LAST WISH

7 1 0
                                    

LAST WISH
by micacraige

“Aya, kumain ka na muna rito, alam ko nagugutom kana

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Aya, kumain ka na muna rito, alam ko nagugutom kana.” tawag sa akin ni tita, mommy ni Zeus na best friend ko naman since naglalampin at nagchuchupun pa kami.

“Mamaya na po tita.” sagot ko. Hindi ko pa naman kase nararamdaman 'yung gutom kahit wala pa akong kinain.

Nginitian ko si tita at ganon din naman ang ginawa niya. Nilipat ko ang paningin ko kay Zeus na nakahiga ngayon at tulog na tulog.

Kailan ba kase balak gumising nito ang tagal tagal na namin dito sa hospital pero hanggang ngayon hindi parin siya gising. Ni wala nga siyang binigay na sign para iparating sa amin na lumalaban parin siya.

Hinawakan ko ang kamay niya, “Miss na miss na kita.” bulong ko sa kanya. Hindi ko mapigilan na umiyak kase naman e miss ko na talaga siya.

Nag hihintay parin kami na gigising siya kahit na ang sabi ng doctor ay ang mga aparatos na nakakabit sa katawan nalang niya ang tanging paraan para mabuhay siya. Umaasa parin kami na gigising sya't babalik ulit sa amin. At naniniwala ako na babalik siya. Babalikan niya ako. Babalikan niya kami nila tita.

7:45pm

“Tita, uwi na po ako. Hinahanap na din po kase ako sa amin wala pong tumutulong kay mama sa tindahan.” paalam ko habang nililigpit ang ilang kalat sa lamesa sa tabi ng kama ni Zeus.

“Ipapahatid na kita masyado ng malalim ang gabi para magbyahe ka pa mag-isa pauwi.”

“Hindi na po. Hindi na po. Ayos lang po ako. Kaya ko naman po saka tita papayag ba naman ako na saktan ng mga pangit na tambay na 'yon 'di ba? Dito nalang po kayo para may kasama si Zeus.”

“Oh sige basta mag-ingat ka ha.”

"Opo naman. Mag-iingat talaga ako. Gusto ko pag nagising si Zeus buo pa katawan ko no."

Natawa si Tita sa sinabi ko. Totoo naman e. Gusto ko talaga pag gising ni Zeus wala kahit ni isang galos sa katawan ko! Mag-aalala kase yun panigurado. Kilalang kilala ko na siya kaya ayaw ko nang magbigay pa ng ipag-aalala niya kapag nagising na siya.

"Sige po tita una na po ako."

8:30pm

Nakauwi na ako sa bahay. Hindi naman masyadong malayo 'yung hospital sa bahay namin kaya mabilis lang yung byahe plus walang traffic.

"Nak, nandiyan kana pala. Ano gutom ka ba? Anong gusto mo?" si mama. Mukang pagod na pagod sya. Hindi nanaman siguro tumulong sa kanya yung kapatid ko. Tsk, ang tamad talaga non.

COLLECTION OF MY ONESHOT STORIESWhere stories live. Discover now