Sigaw ng Puso /YamaShi (Yamada x Shida)

46 2 1
                                    

*Ang fanfic na po ito ay matagal ko nang naisulat XD 

Lagom: Tampo si Shida, paano kaya papasiyahin ni Yamada?

+++++++++++++++

Ilang minuto ng late si Yamada para sa date nila ni Shida. Inip na inip na itong si Shida sa kahihintay, nahaluan pa ng pagka-banas sapagkat nangako si Yamada sa kanya na hindi na muli malilate sa date nila after nitong malate palagi sa mga dates nila nung nakaraan.

''Kung hindi lang ito si Ryosuke, matagal ko na tong nilayasan.'' bulong ni Shida sa sarili habang pinaglalaruan ang kanyang cellphone strap. Hindi lang halata sa aura ngunit sa totoo lang ay gusto na niyang ihagis ang phone niya dahil sa inip. Kaso, hindi na lang niya tinangka kasi sa susunod na mga araw pa niya matatanggap sweldo niya at baka di siya makabili ng phone agad pag nasira pa ito.

Napa-sigh ang dalaga. Tatayo at aalis na sana siya mula sa kanyang kinauupuan nung biglang nag-ring ang phone niya.

''Saan ka na Yamada?!?'' pagtataas pa ng boses nito sa kabilang linya.

''Nasa labasan na kami.'' sagot pa ni Yamada

''Ka... Kami?'' nag-aalinlangang tanong ng dalaga sa binata. ''Akala ko ba ay tayo lang magsasama ngayon?'' dugtong pa nito. ''At sino naman yang kasama mo?'' isa pa niyang tanong sa kausap.

''Huwag kang mag-alala. Si Takaki lang to. Nagmakaawa kasi ako kanina na isakay ako papunta rito.'' paliwanag pa nito.

''O sige na, palabas na ako.'' ayon pa kay Shida sabay baba ng phone na wala man lang paalam.

"Eh? Ba't tayo andito?" pagtataka ni Shida nung hininto na ni Takaki ang kotse at niyaya na silang lumabas.

"May kailangan daw kasi itong sweetheart mosa akin, eh naiwan ko sa bahay, kaya napagdesisyunan na lang namin na pumunta tayo dito. Kung gusto niyo, dito na lang rin kayo maglambingan." explain pa ni Takaki at iniwan ang dalawa sabay dumiretso na sa pamamahay. Walang magawa si Shida kundi bigyan ng nanlilisik na titig ang kasintahan. Ngumiti na lang si Yamada, yung pinaka-mabushi pa hanggang sa kanyang makakaya. Nagbabakasakali na kahit papaano ay di siya sakalin ni Shida sa galit.

"Lumalandi ka lang kay Takaki eh." sabi pa nito sabay iniwan si Yamada mag-isa sa ere.

"Yuyan~" tawag pa ni Yamada sa kaibigan, karga karga ang aso nito.

"Alam mo taba ka, magseselos yang kasintahan mo. Sige ka!" banat pa nito kay

Yamada sabay tingin kay Shida na nakaupo lang sa sala.

"Nagugutom kami.." sabi pa ni Yamada habang hinahalik-halikan ang asong karga niya.

"Sa aso yata ako magseselos at hindi kay Takaki." bulong ni Shida sa sarili na halos rinig naman ng dalawa.

"Mirai? Bakit?" tanong ni Yamada habang lumalapit kay Shida at balak tabihan ang dalaga.

"Takaki, pahiram ng kusina at magluluto ako." request pa ni Shida na may halong galit ang tono at dumiretso sa kusina.

"Tsk.. Tsk.. Yamada, tampo na yun sige ka…" ayon pa kay Takaki na kasalukuyang may hinahanap sa mga kabinet. Walang imik si Yamada sa halip ay sinundan nito si Shida sa kusina, karga karga pa rin ang aso ni Takaki.

"Future ko, sorry na…", lambing pa ni Yamada nung pumasok siya sa kusina at naabutan si Shida na naghahanap na pwedeng kainin sa ref ng mga Takaki.

"Mirai, may strawberry dito~ tara share tayo." yaya pa nito sa kasintahan habang inisa-isang kinakain ang mga strawberry sa lamesa.

"Lamunin mo yan mag-isa." dabog pa ni Shida at hinarap si Yamada.

"Ano ba yang laman ng puso mo? Kung hindi strawberry, mga aso o di kaya yang Takaking yan." sabi pa nito sa binata sabay pout.

"Mirai~" lambing na pagtawag ni Yamada sa dalaga. "Anong sinisigaw ng mga aso?" dugtong pa nito.

"Ikaw Ryosuke, wag mong baguhin ang usapan!" reklamo ng dalaga sa binata.

"Di ba 'aw-aw'?" sinagot ni Yamada ang sarili niyang tanong at di pinansin ang mga daldal at reklamo ng kasintahan.

"Eh yung pusa, diba 'meow-meow'?" dugtong pa nito.

"Ewan ko sayo." paalis na sana si Shida nung biglang binitawan ni Yamada ang aso sabay niyakap naman si Shida mula sa likuran.

"Alam mo ba sigaw ng puso ko?" tanong nito sa dalaga na nagpatigil naman sa mundo nito dahil sa hiningang nakakabaliw galing sa minamahal.

"Hmmm?" tanong pa ni Shida.

"Ikaw-ikaw."

One Shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon