Chapter 4

108 10 1
                                    

Hindi pa rin siya maka move on sa nangyaring engkwentro nila ng gwapong lalaki sa loob ng kanyang barong barong.Kanina pa paulit-ulit na nag rereplay sa kanyang isipan iyon.

"Huy!"napaigtad siya ng kalabitin siya ni Pinang.

"Kanina ka pa tulala ah.Anyare?"usisa agad nito

"Wala.May iniisip lang ako."tugon naman niya

"Ay.Alam ko yan.Yung tungkol na naman sa bagong batang nawawala ano?Naku!Narinig ko naman kasi ulit si nanay na nakikitsismis sa mga kumare niya kanina!May dalawang batang nawawala"daldal nito sa kanya.Nakuha naman agad nito ang atensyon niya.Hindi pa rin siya makampante kahit may mga tanod na nagro ronda.Lalo na't naalala niya na armado ang mga nangunguha ng bata.Natatakot siya na baka sa susunod na araw o linggo ay ang pangalan na niya ang maidagdag sa mga batang missing sa kanilang baranggay.

"Kailan raw nawala?"usisa niya

"Kaninang madaling araw lang!Kilala mo yung anak ni Aleng Nina at Aleng Josefa?Naku! Pinapunta lang sa kanilang tindahan upang pabuksan iyon at hindi na nakabalik!Ganon din sa anak ni Aling Nina.Papakainin lang daw yung alagang pusa na nasa Abandonadong bahay nila hindi narin nakabalik!

Bigla siyang kinabahan.Kaninang madaling araw pa nga siya lumabas mabuti at hindi siya napahamak.Naalala niya ang gwapong lalaki sa barong barong niya.Hindi kaya't kasapi iyon sa mga taong nangunguha ng bata?

Kinabahan siya nang may mapagtanto

"Pinang hindi ba't madadaanan lang ang poso patungo sa tindahan nila Aleng Nina at Aleng Josefa?"saad niya

"Oo.Malapit nga lang yun doon.Bakit?"

Nanginig ang labi niya.Muntik na ako.Napausal siya ng pasalamat sa panginoon at hindi siya pinabayaan nito.

"Ah..Wala,Una na ako Pinang ah may gagawin pa kasi ako."pagpapa-alam niya dito at mabilisang nagtungo sa kanyang barong barong.

Dahil sa mga laganap na kaso ng nawawalang bata dito sa kanilang baranggay ay naging tahimik na ang mga kalye.Hindi na pinapalabas ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo na pag sasapit na ang dilim.Minsan na siyang nakaramdam ng inggit at hindi iyon magandang pakiramdam.Alam niyang wala siyang ibang masasandalan kundi ang sarili niya lamang kaya marunong siyang makuntento sa kung ano ang meron siya.Ngunit hindi niya parin maiwasan ang mainggit sa mga batang katulad niya na may mga magulang na nagbabantay at maglalayo sa kanila sa kapahamakan habang eto siya,mag-isa,takot at malapit sa panganib.

Tumulo ang luha niya at minadali ang paglalakad pauwi sa kanyang maliit na barong barong dahil dumidilim na ang paligid.

Pagpasok niya ay nilagyan niya nang malaking plywood ang tarpaulin na nagsisilbing pintuan ng barong barong niya.Kahit alam niya na hindi nito mapipigilan kung may papasok man.

Pinatay niya ang lampara at nagsumiksik sa pinakasulok ng kanyang barong barong.Ilang oras na ang lumipas at tahimik na ang paligid ngunit hindi pa rin siya dina dalaw ng antok.Hindi na siya makatulog dahil sa takot na baka pag gising niya ay nasa likod na siya ng kotse o baka nakatali na ang mga kamay.

Ilang minuto pa lamang ng pagpikit niya ay may narinig siyang mga yabag na animoy dumadaan sa tabi ng kanyang barong barong.

Nanginig siya sa takot at nagsumiksik pa lalo.Ilang sandali pa ay biglang tumahimik ang mga yabag.Naririnig niya ang bayolenteng tibok ng puso niya.

Nanatali siyang nakatitig sa plywood na nakaharang sa pintuan ng kanyang barong barong at naghahanda ng sumigaw kapag may pumasok man roon.

Hindi niya namalayang malapit na pala magbukang liwayway at hindi man lang siya nakatulog kakabantay sa pintuan ng barong barong niya.Nanakit na ang mga mata niya at sigurado siyang hindi niya maitatago kay Pinang ang pangigitim ng ilalim ng mga mata niya.

Bumangon na siya at iniligpit ang higaan niya ng lumiwanag na ang labas.

"Lydia!"napatalon siya sa gulat ng biglang kumatok si Pinang sa pintuan niya.

Agad niyang tinanggal ang plywood na nakaharang at binati ang kaibigan.

"Ang aga mo ah?Ba't ka naparito?"ani niya at pinilit na ngumiti upang matabunan nito ang puyat niyang mga mata ngunit si Pinang ay sadyang matalas ang mata kaya nakita agad nito iyon.

"Hindi ka ba natulog?"agad na tanong nito na may mapanuring mata.

"Ahh.Natulog naman napuyat lang nagbabasa kasi ako ng libro na nahiram ko sa eskwelahan nila Yanna palusot niya.

"Hmm.Ok heto nga pala oh.Dinalhan kita ng pandesal"ani nito at inabot sa kanya ang isang supot ng pandesal

Ngumiti siya dito at hindi niya namalayang tumulo na pala ang kanyang mga luha.Agad niyang nakita ang taranta sa mukha ng kaibigan

"Hala.Ayaw mo ba?Ba't ka umiiyak ui!Huy. Ano?May problema ba?"taranta nitong saad.Ngumit siya at umiling habang pinupunasan ang mga luha.Hindi niya rin alam kung bakit siya umiyak.Siguro dahil kahit inabandona na siya ng kanyang pamilya ay may tao pa rin na iniisip at nag aalala sa kalagayan niya.Niyakap niya si Pinang at niyakap naman siya nito pabalik

"Uy May problema ka ba Lydia?Sabihin mo lang sa akin makikinig ako"ani nito.Umiling siya at kumalas sa yakap

"Wala.Tara kainin natin to"ani niya at iniba ang usapan

Habang kumakain ay naalala na niya naman ang narinig na yabag kagabi.Siguro hindi rin magtatagal at siya na rin ang mairereport na nawawala.

"Pinang.Mag-ingat ka palagi ah at wag kang lalabas kapag mag gagabi na."paalala niya sa kaibigan.

"Oo naman.Ayoko ko kayang makidnap no"sabi nito habang ngumunguya

Tumango lamang siya

"Kapag wala ako dito alagaan mo ang barong barong na to ah"

"Ha?Bakit san ka pupunta?"saad nito at natigil sa pagkain.

"Tara na punta na tayo sa barber shop may mga kustomer na doon"aya niya at pinili na huwag na sagutin ang tanong ng kaibigan.Alam niya sa sarili na sa sitwasyon niya sa buhay ay hindi malabo na pati siya ay makidnap na rin lalo nat hindi parin nahuhuli ang pakana ng pagkawala ng mga bata dito sa kanilang baranggay.Habang lumilipas ang araw ay parami ng parami ang kaso ng missing.Kahit ang kanyang Tiya ay animoy walang paki alam kung hindi man siya sumipot sa kanyang trabaho at sigurado siyang hindi din ito mag aalala kung sakaling siya naman ang makidnap.

Umuwi siyang pagod dahil sa dami ng utos ng kanyang tiya at pinaglinis pa siya nito sa kwarto ni Yanna.

Pumasok na siya sa kanyang barong barong at kinain ang binalot niyang pagkain galing sa karinderya ng kanyang tiya.Dahil sa pagod ay madali siyang nakatulog.

Nagising siya dahil sa naririnig niyang kaluskos.Agad siyang napabangon ng may nakitang pares ng asul na mata na nakatitig sa kanya sa sulok ng kanyang barong barong.Akmang sisigaw na siya ng lumapit ito at tinakpan ng panyo ang kanyang ilong.Hinawakan nito ang kanyang baywang upang matigil siya sa pagpupumiglas.Naaninag niya ang hikaw nito sa kaliwang tenga na kumikislap.

Nagpupumiglas siya at nanlaban ngunit ang amoy ng kemikal ay nagpapahina sa kanya.Tumutulo ang luha niya dahil sa sinapit.Bago pa man tuluyang mawalan ng malay ay nakita niya ang mga malalalim na mata na nakatitig sa kanya.

~Comments?:<

Married To A BossWhere stories live. Discover now