Simula

7 1 1
                                    


Ang mainit na araw na halos sunugin ang balat ng isang babaeng gustong murahin ang araw. Ang pamilyar na amoy ng maruming usok, mga sasakyang bumubusina, pawis na tumatagaktak sa mga tao, at ang nga problema na dala-dala ng bawat isa.

Ito ang araw na babalik ang babae sa siyudad na hindi siya komportable. Mga kaganapan na hindi nito nais na maalala at ang lugar kung saan siya naiwan mag-isa.

Kagagaling palang nito sa pagsakay ng bus mula sa probinsiya ng Cebu. Naupupo siya ngayon sa terminal ng Cebu south bus terminal at nag aantay ng taxi upang makapunta na sa kanyang uupahang apartment.

Isang pakikipagsapalaran ang paghanap ng pwedeng masasakyan dahil sa ibang tao na nais makipag agawan dulot ng pagmamadali. Hindi nais ng babae na makipag-agawan kaya hinintay nalang nito na maunos ang ibang nagaantay.

Kumpara sa kanya ay hindi ito interesado na makipag-agawan dahil ayaw nitong makonsensya na siya ang nakakuha ng taxi kahil di naman nagmamadali. Marami sa ilan ang nais ng makita ang pamilya samantalang siya ay wala namang mauuwian.

Ulila at wala ng ibang mapuntahan kundi ang sarili lamang. Pakikipagsapalaran na ang mabuhay mag-isa kaya ayaw na nitong dagdagan pa ang gagawin niya.

Malapit ng mag alas dose ng tanghali at sa awa ng maykapal, nakasakay na siya sa isang taxi na kagagaling lang sa paghatid ng isang pamilya doon sa terminal.

Isang maleta at traveling bag ang bitbit niya. Mula sa bag, kumuha siya ng isang puto na gawa nito mula sa bukid na tinirhan niya pansamantala. Kasama ng puto ang isang konting butil ng asukal pandagdag sa lasa.

Alam niya na mas maganda itong kainin sa umaga kasama ng sikwati upang mainitan. Dalawa ang kinuha niya at ang isa'y inabot sa taxi driver. "Alam ko pong gutom din kayo. May marami pa po ako nito kung gusto niyo po na magbigay sa pamilya niyo pang merienda." Saad nito na may mabuting ngiti.

Nagulat ang taxi driver sa alok nito ngunit tinanggap din ang binigay niya. "Sa Lapu-Lapu City po ako manong driver. Sa Mactan po." Nagpasalamat muna ang driver bago nagsimulang magmanego papunta sa lokasyon na sinabi nito.

Kinuha muna ng babae ang iba pang natitirang puto at naisipan na ibigay iyon sa taxi driver kapag nakababa na siya sa sasakyan at upang hindi ito tumangi sa ibibigay niya.

Matapos siyang ihatid ng driver ay binigay nito ang puto at sobrang laki ng pasasalamat ng driver sa kanya. Hindi nito kakalimutan ang kabutihan na ginawa nito sa kanya. Iyon ang saad ng taxi driver bago ito umalis.

Tiningnan ng babae ang mukha ng apartment na titirhan niya. Isang gusali na gawa sa semento at kumpleto sa pintura ang nasa harapan. Aabot sa limang libo ang babayaran niya buwan-buwan upang makatira lang dito.

Pinuntahan muna nito ang landlady up ang kunin ang sushi ng titirhan niya at ang paunang bayad sa buwan ng Enero.

Kalahati lang ng isang normal na 7-eleven ang laki ng bawat apartment na magkadikit-dikit. Isa itong 2-story na apartment at apat na kwartong maaaring tirhan. Dalawa palang ang nakatira sa baba at siya palang ang nakatira sa taas.

Sulit na din sa bayad ang nasa loob ng apartment. Ang pintuan ay may simpleng estilo na bumagay sa disenyo ng apartment. Ang doorknob handle ay pariha a at hindi bilog. Pagkapasok mo sa loob ay sasalubong sayo ang is ang maliit na sala. May isang maliit na sofa ang nakapwesto sa gilid ng pintuan na nakaharap sa haligi ng kwarto.

May lalagyan ng TV sa haligi ng kwarto at sa gilid din nito ang pintuan pampasok ng kwarto. Mayron itong isang maliit na kama. Magkakasya siya doon sa kama dahil sa maliit na pigura ng katawan nito. Hindi niya inakala na may sariling banyo at inidoro ang loob ng kwarto.

UnspokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon