Christmas Eve /YabuxOC

208 1 0
                                    

"Medyo late na yata siya ngayon, ha..."

Wika ko sa sarili ko nang napansin ko ang oras. Masyadong malalim na ang sagbi. Ilang minuto na lang, pasko na. 'Di pa siya umuuwi.

Ano kaya ang nangyari?

Nagbilin siya sa akin na baka umuwi siya ng medyo late, pero 'di naman ganito katagal. Nangako siya sa amin ni Keisuke.

Napatingin ako kay Keisuke. Nakatulog na rin siya kakahintay sa ama niya. Yakap-yakap nito ang regalong ibibigay niya sa ama nito pagkauwi at pagkauwi nito. 

Pero hanggang ngayon, 'di pa siya umuuwi. 'Di ko rin macontact ang phone nito.

Kahit na ginagambala ako ng kung anu-anong masasamang akala, nananalig pa rin ako, naniniwala akong walang mangyayaring masama sa kanya at wala siyang gagawing masama na ikakasakit ng puso ko.

Nangako kami sa isa't-isa, at ngayong pasko, hanggang sa makakaya ko, 'di ko bibitawan ang pangakong iyon.

Nang ilang saglit ay may narinig akong malakas na katok sa pinto mula sa labas. Siya na marahil siguro iyon.

Pero bakit kay lakas naman?

May nangyari ba talaga? 'Di kaya...

"Kouta?" Honey? Ikaw ba iyan?"

Dali -dali ko namang binuksan ang pintuan saka ikinagulat ko ang aking nakita.

Hindi na nito kinaya tumayo kaya bigla itong napatumba at siya ko namang salo sa kanya.

"Honey, bakit ka lasing?" pag-aalala kong tanong na may halong pangangamba. Dahan-dahan ko siyang pinaupo sa upuan sa harap ng mesa, sa mesang puno ng handaan para sa noche buena.

Itinanggal ko sa pagkakabit ang ilang butones nito sa suot niyang polo para ikahinga nito ng maayos, ngunit bigla nitong hinawakan ang kamay ko saka naman ang pagtigil ko sa ginagawa ko. Hinayaan ko na lang ito at inabutan ko na lang siya ng tubig ngunit itinanggi naman nito ang alok ko at inihagis ang basong may tubig.

Nagulat ako sa mga kinikilos niya. "Kota! Ano bang meron at lasing ka!?"

'Di ko na napigilan ang sarili ko.

"Paskong-pasko, ano ba naman Kota! 'Di mo ba kami inalala?" napaupo ako sa tabi niya, napayuko't napaiyak.

'Di ba sabi mo, sasalubungin natin ang pasko na may mga ngiti? Na masaya? Na buong pamilya?

"Kouta..." tinawag ko ulit siya pagkatpos kong pakalmahin ang sarili ko. Ayaw ko na ng ganito.

"Ma? Pa?" sambit ni Keisuke. Nagiging ko yata.

Inaloayan ko si Kouta tumayo upang samahan siya sa kwarto namin ngunit ilang saglit bago pa kami makarating sa kwarto ay itinulak niya ako.

Malakas, dahilan ng pagkatumba ko.

"Ma!"

----

Umaga na pala, 'di ko namalayan. Grabe ang pagkalasing ko kagabi. Masakit pa ang buong katawan ko, pati ang loob ko. Masakit pala talaga sa kalooban na patalsikin ka sa trabaho  bago mag pasko.

Napabangon ako sa kama.Bukas ang pintuan, nasilayan ko agad si Keisuke na mag-isang kumakain sa mesa.

"Keisuke..." tawag ko sa anak ko saka siya'y nilapitan. "Ang mama mo?"

Niyakap ako ni Keisuke.  Napaupo ako sa harap nito at tinignan siya sa mga mata.

"Pa..."

"Hmm?"

"'Wag mo nang gawin kay mama 'yon ah?" naiiyak na sabi niya.

Sa grabeng kalasingan ko, 'di ko na maalala ang pianggagawa ko kagabi.

"A...anong ginawa ko?"

Kinwento ng bata ang nangyari, ang paghihintay nila, ang kalasingan ko, ang paghagis ko ng baso, at ang pagtulak ko sa nanay niya.

Nasaktan ako sa mga narinig ko. Nasaktan ako sa mga pinaggagawa ko. Gusto ko agad makita ang asawa ko at humingi ng tawad.

Tatayo at aalis na sana ako nang biglang nagsalita ulit si Keisuke.

"Pero alam mo pa, masaya si mama."

"Eh? Nasaan nga pala siya?"

"Namili ng kakainin natin." sagot nito. "Kasi pa, alam mo..."

Huminto sa pagsasalita si Keisuke habang ako'y buong pusong pinapakinggan ang anak ko, ayaw palagpasin ang mga bawat salitang sasambitin nito.

"Inaway mo si mama, sabi mo 'Wag mo akong hawakan, may asawa na ako, may mag-iinang nahihintay sa akin ngayong pasko'."

Dahil sa mga narinig ko, 'di ko mapigilan ang sarili kong yakapin bigla si Keisuke ng sobrang higpit, 'di ko namalayan luha na pala'y umagos a mula sa mga mata ko.

"Merry Christmas, pa."

"Sa'yo rin, Keisuke."

"Merry Christmas, Kota."

-----------------

Herro Herro and Merry Christmas.

Kung medyo pamilyar sa inyo 'yung plot, 'di ko siya ninakaw kung galing saang story here lol. It's just that my friend told me a short story a while ago and I put it in my imagination and convert to words lol. So, if may kapareho po ng plot, coincidence maybe? In short, 'di po talaga galing sa akin 'yung plot, nainspire lang ako. 'Yung pasko concept lang dinagdag ko and whatever ano pang pwedeng idagdag. (Dapat nga YabuNoo 'yung isusulat ko /Yabu Kota x Inoo Kei www)

Sorry sa typo, alam niyo 'yung pisong internet? XDD Tinatype ko 'to habang 0 'yung time tapos nung natapos ng itype, hulog piso for a new time!! Para tipid hahahaha.

Merry Christmas!

Jaa~

Sayonara Merry Christmas!

One Shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon