Chapter 1

219 10 0
                                    

NARIRINIG niya ang malakas na mga tunog ng mga dumaraan na sasakyan.Oras na para bumangon at maghanap ng pera para mairaos niya ang araw na ito.

Agad siyang bumangon at iniligpit ang karton na nagmistulang higaan niya.Sa bata niyang edad ay namulat siya sa kahirapan.Nanlilimos para magkalaman ang tiyan o di kya ay nagtitinda ng sampaguita sa tapat ng simbahan.Alam niyang kapag hindi siya gagawa ng paraan para magkapera ay mamatay lamang siya sa gutom.Sa maliliit na kamay na marami ng pinagdaanang hirap.Namulat siya sa lansangan ng walang masasandalan.Iniwan siya dito ng kanyang Ina at pinagbilin lamang sa isang may ari ng maliit na karenderia.

"Lydia!Tara na.Baka maunahan pa tayo nina Poloy sa pwesto natin!"Nagmamadaling tawag sa kanya ng kaibigan niyang si Pinang.Katulad niya ay iniwan din lamang ito sa lansangan.Ngunit kung tutuusin ay mas maswerte pa ito kesa sa kanya.Di hamak na mas mabait ang kumupkop dito kahit na mahirap din lamang ang mga ito.Hindi tulad ng kanyang Tiya Lucing na parang hayop ang turing sa kanya.

"Sige"tugon niya at saka pinagpag ang kanyang damit na pinagmanahan lamang ng anak ng kanyang Tiya Lucing.

Nagtungo agad sila sa tapat Barber Shop ni Ontoy at inilagay ang kanilang upuan na gawa sa kahoy.Dito sila nag aabang ng mga taong gustong magpalinis ng sapatos.

"Ate!Palinis ka po ng sandalyas mo"anas ni Pinang sa dumaang babae ngunit tinapunan lamang siya nito ng nakakadiring tingin.

Tumulong siya at nagsimula na ring magtawag ng mga taong dumaraan.

Sa tatlong oras nilang pamamalagi roon ay bente pesos lamang ang kanilang naibulsa.

"Lydia heto sayo oh"inihalad ni Pinang ang labing tatlong piso sa kanya.

"Ha?Hati nalang tayo.Tig sa-sampu tayo"nag alinlangan niyang tugon.Alam niyang naawa lamang ito sa kanya.Ngunit ayaw niyang tumanggap ng kahit ano dahil lamang sa awa.Kahit ganito lamang siya ay may prinsipyo siya sa buhay.

"Sige na tanggapin mo nalang.Nakapag almusal naman ako kanina sa amin.Tsaka alam kong hindi ka pa nakaka-kain"sagot nito at mas inilahad pa ang mga barya sa kanya.

Nag aalinlangan man ay tinanggap pa rin ni Lydia ang barya mula sa kanyang kaibigan.Marami na siyang mabibili gamit ito.Magkakalaman na rin ang kanyang sikmura.

"Salamat Pinang ah."Ngumiti siya rito

"Sus.Wala 'yon.San ka pagkatapos dito?"tanong nito

"Ah.Bibili muna ako ng tinapay sa tindahan tsaka tutungo doon kila Tiya Lucing"sagot niya.

"Naku..Baka pagbuhatan ka naman ng kamay non!"inis na tugon ni Pinang

Natawa siya sa inasal nito.Sanay na siya sa ugali ng kanyang Tiya.Ngunit hindi niya magawang magalit rito.Ito pa rin ang bumuhay sa kanya kahit na hindi niya ako kadugo.Malaki ang utang ng loob niya rito.Ito ang nagpakain sa kanya noong sanggol pa lamang siya.Ang dapat niyang kagalitan ay ang kanyang ina na inabandona lamang siya.

"Huy!"pukaw ni Pinang sa pagmumuni niya

"Ano?Natulala ka dyan."

"Wala.Sige Pinang pupunta nako kina Tiya.Marami pa  akong trabaho doon"pagpapaalam niya dito

"Sige.Ingat ka"Tumango siya rito ang nagtungo na sa karenderia ng kanyang Tiya Lucing.

Habang papalapit siya sa karenderia ng kanyang Tiya ay napansin niyang mas maraming tao ngayon kumpara noong mga nag daang araw.

"Oh Lydia!Bilisan mo diyan at tumulong ka rito!"sigaw ng kanyang Tiya ng nakita siya nito.

Tumakbo agad siya patungo dito.

"O linisin mo ang mga lamesa dahil may uupo na don"itinuro nito ang mga lamesa na tapos nang gamitin.Tumango siya at nagtungo dito.Dinala niya ang mga plato sa lababo saka inilagay ang tira tira na pwede pang kaninin sa cellophane na dala dala niya.Hindi na siya nahiya na pinagtitinginan siya ng mga tao ginagawa niya.Agad siyang nakaramdam ng sakit sa tagiliran niya.

"Mamaya na iyan."Mariing bulong ng kanyang Tiya na kinurot siya.

Napaigik siya sa sakit nito ngunit hindi niya ipinahalata at kumilos na lamang.

"Lydia!Tatlong softdrinks dito!"sigaw ng kanyang Tiya.Nagtungo agad siya sa Refrigerator at kumuha ng mga softdrinks saka inihatid sa lamesang itinuro ng kanyang tiya.

Napalunok siya habang nakatingin sa pag inom ng mga kustomer.Nagtungo agad siya sa gripo at uminom ng tubig.

Napatingin siya sa Orasan at nakitang malapit nang gumabi.Nalipasan na siya ng gutom at hindi nakakain ng pananghalian.

Nagtungo siya sa kanyang Tiya ng makitang konti nalang ang mga kustomer.

"Tiya..."tawag niya dito.

"Oh ayan.Alis na"tugon nito at inilapag ang bente pesos.

Tumango siya at umalis na upang makapag pahinga.

Napabuntong hininga sa pagod at naupo sa kanyang maliit na barong-barong malapit sa abandonadong gusali.Maraming mga bata dito na naglalaro.Napangiti siya habang nakatanaw sa mga ito.Hindi niya naranasan na makapaglaro dahil kailangan niyang magtrabaho.

Pumasok siya sa kanyang bahay na pinagtagpi-tagpi lamang ng mga lumang yero at poster ng mga kandidato.

Inilabas niya ang cellophane na may lamang kanin at ibat-ibang tirang ulam.

Sa loob ng ilang araw ay naranasan niya ulit ang mabusog.Iniligpit niya ang pinagkainan at saka inilabas ang kanyang maliit na alkansya para mag lagay ng pera.

Inilagay niya ng bente pesos dito at itinira ang walong piso para bumili ng sabon.Tutungo ulit siya bukas kina Pinang para makapaglaba.Konti lamang ang mga damit niya kaya hindi siya mahihirapang labhan ang mga ito.

Inilatag niya ang karton upang mahiga at makapag pahinga na.Ngunit sa kanyang paghiga ay napa igik siya nang nasagi ang kanyang tagiliran.Itinaas niya ang kanyang damit at nakitang may pasa na ito.Napa iling siya saka pinilit ang sariling matulog dahil makikipag sapalaran na naman siya bukas at kailangan niyang ng pahinga.







Married To A BossWhere stories live. Discover now