CHAPTER 16

85 5 2
                                    

MIYA'S POV.

8:00 nang nagising ako, halos mahiya-ako dahil sa gising ko 8:00 na at tanghali nato para samin na mga taga probinsya.

Tumayo agad ako para iunat ang katawan ko. Muli akong umupo ng biglang maalala ang nangyare kagabi..

Shemay yung labi kooo, siguro nagagalit nasakin nanay ko ngayon dyaan sa langit dahil sa katangahan ko..

Anong muka ang ihaharap ko sakanya? Hindi ako makapaniwala sa nangyare kagabi.

Malamang sa malamang awkward to malala. Hindi ko alam kung pano iiwas sakanya, pero hanggat maaring iiwas ako.

Ayoko nang maulit lahat nang nangyare na may kinalaman sakanya. Nauumay nakong magagalit pati sarili ko hindi kona nakikilala.

Bat kasi pinalaki mopakong mabait masyado nay! Hyss..

Parang tuloy ayoko ng lumabas, Nahihiya ako na natatakot ewan koba.

Pano kaya kung dito nalang muna ako tutal sabi naman magpahinga ako diba pero..

Hayss bahala na ngaa...

Nang iligpit ko ang gamit ko ay may napansin akong kung anong nakalapag sa table ko na nasa gilid lang din ng higaan ko..

" Take your medicine miya, Take a rest and you should Take care of yourself. Don't stress yourself im sorry again For What happened yesterday. Relax and Dont Mind us, and specially my Sons. I already talked to Kaizzer so nothing to Worries. "

    •From: Mommy!

Napakunot ako nang mabasa ang word, na mommy hindi ko alam kung bakit, pero alam kong si Mrs. Veslasquez ito at alam ko din na ang turing niya sa'akin ay bilang isang anak.

Laking pasalamat ko talaga sakanya, kahit maaga pasok niya nagawa niya padin akong alalahanin.

Napaka bait talaga ng mommy nila at napakalaki ng utang na loob ko sakanya, sobra-sobra ang nagawa at naitulong niya.

Nang matapos kong iligpit ang gamit ko ay naupo pako ng ilang minuto.

Muli kong naalala na 8:45 na pala at alam kong wala na sila dito dahil alam ko din na papasok sila.

Huminga ako ng malalim saka sumilip sa pintuan. Tahimik naman at wala akong naririnig na ingay o ano man.

Dali-Dali akong lumabas dahil kailangan kong uminom ng gamot kahit na masakit ang paa ko pinilit kong idiretsyo ang lakad.

Nang makadating ako sa Kusina ay agad akong uminom ng gamot at kumuha ng tubig. Medyo nagugutom nadin ako kaya naman gusto kong hanapin muna si Ate michelle at magpapaalam sakanya na lalabas muna.

Nang saktong paglabas ko ng kusina ay nagulat ako ng biglang makita silang lahat..

Punyeta?? Andito silang lahat?!
A--anong ginagawa nila dito may pasok sila ha.

Nakakainis naman, akala ko mawawalan ako ng problema ngayong araw mukang mas lala yung problema ko lalo'nat sama-sama at kompleto sila.

Lumakad ako paliko sa gawi nila pero ganon nalang ang gulat ko ng biglang humarang si Keanne sa harap ko habang nakangiti sa'akin.

" Goodmorning my sunshine." nakangiting tugon niya.

Ano? Tama ba narinig ko sunshine??
Hindi ako natutuwa Keanne wag ngayon wag niyoko pagtripan, hindi ko kayo kakayanin masyado kayong madami.

" Goodmorning Miya halikana dito." sakto naman na paglingon ko ay hawak-hawak na ni Karl  ang kamay ganon siya kabilis kumilos.

Nang tignan ko silang lahat ay Lahat din sila nakatingin sa'akin. Naiilang ako hindi ko alam gagawin ko parang naninigas ang katawan ko sa presensya nilang anim.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

1year Contract With 4 Velasquez Boy'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon