Chapter 5

143 6 1
                                    

"Lydia!Halika dito laro tayo ng mga jolen!"tawag sa kanya ng kaibigan niyang si Pinang.Agad siyang nagtungo dito at tiningnan ang dala nitong mga jolen na nakabalot ng plastic

"Eh Pinang may hugasin pa ako dito eh"saad niya ng makita ang mga laruan nitong dala.

"Ano ba yan!Hindi ka ba papayagan ng Tiya mo na maglaro?Palagi ka nalang nagtatrabaho."Nakangusong saad ng Otso anyos na si Pinang.

"Ay alam ko na!Maghintay ka muna tatapusin ko yon ng mabilisan at mamaya nalang ako magwawalis para makapaglaro tayo"saad niya

"Sige!Tutulungan kita"agad nitong inilagay ang supot ng jolen sa ibabaw ng lamesa sa karinderya ng kanyang Tiya at nagtungo na sila sa Kusina para makapag hugas ng mga pinggan.

"Halika Tulungan mo 'ko Pinang"saad niya habang inuusog ang upuang kawayan na kanilang papatungan sa paghuhugas.Dahil sila ay kapwa Otso anyos pa lamang ay hanggang leeg lang nila ang Lababo ng karinderya kaya kinakailangan nilang pumatong sa upuang kawayan upang makapaghugas ng maayos.

"Alam mo ba Lydia binilhan na ako ni Mama ng Laruang Barbie!"daldal nito habang kapwa sila nagsasabon ng pinggan.

"Talaga ba?Ang swerte mo naman"ani niya dito

"Oo nga.Wag mo lang sabihin sa kanila kasi para dapat yun sa bertday ko sa susunod na linggo sinilip ko lang kung anong laman ng plastic na nakabalot ayaw kasi ipakita saken"saad pa nito

"Ikaw talaga Pinang di ka makapag antay"saad niya dito at natawa sa pinag gagawa ng kaibigan.

"Eh kasi naman eh nangangati ang kamay ko gusto ko na agad buksan tutal sakin din naman yon"

"Antayin mo nalang malapit na din naman kaarawan mo"ani niya

"Ay ikaw nga pala Lydia,Kailan bertday mo?"tanong nito.Agad siyang nalungkot at natigil sa pagbabanlaw ng mga pinggan

"Hindi ko alam eh"saad niya

"Ha?Bakit?Tanungin mo si Tiya!"agad na tugon nito

"Eh hindi niya daw din alam eh.Diba sabi ko na iniwan lang ako dito ng magulang ko?"

"Ano ba yan!Ay sige ganito nalang pag bertday ko bertday mo rin!"ani nito na nakangisi

"Hala!Sige!Para parehas tayo ng kaarawan!"saad niya na natutuwa sa ideya.

"Punta ka sa bahay ah handaan nating dalawa yun sabihan ko si Mama"ani Pinang

"Eksayted na ako!Hindi ko pa kasi nararanasan
mag bertday eh"saad niya habang inilalagay ang huling basong binanlawan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Married To A BossWhere stories live. Discover now