•• MIYA'S POV. ••
Hindi ko alam bat umakto ng ganoon si Keanne. Hinigit banaman ako pabalik sa sofa, at parang nakiki pagtalastasan si Keanne sa kanyang kapatid na si Kaizzer at Karl gamit ang mata.
"STAY HERE."
Tanging huling salita niya. Hindi niya padin ako binibitawan bagkos ay hawak-hawak niya padin ang kamay ko habang nasa harap ng mga kapatid niya.
Napansin kong nakatingin si Keith sa kamay ni Keanne na nakahawak sa'akin.
Hindi ko din alam kung bakit binawi ni Karl ang pinapabili niya." Alis nako." mariing tugon sakanilang apat, pwinersa ko ang paghila sa kamay ko kaya naman nabitawan niya ko.
Nakita kong pangisi-ngisi si Kaizzer kaya naman lumapit ako sakanya at tinaasan ito ng kilay. Tinignan ko ito ng seryoso at naging seryoso naman ang itsura nito ng makita akong naka tayo sa tapat niya.
Alam kong pinagti-tripan moko kaya humanda ka saken. Ibinaba ko ang muka ko at inilapit sakanya kung baga ay ipinantay ko ang muka ko sakanya at nagulat naman siya.
"Hintayin moko." nakangising tugon ko sakanya, ngumisi naman ito at tumango sa'akin.
Tinignan kopa ang Tatlo niyang Kapatid bago tuluyang lumakad palabas.
Nakakainis yang ngisi mo Kaizzer kung tutuusin Hindi lang siya Lahat silang mismong magka-kapatid nakakainis mga pala desisyon sa buhay.Itong si Keanne basta-basta nang hi-higit kala mo ina'ano magugulat kanalang hila-hila kana.
Tapos ayang si Keith ngisi ng ngisi akala mo na praning o nakawala sa mental.
Tapos yang Kaizzer pag nasa mood nakukuha mang trip pag naman tinopak daig pa dragon.
Tapos eto namang bunso na si Karl, kung ano makita na gagawin ng kuya niya gagayahin niya o minsan gagatungan pa.
Nakaka stress tong apat na to!
Minadali ko ang pag lalakad kahit umuulan, nang makalabas ako ng subdivision ay humanap agad ako ng convenience store na 24/7 ang oras.
Sakto naman na may 7/11 sa kabilang tawidan sa tapat ng subdivision kaya agad akong pumunta roon.
Nang makarating ako doon ay Agad kong hinanap ang cookies and cream na ice cream. Basang basa na din ang panjama at bandang likod ng jacket ko.
Muka akong praning dito na nilalamig na nga pero may hawak padin na ice cream.
Baka isipin ng counter tanga o engot ako, nilalamig nako pero bibili padin ng ice cream sa gantong oras.humanap din ako ng junk food na malaki at kumuha ng tatlong peraso para sa pinapasabay ni Karl.
Matapos kong bilhin iyon ay agad akong lumabas ng isasarado kona sana yung pinto ng 7/11 ay bigla itong tinulak ng babaeng nasa loob.
Problema ng isang to?
Tumaas ang kilay ko at ganon din siya, wala akong balak pumatol sa hamog lalo na't malamig ngayon kaya minadali kona agad umuwi.
Nang makadating ako sa tapat ng subdivision ay agad akong pumasok sa loob.
Kilala naman nako ng mga guard dito dahil kay Mrs. Velasquez, palakas padin ng palakas ang ulan kaya naman mas lalo kong minadali.Ilang minuto lang ay nakarating nako sa tapat ng gate nila Mrs. Velasquez.
Pindot ako ng pindot sa ng doorbell ng gate pero walang nag bubukas.Nilalamig na talaga ako at napipikon na din sa apat na mag kakapatid,
siguro ay pakana nanaman nila to.Halos madurog na ang doorbell sa kakapindot ko.
Mahigit siguro sampong minuto din ako naghintay bago tuluyang mabuksan ang gate at basang basa nadin ako.

BINABASA MO ANG
1year Contract With 4 Velasquez Boy's
RandomKapag nag mahal tayo ng totoo at nagbago tayo para sa taong iyon. Wala tayong pake sa itsura, ugali, nakaraan, posisyon o stado man ng buhay at higit sa lahat wala tayong pake sa sasabihin ng iba, ngunit sapat ngaba ang pagmamahal para ipaglaban an...