CHAPTER 10

19 2 0
                                    

Masyadong maraming nagbubulungan.
Yung iba hindi na bulungan sadyang bulgar na talaga kung magsalita. Hindi ko din alam kung bat ganon tingin nila sa'amin ni Felix.

" Miya ayos kalang?." Biglang tanong ni Felix na humahabol salakad ko.

Isa pa to bat kasi sunod ng sunod ang isang to. Ayan tuloy pinaguusapan na kami ng mga kapwa namin studyante.

" Oo salamat." nakangiting tugon ko sakanya.

Nang makarating kami sa loob ng classroom ay nagulat ang mga kaklase namin at nagbulungan kasabay non ang mga mapanuksong paningin.

Nang makitang sabay kaming dalawa ni Felix na pumasok sa loob. Hindi kona iyon pinansin bagkos ay agad akong lumakad papunta sa upuan ko.

Napansin siguro ni Felix na wala akong kagana-gana makipag usap at mukang nirespeto naman niya iyon. Ramdam ko ang init at lamig sa katawan ko. Mukang uulan uli ngayong araw wag na sana.

Ilang minuto lang ay dumating na si Sir. Muka naman goodmood siya tutal panay ang ngiti niya sa'amin na mga istudyante niya.

"May sakit kaba? Ang init mo ha?." nag-aalalang tanong ni Felix ngumisi naman ako sakanya at nag senyas na wala.

" GOODMORNING CLASS." nakangiting tugon ni sir.

" GOOODMORNING SIR."  Pagbalik bati namin.

" Hindi pwde mawala ang officer ng classroom natin, Specially Muse and Escort." nakangiting tugon ni sir.

" Sir baket may socialization ba uli?." nakangiting tanong ng kaklase ko.

Socialization? Ano yon.

Hinarap ko si Felix at kinalabit ito, ngumiti naman agad ito sa'akin at ganon din ang ginawa ko. Feeling ko kapag may ngumiti sa'akin kailangan ngitian ko pabalik.

Yung kahit siguro tamad na tamad nako o pagod na pagod na kailangan kopadin ngumiti.

" Ano yung socialization?." tanong ko sakanya, ngumiti naman ito at umiling.

" socialization? Ginagawa yon after ng First Quarter, pano koba i'explain." natatawang tugon niya.

Ha? Wag mong sabihing Hindi niya alam. Natawa naman siya ng bigla ko siyang panliitan ng tingin.

" Ganto, Diba sa buong grade 10 kailangan bawat section mamimili ng muse and Escort nila, and then mga school Teachers ng grade 10 ang mamimili ng Isang Muse at Isang Escort na ilalaban sa ibang year, ganon din ang gagawin ng Grade 11,12 at college. Kung sino yung Parang pinaka the best ayon yung mapipili and then sila yung magiging representative ng buong grade 10, if kungwari ikaw." nakangising tugon niya.

Pinanlakihan ko siya ng mata ng sabihin iyon. Hindi ako pasok sa mga ganyang klase na program ng school.

" If ikaw napili ng buong grade 10, kailangan mo labanan yung napili ng grade 11, 12 at college kung baga maglalaban-laban kayo." nakangiting tugon niya.

Grabe ang intense naman non. May nalalaman pang kung sino yung pinaka The Best. Isang malaking wow sa mapipili.

" Edi ang swerte ng mapipili." saad ko sakanya kumunot naman ang noo niya na parang hindi na gets ang sinabi ko.

" I mean kung wari ikaw, ikaw napili na escort edi swerte ka kase ikaw yung tinaguriang pinaka pogi sa buong grade 10, depende kung matatalo mo yung ibang level edi ang labas non pinaka pogi ng university ay ikaw." pagpapaliwanag ko.

Namula naman ang muka niya at biglang pinisil ang ilong ko. Siraulo to masyadong natuwa sa halimbawa ko.

" Malabo, Yung apat na Velasquez yung gwapo dito sa school saka Yung captain ng basketball." nakangiting saad niya.

1year Contract With 4 Velasquez Boy'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon