Chapter 4

51 1 0
                                    

Kanina pa nakatulala sa kawalan si Jacinta. Pinagmamasdan niya ang Red Camillia na nasa paso. Hanggang ngayon ay nabibighani pa rin siya sa ganda ng bulaklak, may rason kong bakit naging rare ito. Pagkagaling sa TICC kanina ay tuluyan ng sumama ang kaniyang pakiramdam. Nag alala si Menchu sa kaniya at nag offer na sasamahan siya ngayong gabi ngunit tumanggi siya dahil gusto niyang mapag isa. Hindi pa siya umuuwi sa bahay at nanatili pa sa flower shop. May mangilan ngilan pang empleyado at hardinero na nasa labas kahit medyo madilim na. Nagsisimula na ding lumamig ang paligid dulot ng simoy ng hangin. Tinatamad siyang umuwi. Sa mga pagkakataong ito naiisip niya na wala namang naghihintay sa kaniya sa bahay so bakit kailangan niyang umuwi. Sumandal siya sa upuan at tinitigan ang bintana. Hindi pa nagtatagal ang kaniyang mata sa pagtitig ng biglang mabasag ang ilalim na bahagi ng salaming bintana at mula doon ay pumasok ang dalawang uwak at ilang segundo lang ay nasa harapan niya na ang kaniyang mga magulang.

" Anak kamusta kana? Miss na miss kana namin. Her mother Juliana looks at her with wistful eyes that she almost believes na mayroon silang perpektong pamilya and that she has a loving and supportive parents. Napaismid siya bigla ng may maalala. " Anong ginagawa niya dito and I'm sure may kailangan kayo sakin kaya niyo ako pinuntahan. Ganon naman palagi naaalala niyo lang ako kapag may kailangan kayo." Iniiwasan niyang mapatingin sa maruruming mga paa ng kaniyang mga "bisita." " Iha makinig ka muna anak." Nagsusumamong pakiusap sa kaniya ni Ricardo. " Kailangan mong bumalik ng San Juan, kailangan mong tanggapin na ikaw ang susunod na reyna ng ating lahi." Horror fills her senses. Halos umakyat ang dugo niya sa ulo. " No! Never! Sinabi ko na sa inyo, ayokong maging aswang! Gusto kong maging normal lang na tao. Pwedi naman yon diba? Umalis na kayo sa lugar na yon. Kaya ko kayong bigyan ng magandang buhay dito sa Tagaytay." Umiling iling ang kaniyang mga magulang. " Hindi ganon kadali yon anak. Hindi natin maaring talikuran ang ating lahi. Mamamatay ang buong pamilya natin. Hindi mo naiintindihan ang posibleng mangyari!" Tumaas na ang boses ng kaniyang amang si Ricardo. " Kayo ang hindi nakakaintindi papa! Bakit niyo ba ako pinipilit sa isang bagay na hindi ko gusto? Sarili niyo lang ang iniisip niyo! At sino sila para magdikta ng kamatayan natin? Diyos ba sila? Lahat tayo ay dapat magkaroon ng kalayaang mamili. Kahit mga hayop papa nakakapili sila, bakit ako ay walang pagpipilian. Gusto ko lang naman maging tao, ayoko ng maging aswang, ayokong tanggapin ang pagiging aswang!" Histerikal niyang sagot sa mga magulang. Namula ang mata ni Juliana. Bumangon ang galit sa dibdib. Isang sampal ang pinadapo nito sa kabilang pisngi niya. " Sa ayaw at sa gusto mo, ikaw ang magiging reyna ng mga aswang! Uuwi ka ng San Juan!" Yon lamang at naging uwak ulit ang mga ito at lumabas sa bintana. Naiwan siyang umiiyak at naghihinagpis. Kailangan niyang lumabas at lumanghap ng sariwang hangin dahil pakiramdam niya ay masusuffocate siya. Madilim na sa labas ngunit tuloy tuloy lang ang patakbo niya ng sasakyan. Tiyak ang direksyong pupuntahan, sa wind residences kong saan nakatira ang pamilya ni Menchu.

Nang mapagbuksan ni Menchu ng pinto si Jacinta ay alam niya ng may problema ito. Una hindi naman ito lumalabas ng gabi pwera nalang kong sobrang importante. Hindi niya nga ito mayaya na gumimik kapag gabi eh. Pangalawa, hindi napapansin ni Jacinta na magulo ang buhok nito. Hindi niya pa nakikita na nakabagsak ang ilang hibla ng buhok nito sa mukha. Confirmed nga may problema ang kaniyang kaibigan. Pinatuloy niya ito at tahimik na naupo sa sofa si Jacinta. Hindi ito nagsalita. Hindi rin nito napansin kong gaano kagulo ang kanilang sala. Iginiya niya ito sa likurang bahagi ng condo kong saan naroroon ang swimming pool. Mahirap na baka bigla nitong mapansin ang mga kalat ay madagdagan pa ang sama ng loob ng babae.

" Salamat Menchu ha
. .Pwedi mo ba akong iwanan muna?" Pakiusap niya dito. Tumango naman ito ng nakangiti at nagbilin na tawagin siya kong kailangan nito ng kasama. Isa sa mga gusto niyang qualities ng kaibigan ay hindi siya nito pinipilit magsalita. Naghihintay ito na kusa siyang mag open kong ano man ang gusto niyang sabihin. Umupo siya sa gilid ng pool at pinagmasdan ang sarili sa berdeng tubig. Hindi niya nagustuhan ang nakita. Kinuha niya ang salamin sa shoulder bag na himalang nadala niya pa sa kabila ng sitwasyon. Inayos niya ng makailang ulit ang buhok at mukha bago ngumiti ng pilit sa salamin. " Hayan mukhang si Jacinta kana ulit." Ibabalik niya na ang salamin ng mapansin niya ang isang bote ng pabango na walang laman. Kinuha niya ito. Ubos na pala ang ginawa niyang pabango. Kahit walang background sa chemistry ay sinusubukan niya ding gumawa ng pabango gamit ang iba't ibang bulaklak but she doesn't have the confidence to sell those in markets although Menchu likes them so much. Bebenta daw iyon, maybe in the future maisipan niya kapag perfect na. Kinuha niya ang maliit na bote at isang idea ang pumasok sa isipan. Ang alam niya ginagawa ito nong unang panahon bilang distress signal or to study ocean waves at yong iba for reasons of love. Sakto naman in distress talaga siya ngayon at pwedi na rin sigurong para sa love. Pagkatapos niyang gawin ang binabalak ay natawa siya sa sobrang corny nito at nagbago ang kaniyang isip. Hindi niya na iiwanan sa pool ang bote. Medyo gumaan na ang kaniyang pakiramdam at nawala ang alalahanin sa pagbisita ng kaniyang mga magulang.Saglit pang pinagmasdan Niya ang mga bituin at buwan na nagrereflect sa pool bago siya nag pasyang tumayo at bumalik kay Menchu, sa kaniyang pagtayo hindi niya namalayan na nalaglag ang bote na isinilid niya sa bulsa.

Malapit ng maghatinggabi ng maisipan ni Alexander na pumunta sa pool. Kakatapos lang niya magreview ng presentation and when he made sure na perfect ang lahat he closed his computer and decided to take a walk outside, balak niya ring mag swimming kapag hindi occupied ang pool at wala ngang tao dito. He chooses the nicest spot at umupo. Nilagay niya ang paa sa tubig ng may masipa itong isang bote na maliit. Nagtaka siya at pinulot ang bote. Tila lagayan ito ng isang pabango. Binuksan niya and a very sweet smell fills the air around him. Parang ngayon lang siya naka amoy ng ganito ka bango. Sa loob ng bote ay may isa pang nakatawag ng kaniyang pansin. May nakatuping maliit na card na may desenyong kulay purple na bulaklak. Naintriga siya kaya binuksan niya ang card at binasa ang nakasulat. Napangiti siya pagtapos ay naging sunod sunod na halakhak. Ngayon lang yata siya sumaya sa loob ng mahabang panahon. Kong sino man ang nagsulat niyon ay kakaibang babae. Infact ngayon lang siya nakabasa ng ganoong sulat. Muli niyang binasa ang nilalaman nito.

To my Mr. Right and MR.CLEAN

What keeping thou so long to come? I'd been waiting for eternity, waiting in sadness, waiting in pain, waiting with my monotonous life. Nothing gives me thrill, nothing makes my heart palpitate. Everything is gray, everything is boring. Will you add colors to my box of crayon? Or
are thee on other side of the world doing all things your heart desires? If so just want to let you know that i am here on other side waiting for you
I plead thou to come here at once and shield me with your strong parapet cause the world is mad at me, not only mad but furious
Until then I will wait earnestly
Until then my heart will solemnly pledge that it will only be yours
If possible please come at once!

PS. Praying that you will come with clean face, hands, feet and shirt.

Lovingly yours, Jacinta

Napangiti ulit siya sa binabasa. Walang sukat ang tula, sonnet o sulat ba itong matatawag. Ngunit tumagos sa kaniyang puso at isa pa bakit naka higlight ang Mr. Clean nito? Naalala niya tuloy ang isang commercial sa tv noon at ang pahabol nito na pag pupuntahan siya ay kailangang malinis. Weird diba?" Hmmm. . Jacinta." Bulong ng kaniyang isip. Posible nga bang may taong naghihintay sa kaniya? At totoo nga kayang naroon pa ito sa ibang bahagi ng mundo? For some reasons itinago niya ang bote at ang card sa loob nito.

Hi ulit😁😁😁 Sorry sa korning sulat, tula o sonnet hehehe. . Frustrated poet din kasi ako heheeh ,daming frustrations sa life. Ganon talaga, just keep on fighting. The world will not pick you up if you fall, you have to pick yourself up😊😊😊 ano daw? Bahala na kayo mag interpret.😁😁 Please vote or leave a friendly comment ok lang kahit hindi friendly, you are entitled to your opinions. God speed!

Lovingly yours, JacintaWhere stories live. Discover now