Chapter 10

33 3 0
                                    

" Ay pwedi kang mag audition sa " The Voice" sigurado magugustuhan ka ni Sarah G, ang taas ng boses mo eh."

Hindi na napigilang bumungisngis ni Menchu samantalang si Jacinta ay pigil na pigil ang pagtawa. Nakakatawa at nakakaawa ang kanilang eksenang nadatnan. Nagtitili si Carlos sa soBrang takot samantalang si Alexander naman ay ipinikit nalang ang mga mata.

Relief surges through Alexander's veins ng sa kaniyang pagdilat ay hindi halimaw ang bumulaga sa kaniya kundi ang magandang mukha na nasilayan niya kagabi. Ang buong akala nila ay halimaw ang paparating.

" Hay, patay na ba ako at mga magandang anghel ang aking nakikita?" Banat ni Carlos. Kani kanila lang ay tumitili ito ngunit ngayon ay nambobola na. Lalong napahagikhik si Menchu sa sanabi ng lalaki.

" Paano natin sila makakalagan? Medyo mataas ang kanilang pagkakatali. Umakyat ka kaya sa sanga Menchu." Suhestiyon niya sa kaibigan. As usual napatanga na naman ito sa minumungkahi niya. " Hala pano pag nahulog ako? Eh sayang naman ang lahi ko kong magkakalasog lasog lang." Reklamo nito. " Huwag kang mag-alala binibini, sasaluhin kita at hindi ko hahayaang masayang ang lahi natin." Paninigurado sa kaniya ni Carlos. Kitang kita ni Jacinta na namilipit si Menchu sa kilig, kung kanina ay nagrereklamo ito ngayon naman ay game na game na itong kalagin ang mga tali sa sanga. "Wait leng ah. . Hehanap leng ako ng matulis na kehoy or bato pera maputol ko yang tali niyo." Pa tweetums nitong sabi sabay kindat kay Carlos. " Naku ansheerep mong tusukin ng shenga best." Nanggigigil na pag gaya sa kaniya ni Jacinta.

Hindi na nakatiis si Alexander, kanina pa siya may nararamdaman. Kaninang kanina pa at nadagdagan pa ito dahil sa sobrang pagka tense na kaniyang naranasan. Hindi niya na matiis, sa tingin niya ay medyo matagal pa bago sila makalagan.

"Excuse me lang, naiihi na talaga kasi ako eh. Di ko na mapigilan." Napatingin ang lahat kay Alexander. Ang nang aasar na si Menchu, ang namumulang si Jacinta at ang nakangising si Carlos.

" Nice one pre,  I know what you're thinking." Nakakalokong sabi sa kaniya ni Carlos. Si Jacinta naman ay parang walang narinig ngunit nagimbal siya at hindi makapaniwala sa sumunod na sinabi ni Menchu.

"Your highness I think he needs your help first kasi wala pa akong makitang pamputol ng tali dito." Habang kunwari itong naghahanap sa di kalayuan. Patay malisya ang tono ngunit sa mga mata nito ang nakikita ni Jacinta ay pang aasar.

"No!- What!??" Sabay nilang bigkas ni Alexander. " Your higness tulungan mo siyang mabuksan ang zipper ng pantalon niya. Sige ka, gusto mo bang magkasit sa bato yan? Matagal ko pa silang makakalagan dahil puro bilog ang bato dito at wala man lang kahit matulis na kahoy. Go na your highness, emergency situation na po yan."

Namula ang mukha ni Jacinta. Kung nakakamatay lang ang titig ay kanina pa bumulagta si Menchu samantalang si Alexander ay hindi malaman ang gagawin, ihing ihi na kasi talaga siya but he doesn't mean it that way, ang gusto niya sanang mangyari ay bilisan ng mga ito ang pagkalag sa kanila. Pilyong tingin ang ipinupukol sa kaniya ni Carlos akala siguro nito ay sinasadya niya ngunit nagulat siya ng pumayag ang babae.

" Ok! I'll do it, I'll help you." Si Alexander naman ngayon ang namumula. Siguro ang ibang lalaki ay matutuwa pa pag ganito ang sitwasyon but not him.  Kahit hindi niya kilala  ang babae sa kaniyang harapan ay alam niyang napipilitan lang ito patunay ang pulang pulang mukha. Lumapit na ito sa kaniya ng nakatalikod at nakapikit pa. Kung ibang sitwasyon ay matatawa siya dahil wala pa man ay nakapikit na ito. Una itong napahawak sa tuhod niya. Ingat na ingat ang kamay. Kong bakit kasi tumalikod ito at pumikit kaagad. Ngayon tuloy ay kailangan nitong kapaan siya.  Nagbuntong hininga muna ito bago sunod na humawak sa kaniyang tiyan. Siguro ay tinatantiya nito kong nasaan ang kaniyang zipper. May ligaw na damdamin siyang naramdaman sa saglit na haplos nito ngunit binalewala niya. Ayaw niya ng madagdagan ang kahihiyan.

Nanginginig ang mga kamay ni Jacinta ng mahawakan ang zipper. Nanlalamig ang kaniyang katawan. Nagsisisi siya na pumayag sa suhestiyon ni Menchu. Naririnig niya ang kakaibang pag ubo ni Carlos at ng paghagikhik ni Menchu na akala mo ay kilig na kilig. May araw din ito sa kanya. Sa wakas nabuksan niya ang zipper at nakahinga siya ng maluwag. Agad siyang tumalikod at naglakad palayo. Alangan namang panoorin niya pang umihi ang lalaki.

" Whoooah! Buti nalang nakita ko na ito!" Isang kaputol na bakal ang hawak ni Menchu. " Your highness ang agressive mo ahhh. . Di ko alam na kahit nakapikit kaya mong magbukas ng-"  Kung hindi ito nakailag ay tinamaan sigurado ito ng malaking bato na inihagis niya. Tatawa tawa itong pumunta sa likod ng puno at nagsimula ng umakyat samantalang siya ay hindi pa rin makalingon. Baka magkamali ang kaniyang mata at makita ang nahawakan este muntik niya ng mahawakan kanina. Alam niyang hindi pa ito nakakalagan kaya wala pang magsasara ng zipper nito. Lalo siyang namula sa iniisip.

Pagkalipas ng mahabang sandali ay nakalagan na ang mga ito ni Menchu. Hindi pa din siya makatingin ng maayos sa lalaki at ganon din ito sa kaniya ngunit kailangan niyang mag focus sa sitwasyon. Hindi nila ito maaaring samahan sa hangganan sa ngayon, masyadong delikado.

" Pupunta tayo pansamantala sa dating kweba na nasa hilaga nitong gubat. Doon kayo mananatili at hahanap ako ng pagkakataon upang maihatid kayo sa hangganan sa lalong madaling panahon. Tandaan niyo na hindi kayo makakalabas kong hindi ako kasama, doon sa kweba ay magiging ligtas kayo pansamantala dahil hindi nagagawi ang grupo ni Rigor doon." Mahaba niyang paliwanag sa dalawang lalaki. Tumango naman ang mga ito sa kaniya. Ibinigay niya dito ang mga gamit na narecovered nila ni Menchu kanina ng dumaan sila sa bumagsak na eroplano.  Nakita niya ang wallet ni Alexander at laptop nito na ewan kong gagana pa. Hindi siya nagpakita kay Menchu ng tingnan niya ang loob ng wallet. Nakita niyang may ilang cash Ito na lilibuhin siguro ay nasa 20 k at ang napakaraming wallet cards. Sa isang i.d nabasa niya ang buong pangalan ng lalaki. Alexander James De Villa Jr.,  Sa ibaba ng pangalan ay nakasulat ang salitang CEO and Owner of De Villa Group of Companies kaya nalaman niyang hindi ito basta bastang lalaki. Nakita niya rin doon ang picture ng isang babaeng sa tingin niya ay kolehiyala palang. Girlfriend kaya ito Ng lalaki? Parang masyadong bata. Paalis na Sana sila ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay dumating si Rigor.

" Anong ibig sabihin nito Jacinta? Bakit niyo pinapakawalan ang mga bihag?" Nakakasindak ang tinig ni Rigor, maging si Jacinta ay napakurap. Mabilis siyang nag isip ng dahilan. Naalala niya ang Isa sa kanilang paboritong k-dramas ni Menchu, ang Crash Landing On You. Ano nga ba ang ginawa doon ni Captain Ri para malusutan ang sitwasyon?  Ah alam niya na, no choice na ito, bahala na si batman, superman at ang lahat ng lumilipad.

" Dapat lamang na pakawalan ko ang asawa ko na hinuli mo ng walang pahintulot!"

Hhhhhuuuwwaatttt!!?????? Napatda ang lahat ng naroroon. Maging si Alexander ay napako sa kaniyang kinatatayuan, nanlaki ang mata ni Carlos samantalang si Menchu ay kulang nalang mapasukan ng sampung langaw ang bibig at hindi makapaniwala ang mukha ni Rigor.

Super thanks sa lahat ng bumasa. I love you all!

Lovingly yours, JacintaWhere stories live. Discover now