Keito/OC

29 2 2
                                    

Characters Involved: OC, Keito Okamoto 

No. of Words: 668

Genre: Romance 

Author's Note: Alam niyo 'yung WAGAS sa GMANews TV? Imadyinin niyo 'yung OST nila habang binabasa 'to. HAHAHA  Plot from Ririn... nilagyan ko lang talaga ng plot twist. Makatotohanan. XD

Nung una ko siyang nakita, para lang siyang nakatitig sa kawalan. Nasa likod ng mga rehas, nakakulong. Walang ngiting nakapinta sa mukha niya, kahit mga bata ang kadalasang lumalapit sa kanya. Hinatak ako ng pamangkin ko papalapit sa kanya saka niya ako tinignan. Nginitian ko siya at pilit siyang ngumiti kahit medyo nahahalata kong labag ito sa kanya. 'Di siya masaya kaya siguro 'di niya kayang ngumiting mukhang natural kahit anong pilit niya. "Hello..." bati ko sa kanya. Itinaas niya ang kanang kamay niya at nag-alangang kumaway sa'kin. "Anong pangalan mo?" saka kong tanong ngunit 'di ito kumikibo. "Keito," sagot sa akin ng isang lalaking nasa harap din ng kulungan.

"Keito ang pangalan niya." dugtong nito. Ngumiti lang ako habang nakatingin sa kanya, kay Keito. 'Di ko alam pero para bang ang gaan ng loob ko sa kanya. Simula nung araw na 'yon, linggo-linggo ko na siya binibisita na nagiging madalas hanggang sa naging araw-araw ko ng gawain. Dati-rati'y pasulyap-sulyap lang ako sa kanya hanggang sa naglakas loob na akong lumapit ulit sa kanya, "'Di ka ba nalulungkot at ikaw lang mag-isa diyan, Keito?" At katulad ng una kong tangkang pag-usap sa kanya, 'di pa rin siya sumasagot. Nakatitig lang ito sa akin. Inabutan ko siya ng dala kong prutas, tumanggi itong tanggapin pero nagpumilit ako, "Sige na, para sa'yo talaga 'yan." wika ko pa. Nakangiti lang siya, pero 'di tulad ng dati na pilit, masasabi ko na ngayon ay galing talaga sa puso nito. 'Di man siya nagsasalita, ramdam ko ang pasasalamat ni Keito kahit sa isang simpleng bagay lang.

Sa t'wing wala akong pasok sa trabaho ay binibisita ko siya. May mga dala akong mga pagkain para sa kanya na ikinatuwa naman ng bantay, wika pa nito, ngayon lang daw niya ulit nakita si Keito na masaya. Kahit 'di nagsasalita si Keito ay napansin talaga ng bantay ang pagbabago na nangyari sa kanya simula nung dumating ako. 'Di ko talaga alam pero sa t'wing pinupuntahan ko si Keito, iba ang nadudulot na kasiyahan nito sa akin, hanggang sa lumipas ang mga araw, napagtanto kong napaka-importante ni Keito para sa'kin. Simula rin daw nung dumating ako, nagiging masaya na ito at parang walang dinadamdam na problema. Ibang-iba na raw siya 'di tulad nung mga unang araw na siya lang mag-isa. Sa tuwing binibisita ko siya, kinukwentuhan ko siya, nakikipaglaro ako sa kanya. Masaya ako dahil nakita ko na rin siyang masaya.

Isang araw, tulad ng dati, binisita ko ulit siya. Pero ang pinagkakaiba lang, napakamahalaga ang araw na ito para sa akin. Isang taon na rin pala ang nakakalipas simula nang nakilala ko siya.

Inabutan ko ng prutas si Keito na sabik naman nitong tinanggap. Nakangiti lang akong nakatingin sa kanya mula sa labas ng kulungan. Ilang saglit lang ay narinig kong nagsalita ang lalaking bantay, "Maaari kang pumasok sa loob at makasama siya kahit sa ilang sandali." Narinig din ni Keito ito na mukhang ikinatuwa naman niya. "Pwede po ba?" tanong ko pero mukhang nasa presensya ni Keito na huwag kong tanggihan ang alok, kaya pumayag ako. Sabik na sinalubong ako ni Keito at 'di nagdalawang isip na yakapin ako nang kahigpit-higpit. 'Di ko maintindihan ang nararamdaman ko, naiiyak ako sa galak. Kumalas ako mula sa yakap niya saka ako nagsalita, "Alam mo ba Keito, pinapasaya mo ako." 'Di ito sumagot pero bakas sa mga mata nito na ganun din siya sa akin. Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ko saka ulit ako niyakap.

Niyakap ko rin siya. Sa kalagitnaan ng yakap namin sa isa't-isa ay napansin kong parami nang parami ang mga tao sa labas ng kulungan. Ang iba ay natutuwa, ang iba naman ay medyo nawindang sa nangyayari at nagbubulungan. Pero sa ngayon, wala akong pakialam sapagkat ang dinadama ko lang ngayon ay ang init ng yakap ni Keito sa akin.

"Ang bait naman niya." wika pa ng isang namamasyal.

"Buti 'di 'yan nananakit? 'Di niya sinasaktan ang dalaga oh."

"Ay! Naku! 'Di po talaga nanakit ang alaga naming gorilya." depensa naman ng lalaking bantay.

++++++++++

Peace. XDDDDDD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon