GUSTO KITANG ISAYAW NG MABAGAL

9 2 0
                                    

GUSTO KITANG ISAYAW NG MABAGAL
by micacraige

“Nak, ang ganda ng kanta 'di ba?” tanong ko kay Bea at umupo sa tabi niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Nak, ang ganda ng kanta 'di ba?” tanong ko kay Bea at umupo sa tabi niya.

Hay nako ito talagang anak ko kahit kailan hindi mo mapapaiwas sa laptop niya. Ayaw niyang bitawan kahit anong gawin ko, kahit pagalitan ko pa siya buong magdamag. Baka nga kung magkasunog eh mas unahin niya pang isagip 'yan kesa sa'kin. Mga bata nga naman ngayon.

Natawa ako sa sarili kong naisip.

Sinubukan kong agawin ang laptop niya pero ayaw niya talagang ibigay, minsan napapaisip nalang talaga ako e. Mas mahal niya ata 'yung laptop niya kesa sa'kin o baka may tinatago lang siya. Heh, ano ba 'tong iniisip ko.

“Nak, bitawan mo na muna 'yan. Sayaw muna tayo ang ganda ng music na nakaplay sa kapit bahay oh hahahaha,” sabi ko ng may paglalambing.

“Sige na nga. Buti nalang talaga malakas ka sa akin pa e. Kindat nga dyan! hahahaha,” sagot niya saka namin ginawa ng sabay iyong kindat. Nakakatawa pero may mga ganon kaming bagay na ginagawa, nakasanayan na e.

Inabot ko ang kamay niya saka ko sinabayan ang kanta na na tumutugtog.

“Gusto kitang isayaw ng mabagal
Hawak kamay...
Pikit mata...
Sumasabay sa musika
Gusto kitang isayaw ng mabagal
Gusto kitang isayaw ng mabagal.” Kanta ko na siya namang ikinatawa ng anak ko.

Susko po maryosep aba'y hindi siguro maganda ang pagkakakanta ko kaya tawa ng tawa ang batang 'to hahaha

Ipinatong niya ang isa nyang kamay sa balikat ko at ang isa naman ay kahawak ng kamay ko. Ganon din naman ako, hinawakan ko ang bewang niya at isinayaw ko siya ng mabagal at sabay sa musika.

Nag-iisang anak ko lang 'tong si Beatrice kaya mahal na mahal ko 'to. Hindi na baleng mawala sa akin ang lahat 'wag lang siya. 'Wag lang 'yung anak ko.

Aminado ako na minsan nagkukulang ako bilang tatay pero kahit kailan hindi ako magkukulang sa pagmamahal na ibibigay ko sa kanya. Hindi 'yon kayang tumbasan ng kahit na ano o ng kahit sino.

“Pa, mahal na mahal kita sana ingatan mo 'yang sarili mo. Saka tigil tigilan mo 'yang kakakain mo ng matamis papa! Gusto mo bang magkadiabetes ha?”

“Oo na po prinsesa. Hindi na ako kakain ng matamis lagi, minsan nalang.”

“Papa!”

Natawa ako sa naging reaksyon niya hahaha. Napalakas ata ang tawa ko kaya napalabas ng kwarto ang kapatid ko.

“Kuya?”

“Oh, Alice? Sumali ka sa sayawan namin ni Bea halika,” ani ko. Pero hindi man lang ito gumalaw sa kinatatayuan niya.

“Tara na Alice nag-aantay si Bea oh.”

“K-kuya anong sinasabi mo? Wala na si Bea. Limang buwan na ang nakalipas hindi ba?” nagtaka naman ako sa sinasabi niya. Paanong wala si Bea e ito nga siya kasayawan ko!

“Anong wala na si Bea, Alice? andito siya! Ayan oh—”

Humarap muli ako sa anak ko pero bakit wala na siya? Saan siya nagpunta? Nandito lang siya kanina e!

“Bea? Bea? BEA!?” paulit-ulit na tawag ko sa pangalan ng anak ko pero bakit hindi siya lumalabas!

“BEATRICE LUMABAS KA DIYAN HINDI AKO NAKIKIPAGLARO SA'YO NGAYON!” pero wala paring Bea na nagpapakita.

“Kuya tama na. Hindi mo ba natatandaan na nag-suicide si Bea?”

H-hindi— anong sinasabi mo! Anong nagsuicide?!

“Kasama ko lang siya dito kanina, Alice naman!” Sunod sunod na luha ang lumandas sa pisngi ko. Halos maglupasay na din ako dahil ayaw kong maniwala sa mga sinasabi ni Alice! Kasama ko lang siya dito kanina e sumasayaw pa kami. Ang saya saya pa namin!

“K-kuya tama na, tanggapin na natin na wala na si Bea.” niyakap ako ni Alice at pilit na pinatahan. Pati siya humahagulgul na.

P-pero gusto ko pang isayaw 'yung anak k-ko 18th birthday niya na bukas. A-ang sabi pa niya a-ako daw, ako d-daw 'yung sasayaw sa kanya. Beatrice.



pic source: pinterest

COLLECTION OF MY ONESHOT STORIESWhere stories live. Discover now