CHAPTER 12

19 3 0
                                    

•• MIYAS POV. •••

Nagkukumpolan na ang mga studyante dito. Hindi ko alam na aabot ako sa ganto. Nakakahiya ka talaga miya kahit kelan pero naubos na talaga pasensya ko at hindi kona kinaya.

Tapos na sampal pako, Hindi ko alam kung ano yung sinasabi nung Stephanie pero mukang na misinterpret niya ang sinasabi ni Karl. Hindi ko din alam kung anong pakay ni Karl at sinabing may gusto ako sakanya kahit wala.

" Miyaa." nang pakinggan ko iyon ay nakita kong si Felix. Nang maparing ang paningin ko ay nakita ko si Keith na nakatingin sa girlfriend niyang si scarlet.

Saktong pagharap ko sa lalaki ay ganon nalang ang gulat ko ng makita at maramdaman ang presensya ni keanne.
Mas lalong ikinagulat ko ng biglang suntukin ni Keanne ang lalaking humawak sa'akin.

" Fuck you." Mariin pang tugon niya.

Hindi ko inaasahan na gagawin niya yon habang nakapamulsa ang isang kamay. Napakalamig ng presensya niya at talagang napahanga ako sa bilis at lakas niya.

Nang matapos niya gawin iyon ay tinignan niya ako ng napakalamig na tingin. Naramdaman konalamang ang kamay niya sa kamay ko at tuluyan akong inakay palayo rito.

" Tabi." mahina ngunit maawtoridad na tugon niya. Laking gulat ko ng biglang lumuwag at lumaki ang espasyo na para sa daraanan namin.

" KEANNE ANO SA TINGIN MO GINAGAWA MO!?." sigaw sakanya nung Kesha sabay harang sa tapat namin ni Keanne.

" Move." saad niya, napakatalim ng tingin sa'akin nung kesha pero sa huli wala siyang nagawa kundi ang umalis sa harap namin.

Tuluyan nanga kaming nakaalis sa cafeteria. Hindi ako makalakad ng maayos kaya nahihirapan ako dahil sa bilis niyang lumakad. Hanggang sa mapansin konalamang ang kamay ni Keanne na nakahawak parin sa'aking kamay.

Alam kong pinagtitinginan kami ng mga makakasalubong namin, pero wala akong pake pakiramdam ko okay nako kahit hindi.

Hanggang sa makarating kami sa garden ng school kung saan ay pinaupo niya ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o magiging reaksyon ko matapos niyang gawin iyon.

Nabigla ako ng bigla niyang hawakan ang paa ko at hinilot ito. Kahit masakit ay hindi ko magawang magsalita sa. Hanggang sa muli niyang sinuot ang sapatos ko sa paa ko. Hindi ko magawang mag salita kahit gusto ko mag pasalamat pero hindi ko talaga magawa.

Hindi miya, hindi pwde yang iniisip mo amo mo siya, amo mo sila. Muli akong tumayo at tumalikod sa gawi niya.

" T-thank----."
Hindi kopa natatapos ang sinasabi ko ng bigla niyakong higitin, hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako. Parang kusang kumawala ang luha ko ng bigla niya akong yakapin. Nakaramdam ako ng magaan at parang humuhupa yung sakit na nararamdaman ko.

" I'm sorry." mahina at bulong niya.

Naramdaman ko ang higpit ng yakap niya. Kasabay non ang Tuloy-tuloy na pagbagsak ng luha na galing sa mata ko.

Hindi ko alam kung bakit pero parang biglang bumuti ang pakiramdam ko. Wala akong magawa kundi damhin ang yakap ni Keanne.

Yung pakiramdam ko Gumaan talaga yung kahit pa-paano nabawasan yung hinanakit yung kahit pa-paano nawala yung sakit at galit na nararamdaman ko.

Hindi ko alam pero sa pag yakap niya sa'akin ramdam ko ang lungkot niya. Yung yakap na parang pinapahiwatig ang paghingi ng tawad.

" Miya.." pagbangit niya ng pangalan ko gamit ang malambing na boses.

1year Contract With 4 Velasquez Boy'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon