Lagom: Ilang araw na lang at mansari na naman nila Airi at Yuyan. Ika 19th monthsary na nila to. Every month, may iba't ibang pakulo silang nalalaman. Nung nakaraan nga, pumunta sila ng Hokkaido na naka Summer outfit kahit todo winter sa mga panahong yon. Nung last month naman, nag 18 times ride sila sa roller coaster. Ano kaya this month? Tara at alamin natin mga etchoserang kalabaw.
++++
"Yuya, ilang araw na lang, ano trip natin ngayon?"
Comment ni Airi sa status ni Yuya na "Ang pogi ko grabe" last 2 seconds. Ibig sabihin online pa si Yuya. Si Airi ang unang nag-comment, kaso nga off topic nga lang. ilang segundo lang at may nagcomment sa status ni Yuya.
"Brad! Free ka ba? Tara DoTA tayo!"
Off topic din. Galing kay Hikaru. Ayaw ata nila mag-comment sa status ni Yuya na pogi siya.
Wala lang si Airi, busy sa kakachat kay Rocky. May nag-comment ulit.
"TAKAGI! YUNG POCKY KO!!"
Galing naman kay Daiki. Di sya galit kaya naka-capslove.
No Kyer ulit si Airi, palibhasa stalker ni Rocky. Biglang ayun, may lumutang sa screen, nakalagay "Yuya Takaki Pogi commented on his status", dali dali namang clinick ni Airi ung palutang-lutang na asul.
"@Sungki, game ba!
@Pandak the second, nakay-Yel!"
Napa-sigh ang dalaga, walang reply sa tanong nya. Nag-comment ulit sya..
"Uy! Ano na ?"
As she clicks the comment button, nag-wish sya na sana mapansin na ung comment nya. Aun back to the business, ka-chat ulit si Rocky.
After ng ilang segundo, may nag-comment.
"Wala sa akin >,<
Na kay Yamada ata."
Comment naman ng gelplen na payatot na si Yel. Napikon na si Airi, wala pa rin comment si Takaki. Karma siguro ni Airi to, busy kasi kay Rocky. Tapos may lumutang ulit, aun "Yuya Takaki Pogi commented on his status"
"Ulyanin ka penguin! Kinain mo na kaya! -Yama-chan"
Si Taba, nakikiFB sa may FB.
"Ay Grabe", bulong ni Airi sa sarili nya, akala nya BF na nya. Walang choice si Airi kundi itext si Yuya.
"YUYAAA~~" - message sent.
Yan muna tinext nya. Baka kasi wala pala syang load na hindi nya alam, nagkandapagod lang sya magtype. Binalikan ulit ni Airi yung FB, nawindang sya. 37 notifs. Puro "...on Yuya Takaki Pogi's status", marami na atang nag-reacta na alien sa status nyang pogi nga sya. Nung sinilip nya.. Bangayan ng taba, penguin at payat. Sige pag-agawan nyo ang Pocky.
At last, may unique na sa notifications ni Airi. "Yuya Takaki Pogi posted something on your wall". Kinilig si Airi, at dali-daling pinunta ang profile nya.
"Sorry, next time na natin pag-usapan, gamit ni taba fb ko eh."
At yun ang nakasulat. Napayamot ang iha at nagcomment sa post.
"TABA. GUMAWA KA NG SARILING FB MO!"
After ng ilang minutes, wala nang natanggap si Airi na notif related sa status at post ni Yuya. Sinilip ni Airi ang profile ng boyfriend nya nung biglang..
"Busy sa DoTA with sungki.."
Latest status ng hot. Nainis si Airi at bigla nyang pinatay ang AVR at umalis sa pwesto. Agad syang pumunta sa kapitbahay nyang si Yel. Dun ata magbubuhos ng sama ng loob.
