CHAPTER 06

18 1 0
                                    

Hindi mawawala ang matatalim na paningin ang nakapako sa'akin. Malamang ito yung mga may gusto kay Keith. Ano naman tumatakbo sa isip nila at ganyan sila makatingin sa'akin.

Kaya naman agad kong Hinigit ang braso ko sakanya, ngunit mas lalo naman niya itong hinihigpitan sa pag ka-kahawak.

Siraulo ano nanaman pakana nito sa buhay niya. Hindi niya ba iniisip yung mga studyanteng nakaka-kita samin.

" Look siya yung girl diba, lakas naman ng loob."

" Well sinave nya si keith kahit nasuntok si keith huhuhu."

" Ampogi ni keith, napaka tangos ng ilong nya."

" Sideview palang ulam na te."

Natawa naman ako sa baklang nag-salita sa side view palang ulam na. Pano pa kaya pag nakita nilang naka boxer si Keith baka mag kagulo na buong school.

Nang tignan ko si keith ay ganon nalang ang pag-kamangha ko, sa Ganda ng hugis ng kanyang Muka at sobrang kinis pa.

Napaka swabe din nya tignan lalo na kung naka side view halos lahat naman silang mag ka-kapatid.

Ang pinag kaiba ngalang ay ang kahiwig nito ay si Karl tapos si Keanne at yung panganay na si Kaizzer.

Kamusta nanga pala yung tatlo?

Sana lang talaga wala silang ginagawang kalokohan.

Habang pa'akyat kami sa huling hagdan kung saan andon na yung floor ko ay pilit kong hinahatak ang kamay ko sa kanya.

Sa hindi inaasahan ay binitawan nyako at nagkamali ako ng tapak, kaya naman na untog ang binti ko sa hagdan at halos ma-aning ako sa sobrang sakit.

"Bayan antanga mag lakad." inis na tugon nya sabay lakad papalapit.

" Wag moko lapitan." inis na pabalik ko sakanya.

Hindi kona pinapansin ang mga nakaka-kita samin dahil iniinda ko yung sakit. Kung sa kahoy nga mauntog ang katawan mo masakit na pano pa kaya pag bakal na!

" Stupid, walk like a girl, wag pa tomboy-tomboy." sa sinabi niyang iyon ay parang gusto ko siyang sapakin.

" Bat kase ayaw moko bitawan!"  Sigaw ko sakanya nakakapikon talaga ang isang to.

Nang sabihin ko iyon ay bigla siyang nagiwas ng tingin at napahawak sa batok.
Mukang siya pa mapipikon sakin ha, siya na ngatong may kasalanan.

" Do what ever you want kbye."  Tamad na tugon nya sabay lakad na nakapamulsa.

Bastos talaga kahit kelan.
Halos hindi ko mailakad ng maayos ang paa ko dahil sa binti kong nauntog.

Nang silipin ko iyon dahil tattered naman ang pants ko ay may unting galos lang naman itong paguhit na horizontal marahil sa pag ka'kauntog puro galos ang natatamo ko sa araw na to, pero ganto ka tibay ang balat ko dedma lang sa maliliit na bagay.

Nang marating ko ang classroom ay wala panaman prof. na nasa loob. Mabuti nalang at wala pa dahil nakakahiya naman kung meron na at pahuli-huli pako ng pasok.

" Anyare sayo kanina?" Bungad na tanong ni Ella hindi ko din alam kung pano ko sisimulan ikwento sakanya.

" Ayos kalang?" Tanong ni Felix halata naman ang pag a-alala sakanyang muka.

" Oo ayos lang ako sorry kung nawala ako kanina medyo napa trouble lang." nakangiting tugon ko sakanila.

Muka sanang mag ta-tanong pa ang dalawa pero mabuti nalang at dumating na ang prof namin.

1year Contract With 4 Velasquez Boy'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon