KAHARUTAN ft. KAHIHIYAN
by micacraigeNasa mall kami ng kaibigan ko ngayon. Naiinip daw sya kaya naisipan nyang mag-aya, libre naman kaya sumama ako.
Bawal tanggihan ang grasya aba!
“Ash, kain na muna tayo nagugutom na ako e.” sus kailan ka ba hindi nagutom.
“Oh! Libre mo ha. Wala akong dalang pera.”
“Sasama sama ka sa'ken ng walang dalang pera aba naman abuso bessss!”
“Eh sabi mo libre mo lahat e!”
Anak ng tokwa kaya nga ako sumama sa kanya kase sabi nya libre daw tapos eto nagrereklamo sya.
Haynako anak ka talaga ng nanay mo.
“Sa jollibee lang tayo kakain ha babaita ubos na badget ko!” sabi nya sabay flip hair.
Aba ang bilis maglakad iiwan pa ako.
“H-hoy teka lang!”
Hinabol ko sya. Anak ng nanay mo naman oh ang ganda ganda ko tapos patatakbuhin mo lang ako dito sa loob ng mall. Hindi katanggap tanggap bes!
Huminto na din ako sa pagtakbo ng makita kong nakatayo sya harap ng isang kainan na para bang may pinagmamasdam mula sa malayo.
“Huy tara na! Ano bang tinitignan mo dyan?” tanong ko habang sinisikap din na hanapin kung ano bang tinitignan nya.
“Ashley hindi ba si Ken 'yon?” turo nya .
Teka saan ba 'yung tinitignan nya? Potek may nakikita ka bang hindi ko nakikita bes ha. Umamin ka!
“Sinong Ken? Tsaka saan ba ha— arayy!”
“Ayan oh! Sa harap mo. Ang tanga mo naman bes. Si Keneth 'yung crush mo, ayan oh may kadate ata.”
Aww huhu ang sakit ng sapok nya waaa.
Pero aba't si Ken nga 'yon ah. Bwisit. Bigla nalang akong nakaramdam ng init sa buong katawan ko. Magagamit ko ata pagiging black belter ko dito.
*crackk crackk* pinatunog ko mga buto ko wag kang ano. Kunware matapang ako.
Pero matapang talaga ako lalo na't pag si Ken ang usapan. Aba walang pwedeng umagaw sa love of my life ko hmp!
“HOY BABAE SAN KA PUPUNTA!?” sabi ni Alys sabay hugot sa buhok ko.
“Aray ha!” reklamo ko.
“San ka pupunta aber?”
“Susugurin ko 'yang malarit na babae na 'yan. Hindi naman ako papayag na may umagaw sa love of my life ko no! akin lang si Ken my loves.” sabi ko sabay takbo sa kinaroroonan ng babae at ni Ken my loves.
“HOY ASHLEY JOWA KA HA! JOWA KA?!” dinedma ko lang 'yung sinabi ni Alys. Magiging jowa ko din si Ken kaya dapat pinoprotektahan ko sya hmp!
“HOY KENETH AKALA KO BA AKO LANG HA! SINO 'YANG BABAE NA 'YAN SINO 'YANNN!” dinuro duro ko 'yung babae.
Napakainosente naman nitong babae na 'to na parang walang alam sa nangyayare. Excuseee me nilandi nya lang naman ang soon to be boyfriend ko!
“Gaga ka talaga Ash nakakahiya!” hinihila ako ni Alys palayo pero hindi ako nagpatalo. Dito lang ako. Hanggat hindi nilulubayan ng babaeng 'yon si Ken!
“Pfft kuya hindi mo naman sinabing may girlfriend kana.” sabi nung babaeng kasama nya.
W-wait ano daw?
“K-kuya?” takang tanong ko.
“Hmm kapatid ko nga pala. Caryl this is Ashley girlfriend ko. Ash this is Caryl kapatid ko.” nakangiting sabi ni Ken.
S-shocks! OMG!!
“G-girlfriend?” turo ko sa sarili ko.
“Oo, 'di ba GIRLFRIEND kita?” pinakadiinan nya talaga 'yung salitang girlfriend.
Aaaaa huhu ang tanga mo talaga kahit kailan Ashley! Nakakahiya.
“Kuya lilibot muna ako ha. Maiwan ko muna kayo ni ate Ash dito para may privacy naman kayo yiee. Bye enjoy!”
Nakatulala kong tinitigan ang pag-alis ni Caryl na kapatid ni Ken. WHAT THE HELL ANONG KABALIWAN TO ASHLEYYY!
“S-sorry sa istorbo pagpasensyahan mo na 'tong kaibigan ko hehe.” narinig kong sinabi ni Alys sabay hila sa akin.
“Hoy! teka lang Ashley, panindigan mo 'yon. Girlfriend na kita kaya magdedate tayo halika kana at ipapakilala pa kita kila mama mamaya.”
Hindi ko alam kung anong naging ekspresyon ko. Basta ang alam ko lang kinikilig ako OMG!!
pic source: pinterest
YOU ARE READING
COLLECTION OF MY ONESHOT STORIES
Художественная прозаoneshot stories that still in my notes. lol. just wanna save 'em here 'cause i've already lost lots of my works huhu. i can't afford to lose another piece anymore so even the stories are cheesy i still wanna save them, memories are important. don't...