Naisip ni Jacinta na itakas na ang mga bihag ngayong gabi. The sooner the better ika nga. Nanganganib ang buhay ng mga ito habang tumatagal sa isla San Juan. Alam niya na mayroong pagpupulong na ginaganap sa ngayon at halos alam niya na kong tungkol saan ito lalo na at naririto na siya. She also thinks that the mist is thinning, the protection is getting weaker ngunit saka niya na poproblemahin ang mga bagay na iyon. Ang mahalaga ay maitakas niya ang dalawang lalaki saka na sila aalis ni Menchu.
Isang plano ang kaniyang nabuo habang nasa pagpupulong ang konseho. Madali niyang nahanap ang nais dahil nagkalat lamang ang mga ganoong bulaklak sa paligid nila. Valerian, Chamomile and Lavender plus ang kaniyang espesyal na ingredient, ang tubig na natutulog kong saan kaya nitong pagalingin ang lahat ng uri ng sugat ngunit kong ihahalo sa mga bulaklak na kaniyang nabanggit ay voila! Isang matapang na pampatulog ang malilikha. Nakuha niya ang natutulog na tubig noong bata pa siya dito mismo sa isla ng San Juan. Hindi pa sumisikat ang araw noon pero nakikita na ang liwanag sa paligid ng mapagdesisyunan niyang pumunta sa ilog at laking gulat niya sa nakita! Hindi gumagalaw ang kanilang ilog! Puting puti ito na parang mantikang natutulog sa taglamig. For some reasons ay hindi niya ipinikit ang mga mata at dali daling kumuha ng mapaglalagyan. Naikwento niya ito sa kaniyang tiyahin noon, ang kasalukuyang reyna. Ang sabi nito ang mga nakakakita daw ng natutulog na tubig ay nakatadhanang maging manggagamot at tama ang kaniyang ginawa na hindi niya ipinikit ang mga mata dahil sa muling pagdilat mo ay gigising na ang tubig at muli itong aagos. Mula noon ay itinago niyang mabuti ang nakuhang tubig upang magamit sa mabuti lamang at sa mga sitwasyong kagaya ngayon. Naihanda niya na din ang medicine kit, 2 cup noodles na luto na at 4 na fudgee bar na hiningi niya kay Menchu. Yon lang ang pinakamadaling ihanda para sa mga nakakulong na lalaki.Apat ang bantay ng mga lalaki sa labas kaya apat ding tea ang kaniyang hinanda para sa mga ito kong saan niya balak ihalo ang pampatulog. Inilagay niya ang tsaa sa apat na puting tasa at ang dalawang asul na tasa ay tubig ang laman para sa dalawang lalaki. Mas kailangan ng mga ito ng tubig upang huwag na dehydrate. Kailangang mabilis ang kanilang kilos. Gagamutin muna nila ang mga ito at papakainin upang magkaroon ng panibagong lakas pagkatapos ay papatakasin na nila. Ilalagay niya na sana ang pampatulog ng biglang may kumatok.
" Jacinta ,maari ka ba naming makausap ng iyong papa? Sandali lamang." Nataranta si Jacinta, hindi pweding makapasok ang kaniyang ina sa kwarto. Malalaman nito ang kaniyang balak.
" Sandali lang ho mama, lalabas na ako." Dali dali niyang kinatok si Menchu na naliligo sa sariling cr ng kwarto niya.
" Menchu bilisan mo diyan! Kakausapin ko lang saglit ang mama at ang papa, pag balik ko lalabas na tayo. Ipatak mo itong lahat ng laman Ng maliit na bote sa apat na puting tasa, Yong nandito sa mesa. Naririnig mo ba ako?"
Sumagot ang nasa loob ng cr." Okay your highness! Copy!". Yon lang at dali dali siyang lumabas ng kwarto. Ilang saglit ay lumabas na din ng cr si Menchu. Nakita niya ang maliit na bote. " "Ano daw? Lagyan ko ang lahat ng tasa na nasa puting mesa? Ok, yon lang pala eh. . " At pinatakan nito ng pampatulog ang lahat ng anim na tasang naroroon. Pagkatapos ay masayang nagbibis. Naisip niyang kailangan magpaganda dahil haharap sa mga guwapo. Saktong makatapos siya ng bihis ay dumating si Jacinta.
" Halika na Menchu! Bilisan mo!" Dalhin na natin to." Malapit lang naman ang bahay na nagsisilbing kulungan nina Alexander. Wala pang 2 minutes ay narating na ito nina Jacinta. Nakita nila ang dalawang bantay sa labas at siguradong nasa loob ang dalawa pa. Madali itong nalapitan ni Jacinta at napainom ng tsaa. Walang kahirap hirap, ang akala ng mga ito ay nagmamalasakit lang sa kanila ang susunod na reyna. Ilang saglit lang ay mahimbing na ang tulog ng apat na guwardiya. Malayang nakapasok si Jacinta at Menchu.
Akala ni Alexander ay may pumasok na mga anghel sa kwartong iyon. Kanina pa siya pabalik balik habang nag aalala sa sugat ni Carlos, gutom na gutom na rin sila dahil kaninang tanghali pa ang kanilang huling kain sa Manila at ngayon ay alas dyes na ng gabi ayon sa kaniyang basag basag na relo. Wow, parang fiesta na ito pare." Natutuwang sabi ni Carlos habang tinitingnan ang medyo malamig ng cup noodles at apat na pirasong fudgee bar. Napabungisngis si Menchu na siniko naman ng namumulang si Jacinta. Sa isip nito ay may ka partner na ang kaniyang best friend. Yong positive pa din kahit malapit ng mamatay. Halos makalimutan niya ang plano dahil sa mga titig ni Alexander.
YOU ARE READING
Lovingly yours, Jacinta
RomanceWaking up in an unknown island could be his fearsome nightmare or his beautiful fantasy. In a world full of competition, may puwang ba ang pag-ibig? Is that one message in a bottle enough to find love? At paano kong nakita mo nga ang pag ibig na h...