Hindi pa kasi ako nakakapag almusal"tumango lamang siya dito at sumunod

"Aleng Rita Dalawang Lomi po!"anas ni Pinang sa matandang taga luto.

"Oh siya maghintay muna kayo"saad nito at pinapasok sila sa maliit na Tindahan nito

"Uy!Lydia Alam mo ba na may mga nawawalang mga bata sa lansangan kanina?"saad nito.Agad namang nakaramdam ng kaba si Lydia sa sinabi nito at unti niyang naipag tagpi tagpi ang pangayayari kanina.

"H-ha?Totoo ba 'yan?"nauutal niyang tugon

"Oo nga!Kilala mo ba si Litoy?Yung anak ni Aling Marites?Naku!Hindi na nakauwi!"paliwanag nito

"Saan mo naman nalaman ang mga iyan?"tanong niya dahil sa dami ng impormasyong sinabi nito

"Sus!Ako pa ba?Eh..Alam ko lahat ng tsimis dito sa atin.Pasimpli kasi akong nakinig sa ka tsismisan ni Inay kanina.Sabi pa nga na marami nang report tungkol sa mga batang nawawala sa police station"sagot nito habang lumalaki ang mga mata sa pagsasalita

"Dapat na pala tayong mag-ingat"tugon na lamang niya

"Oo lalo na ikaw!Di natin alam baka pasukin ka sa barong barong mo.Doon ka nalang kasi sa Tiya mo"saad nito.Ito na nga ang sinasabi niya.Alam niyang pipilitin siya nito kaya ayaw niyang ipaalam ang nasaksihan niya kaninang madaling araw.

Nagpasalamat siya na dumating na ang lomi at naputol ang kanilang usapan.

Nang matapos silang kumain ay nagtungo na siya sa Karenderia ng kanyang Tiya.

"Lydia halika rito"tawag ng kanyang Tiya ng makita siya.

"Bakit po Tiya?"sagot niya saka lumapit dito.Inabutan siya nito ng isang karton na may lamang mga lumang damit.

"Sayo na.Hindi na naman kasya ang mga iyan kay Yanna"sagot nito.Napangiti siya dahil may maisusuot na naman siyang damit na walang butas kahit luma na.

"Salamat po!"tugon niya.Tiningnan lamang siya nito at tinalikuran

Masaya siyang umuwi sa kanyang barong barong dala ang karton na may lamang damit.

Sinindihan niya ang lampara niya para magbigay ilaw dahil dumidilim na ang paligid.
Inilatag niya ang mga ito saka hinalukay at tiningnan ito  paisa-isa.

Napangiti siya ng may makitang lumang underwear at baby bra.Magkasing edad lamang sila ni Yanna ngunit mas malaman ito kumpara sa kanya na payat.Ngunit mas lamang siya rito kung katangkaran ang pagbabasehan.

Sa edad na Dose anyos ay mapagkakamalaan na siyang dise-sais.Matangkad siya at payat.May magandang postura at may morenang kutis.Makurba din ang kanyang mga labi at may malalim na mata.Hindi niya alam kung biyaya ba ang taglay niyang kagandahan o kamalasan dahil ito ang minsan ng nagpahamak sa kanya.Naalala niya ang nangyari noong siya ay Nuebe anyos pa lamang.Papauwi na sana siya ng gabing iyon ng harangan siya ni Joey sa kanyang daraanan.Si Joey ay isang dise-nuebe anyos na tambay at isa sa masugid niyang manliligaw.Palagi na niya itong tinatanggihan at ipinapakita ng lantaran ang pag ayaw niya rito ngunit sadyang makulit ito at ayaw mag paawat.

"Lydia.Sagutin mo na ako"tugon nito habang naglalakad ng pasuray patungo sa kanya.

"Joey lasing ka ba?"aniya at nagsimula ng makaramdam ng takot.

"Hah?Hinde ahh"sagot nito saka siya hinawakan sa kanyang palapulsohan.

"Ano ba!?B-bitawan mo nga ako"pilit niyang iwinawaksi ang kamay nito ngunit mas lalo lamang itong humigpit

"Ang pakipot mong babae ka!Halika ka nga dito!"Sigaw nito sa kanya at hinila siya patungo sa madilim na parte ng eskinita.

Napaigik siya sa sakit ng pagkakahawak nito.Nang makakita siya ng tanod na dumaan ay sumigaw siya ng buong lakas.

"Tumahimik kang gaga ka!"napa ubo siya ng suntukin siya nito sa sikmura.Agad siyang natumba at nahilo.

"Sa wakas matitikman na rin kita"rining niyang saad nito.

Akmang huhubarin na nito ang saplot niya ng dumating ang dalawang tanod at hinuli si Joey.

"Bilis!Tulungan mo yong bata Enot!"rinig niyang sabi ng isang tanod.Narinig niya pa ang pag alma at pagmumura ni Joey bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Napa iling siya sa ala-alang pumasok sa isip niya.Sinimulan niyang tiklupin ang mga damit at inilagay ito sa sulok.Inilatag niyang muli ang kanyang karton na hihigaan at pinatay ang ilaw sa lampara para makapagpahinga na.


Comment your thoughts!

Married To A BossWhere stories live. Discover now