IKAW AT AKO PERO MERON DIN KAYO
by micacraigeYou have one message receive.
“Pwede ba akong manligaw?” basa ko nang mahina.
Fvck. Are you insane dude? Ako talaga?
“May kayo ni Mae 'di ba? Edi hindi tayo pwede.” pagsasabi ko ng totoo.
May girlfriend naman kase 'yon. Tsaka isa pa kaibigan ko 'yung gf non 'di naman pwede na patusin ko, bastos naman tignan non.
“Wala na kami. Sige na Jam pumayag kana?”
Sigurado ako trip lang 'to. Kilalang kilala ko 'tong lalaki na 'to e. Mahilig mantrip kaya dapat na mag-ingat sa kanya may posibilidad kase na pag nahulog ka e iwan ka niya sa ere. Psh mga lalaki talaga.
Hindi ko nalang siya nireplyan kase alam ko naman na biro lang 'yon o baka nga prank pakana ng mga kaibigan niya.
Malelate na ako at wala akong time na replyan 'yan e alam ko naman na landi lang 'yan. Sa hitsura nong lalaki na 'yon halata naman na hindi marunong sumeryoso 'yon. Minsan nga naawa ako sa gf niya na kapag pumapasok sa school, maga ang mata.
Wala pang 10 mins nakarating na ako sa school. Malapit lang naman kase isang kanto lang tapos charan 'yon na!
6 am to 12 pm ang pasok ko kaya 5:30 am palang nasa school na ako kahit malapit lang ang bahay namin don. Mahirap na malate masungit pa naman 'yung adviser namin. Parang nangangain ng tao. Laging maiinit ang ulo.
Pagpasok ko sa room nandon na din pala sila. Si Paul saka 'yung mga barkada niya na kaklase rin namin. Ilalapag ko 'yung bag ko tapos lalabas. Ako palang naman kase ang babae dito kaya ang awkward naman non.
“Jam! Wait lang.” Tumabi siya sa akin.
“Oh ano nanaman?”
“Pumayag kana kase. Sige na. Promise hindi ko gagayahin si—”
“'Wag mong mabanggit baggit 'yang pangalan na 'yan.”
“Oo na. Pero sige na please? Break na kami ni Mae promise tsaka seryoso ako sa'yo. Gusto kita matagal na.”
Wtf. May ganon palang ganap? Hahaha. May nagkakagusto din pala sa akin? wow.
“Oh ano payag kana?”
“Ewan depende.”
Simula non hindi na siya tumigil. Kinukulit niya ako araw araw sa chat o kahit sa klase. Naramdaman ko na parang wow kahit ganito pala ako ang special ko. Araw araw minuminuto ramdam ko na mahalaga ako. Sa bawat tingin niya alam ko na nag-aalala siya lalo na kapag may project kaming ginagawa tapos gabi na ako uuwi. Ang sarap sa feeling.
Kaya ayon lumambot din ako, pumayag ako na magpaligaw. Ilang weeks lang tinagal non. Gusto ko na agad kase na sabihing akin na siya.
Sobrang sya non. Ang saya ko kase siya 'yung 1st boyfriend ko. Feeling ko ang swerte swerte ko sa kanya. Kaso kabaligtaran pala lahat kase isang araw matapos ko siyang sagutin sinabi sa akin ng mga kaibigan ko na nagkabalikan daw sila ni Mae. At kung di pa nila sinabi hindi niya pa ipapaalam.
“Jam. Jam. Jam!”
“Ano?”
“Galit ka?” tanong niya.
Ay hindi ang saya ko nga e. Congrats nagkabalikan kayo ha.
“Hindi.”
“Galit ka e.”
Kung alam mo lang, pero kase— tangina wala akong karapatan Paul. Panakip butas lang ako e ano bang laban ko? Anong karapatan kong magalit na nagkabalikan kayo.
“Hindi nga! Bakit ba ang kulit mo!”
Nagsimula 'yung klase na puro biruan tungkol sa naging relasyon namin. Ako? Nakikitawa lang tapos parang walang nangyari na parang isa din ako sa natutuwa don. Wtf.
Dumating na 'yung uwian pero di parin napawi 'yung asaran na 'yon. Nakikiride parin ako kahit ang sakit na. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung paano ako iiyak o kung dapat ko bang iyakan 'yon.
Umuwi ako ng sobrang lungkot. Sa sobrang lungkot ko pagbukas ko ng pinto namin umiyak agad ako, ok lang naman humagulgul sa bahay. Wala namang tao. Ako lang.
Nasa sahig lang ako umiiyak habang yakap 'yung bag ko.
“H-hinihintay mo l-lang pala siyang b-bumalik bakit ginamit m-mo pa ako? Akala ko okay na e! Akala ko ako n-na kaso hindi pa pala tapos 'yung love s-story niyong d-dalawa.”
pic source: pinterest [rover.ebay.com]
YOU ARE READING
COLLECTION OF MY ONESHOT STORIES
General Fictiononeshot stories that still in my notes. lol. just wanna save 'em here 'cause i've already lost lots of my works huhu. i can't afford to lose another piece anymore so even the stories are cheesy i still wanna save them, memories are important. don't...