Cake /Yaotome x Takei [YaoTakei!!! ♥]

105 2 0
                                    

Takei Emi's POV

" 'Yung mukha mo Kento."

Sabi ko sa lalaki sa harap ko. 'Di ko alam kung declarative statement ba 'yung sinabi ko o nang-aasar 'yung tono ko. Sumi-selca kasi 'yung loko sa harap ko, as usual, wacky face.

"Pamblog." wika lang nito at panay pose ng pinagmamalaki niyang mukha.

Nasa harapan ko pa talaga 'yung screen ng phone.

" 'Yung front camera na lang kaya gamitin mo kesa makita ko pa 'yang pagmumukha mo sa screen ng phone mo."

"Paki mo ba?" sagot lang nitong Kaku Kento sa akin at patuloy lang sa ginagawa niya.

Jusme.

Kapag talaga 'di kagwapuhan o kagandahan, sa wacky face sumasandal.

Ay!! Wala akong sinasabing 'di gwapo si Kakkun!!!

Umingay 'yung plato, tapos na pala siya.

"Uy Takei, 'di mo pa inuubos 'yang cake mo."

Napaisip ako. Bakit ko nga pala kasama ngayon itong Kento na ito sa cakeshop? Sumubo ako ng cake.

"Anong balak mo ngayon, Kento?"

"Ibablog na kasama kita sa cakeshop!!" sagot nito sabay iniharap sa akin ang phone niya na...

"Hoy!!" bigla na lang akong napatayo. Kukunin ko sana mula sa kamay nito ang phone niya na may picture kong sumusubo ng cake at ready to post sa ameblo.

'Di naman sa pangit ako sa kuha niya, ang cute ko kaya doon.

Pero kasi...

"Bakit ba? Sige ka, isang pindot ko lang katapat nito." 

"Ibigay mo na sa akin iyang phone mo Kaku kundi ipapa-hack ko talaga kay Falcon ang blog mo!!"

"Close kayo?" natatawang tanong nito. "At isa pa, kapag nabasa ito ng mga Kaku Kento x Takei Emi shippers, magdidiwang sila!" nakangising sabi niya.

Gusto niya yatang gawin kong wacky forever ang mukha niya.

"Kadiri lang Kaku, kung Kento lang pala, kay Nakajima Kento ko na lang ishiship sarili ko. Akin na sabi---"

"Bakit ba ang choosy mo at mas feel mo pa ang mga Janizu?" tanong nito sa akin na hanggang ngayon nakataas pa rin ang kamay nitong hawak ang phone niya. "Ni-love team ka nga ngasa tatlong nangungunang prinsipe ng Amuse,. humahanap ka pa ng iba."

"Huwag mo ngang ishow-off ang kili-kili mo. Pinagtitinginan ka na. Kahiya maman nitong kasa." sabi ko na lang at inihinto ang balak kong pag-lagare sa braso niya.

Subo ng cake. Tingin sa labas. Kalma Emi, masyado ka pang bata para magka-wrinkles nang dahil lang sa Kento na iyan.

"Inggit ka lang sa kili-kili ko, palibhasa mabango. 'Di tulad ng sa'yo."

Biglaang nagsigisingan ang brain cells kong pinapatulog ko na sana at inutusan akong tumayo at ipaamoy sa kanya ang kili-klili ko.

"Huwag mo ngang ishow-off ang kili-kili mo sa harap ko!! Pinagtitinginan na ka na oy! Kahiya naman nitong kasama." inulit nito ang litanya ko habang nilalayo ang braso ko.

Tumunog si Cellphone. Patience level back to normal.

"Magpasalamat ka talaga Kento at napostponed ang balak kong gawing wacky forever ang mukha---"

Napatigil ako sa pagdadada... cho... chooottoooo!!!

Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan...

Tingin sa likod, tingin sa harap...

One Shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon