Chapter 3

117 9 3
                                    

Iminulat ni Lydia ang kanyang mata at nagsimula ng Iligpit ang kanyang higaan.Maaga pa lamang at hindi pa sumisikat ang araw.Ito ang oras na gusto niya dahil tutungo siya kila Pinang upang labhan ang kanyang damit at para makaligo na rin.Dalawang araw na siyang hindi nakakaligo dahil palagi siyang pagod umuwi at kung minsan ay hindi siya nakakagising ng ganitong oras dahil sa pagod.Pasado alas kwatro palang ng umaga at matitiyempuhan niyang walang tao ang poso.Malaya siyang makakaligo at makaka paglaba.Minsan kasi kailangan niya pang pumila dahil marami din ang nag-iigib ng tubig kaya sinakto niyang maaga siya upang maging matiwasay ang kanyang paglalaba.

Kinuha niya ang lumang balde ng mga biscuit na hiningi niya pa sa kanyang tiya at inilagay ang kanyang lalabahin doon.

Lumabas na siya sa kanyang barong barong at nasamyo ang malamig na hangin ng madaling araw.Nagsimula na siyang maglakad patungo kina Pinang habang bitbit ang kanyang labahin.Habang naglalakad naaninag niya na may hulma ng tao ang gumagamit na poso.

Parang naliligo ito!Nagtaka siya dahil ang aga ng pagligo nito.Ni hindi pa sumisikat ang araw at asul pa ang kalangitan.Tumayo siya malapit sa malaking puno ng mangga at naupo sa mga ugat nito.Dito muna siya maghihintay na matapos sa pagligo ang lalaking iyon.

Pinagmasdan niyang mabuti ang bulto nga lalaki.Kahit sa malayo ay naaaninag niya ang katawan nito at masasabi niyang maputi ito at may magandang postura.Hulma na hulma din ang mga braso nito na mukhang babad sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay.Napahinto siya sa pagtitig dito ng makitang nakaharap ito sa kanya!

Agad siyang nagsumiksik sa ugat ng Punong mangga upang hindi siya makita.

Hindi naman ata niya ako nakitang nakatitig diba?Baka isipin nun na namboboso ako!Madilim naman at imposibleng maaninag niya ang mukha ko.Hinay hinay siyang sumilip ulit upang malaman kung nakatingin nga ba ang lalaki sa kanya.

Napabuntong hininga siya ng makitang wala na ito roon.

'Siguro umalis na'  Napatango siya sa naisip

Kinuha niya ang kanyang balde at nagtungo na sa mismong poso.Amoy niya pa ang sabong ginamit nito.

'Amoy safeguard' napahagikhik siya sa kanyang sarili.

Nagsimula na siyang maglaba at naligo na din.Hindi niya hinuhubad ang kanyang damit kapag naliligo siya dito.Hindi pa rin siya kampante kahit na siya lamang ang tao dito.

Nang matapos ay malapit ng sumikat ang araw.Nagtungo na siya pabalik sa kanyang barong barong upang maisampay na ang kanyang mga damit.

Nang matapos ay pumasok na siya sa kanyang maliit na barong barong para makapag bihis na.Madilim ang looban kanyang barong barong kaya kinuha niya ang lampara upang masindihan ito.

Nang nasa akto na siyang hubarin ang kanyang saplot ay may biglang nagsalita.

"What are you doing?"

"Ahh!"napasigaw siya sa takot at napatingin sa nagsalita.Isang lalaking nakade-kwatro sa pag upo ang nasa sulok nag kanyang barong barong.

"S-sino ka!Bakit ka nandito!"nauutal na siya sa takot.Hindi naman ito nakakatakot ang totoo ay may itsura ito.Maputi,makurba ang mga labi at malalalim ang mga mata.Ngunit ito parin ay isang lalaki at kung may gagawin itong masama sa kanya ay hindi niya ito mapipigilan.Sumigaw man siya ay walang makakarinig sa kanya.

Naputol ang kanyang iniisip ng magsalita ito

"I thought nobody lives here"tugon nito.Napatanga siya sa sinabi nito.Alam niya na nagsalita ito ng Ingles ngunit hindi niya ito maintindihan dahil hindi naman siya nakapag aral

"Anong sabi mo?Wag mokong Inglesan!"bulyaw niya rito

"Ang sabi ko,Akala ko walang nakatira dito"tugon nito na nakangisi

Napa angat ang isang kilay niya sa sinabi nito.Tanga ba ito?kahit konti lamang ang mga kagamita niya ay malilinis naman ang mga ito at may mga karton pa nga at kumot  tapos sasabihin nitong walang nakatira dito?

"Eskyus me?"sinabi niya ang Ingles na itinuro sa kanya ni Pinang nang makapanood siya ng pelikula sa bahay nito.Ginamit ito ng bida nang magtaray ito sa kaaway.

"Bahay mo ba to?"tanong nito at ipinalibot ang tingin sa kanyang barong barong.

"Oo.Pwede bang umalis kana?Yor Inbading may Praybasi"Napangisi siya ng ginamit niya ulit ang natutunan niya mula kay Pinang.

Kumunot ang noo niya ng tumigin ito sa kanya habang may pinipigilan na tawa.

"Umalis ka na nga!"hindi na siya komportable sa titig nito sa kanya.Lalo nat magkatinginan sila at naaninag niya ang tsokolate nitong mga mata at matangos nitong ilong na nasisinagan lamang ng ilaw ng kanyang lampara.

"Very well then."Umatras siya at lumayo dito ng konti ng tumayo ito.

Napaangat ang tingin niya rito nang magsalita ito.

"Pasensya na at nakaistorbo ako"ngumiti ito

Naramdaman niya ang pag init ng kanyang pisngi dahil sa ngiti nito.Napansin niya na mukhang hindi ito katulad niyang pulubi lamang dahil sa pananamit nito at malinis nitong porma.

'Mayaman'tugon ng kanyang utak.

"A-ah sige"tumango ito sa kanya at lumabas na sa kanyang barong barong.

Napahinga siya ng maluwag dahil kanina pa siya hindi mapakali dahil dito.

Ang gwapo ng loko

"Gwapo nga"saad niya sa sarili.

Lumabas siya sa kanyang barong barong at luminga linga.Nang makitang wala na nga ito ay nakampante siya.Makakapagbihis na din siya sa wakas.Kanina pa siya giniginaw.

Nang pumasok ulit siya ay napasinghap siya sa nasamyo...


Amoy safeguard!

Married To A BossWhere stories live. Discover now