Chapter 1

37 5 0
                                    


"On behalf of The Move Dance Studio, we would like to thank each of you for taking time out of your busy schedule today. Thank you." Sabi ng kaibigan kong si Elize pagkatapos naming magribbon cutting. Today is the grand opening of our business, The Move Dance Studio. We build this to support dancers like us in achieving their dreams.

"Congratulations, Athena!" Maraming tao ang pumunta dito sa studio namin, tatlo kaming magkakaibigan ang nagpundar ng negosyong 'to. Ang tagal na naming pinaplanong magtayo ng isang studio para sa mga dancers at para na din makapagturo kami ng sayaw sa mga bata. We finally achieved our dream!

"Sino-sino mga ininvite mo mamaya sa afterparty?" Tanong ni Elize sa akin habang nakatayo lang kami sa unahan at ginaguide ang mga guests na napasok.

"Mga high school and college friends lang natin. Then, our co-dancers." I said. Mamaya kasi ay may afterparty para makapag-celebrate kami. Kinakausap ko ang mga guests ngayon dito at kakain na din ako mamaya. Iniintay ko lang si Serene na umalis pa dahil sinundo ang kaniyang boyfriend sa labas.

"Athena, tara na let's eat!" Gulat kong tingin kay Serene ng makita ko siyang nasa likod ko na. Madami na din ang umaalis na mga tao habang nakain kami dahil maggagabi na din. Pagod na pagod na ako but I always need to smile. Nakakapagod ang preparation nitong grand opening ng studio but it was all worth it.

"Parang ang dami naman atang masyadong ininvite ni Elize" sabi ni Serene sa akin. Ang daming tao dito sa afterparty, may mga nagsiswimming, naglalaro, nagsasayaw at nainom. Sa isang beach resort sa Batangas ginanap ang after party namin kaya naman nalate kami dahil sa traffic. Nagsisimula na sila at ang iba naming kaibigan ang nag-asikaso ng mga kailangang gawin dito sa party. Treat na daw nila sa amin ito.

"Uy halika na guys! Let's swim!" Sabi ni Trish,  co-dancer and isa sa mga magtuturo ng sayaw sa studio. Nagpalit kami ng swimsuit at dumeretso na kami sa pagswimming ni Elize. Si Serene ay nakain pa at nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya noong elementary.

Pumunta na din sa pool ang mga ibang tao at tumambay dito. Nakaupo lang din ako sa gilid at pinagmamasdan ang madilim na dagat na tanaw dito sa resort habang nainom ng wine.

"Hi" bati sa akin ng lalaking tumabi sa akin. Hindi ko siya kilala. Kaibigan ba siya ni Elize o ni Serene?

"Umm, hello!" I said.

"Congrats nga pala sa opening niyong magkakaibigan!" Sabi niya.

"Thank you! Who are you? Kaibigan ka ba ni Serene?" Tanong ko.

"Ah, kaibigan ako ni Elize. Sa dati niyang pinapasukang dance academy." He said. Kaya pala pamilyar siya sa akin.

"Kaya pala medyo pamilyar ka." Then there was a short silence that surrounds us. Ang awkward naman nito dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya. "Alis na ako. I'm going to our room. Enjoy lang kayo dyan ah. Bye!" Aalis na sana ako ng pool ng bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya napatigil ako.

"Can I have your number?" He asked while smiling. I can't help but feel irritated cause I know that he'll just flirt with me.

"For what? For business purposes?" I asked him.

"For you to fall for me." He said. Mas lalo akong nairita. Wala akong time para makipaglandian sakanya. Humanap nalang siya ng iba, 'wag ako!

"What?" I said. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at dere-deretso akong lumakad paalis. Nakakairita. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko talaga na kinakausap ako ng mga lalaki sa ganitong paraan.

"Uy joke lang naman!" Sigaw niya ng makitang umalis na ako. Pinuntahan ko nalang ang mga kaklase namin nung high school na nakaupo malapit sa beach. Dahil naglalaro sila ng truth or dare nang makarating ako ay sinama na din nila ako. They spin the bottle and it points to Serene.

"Serene, truth or dare?" Tanong nila sakanya.

"Truth!"

"Kung lulubog na yung bangka, sinong tutulungan mo? Si Elize o si Athena?" Tanong nung isa naming kaklase. Natatawa ako dahil alam kong hirap sagutin ni Serene ang mga ganyang tanong at mukha lang kaming elementary na naglalaro ng truth or dare dahil sa mga tanong nila.

"Si Elize kasi magaling lumangoy yan si Thena" she said while drinking.

"Magaling ka palang lumangoy Athena eh, sample naman dyan!" Sabi nung lalaki naming kaklase nung high school.

"Lumangoy ka dyan sa dagat papuntang Korea" sabi ni Serene.

"Nababaliw ka na ba?" Pabirong tanong ko sakanya.

"Sino na next? Spin the bottle!" Sabi nila.

Nagulat ako nang mapatapat sa akin yung bottle. "Dare!" I said. "Thena, kanta ka sa videoke! Ipamalas mo na ang talent mo sa pagkanta" Sabi nila. Hindi naman ako prepared na kumanta sana man lang napaghandaan ko!

"Anong kakantahin ko?" Tanong ko sakanila.

"Ikaw Lamang by Silent Sanctuary!" Nagulat ako ng biglang sabihin yon ng kaibigan ni Elize na nakausap ko kanina. Bakit siya andito? Hindi naman namin siya kaklase nung high school eh. Nakikigulo.

"Hoy Lucas lasing ka na ba? Bakit ka nandito?" Tanong ni Elize sa kaibigan niya. Lucas pala pangalan ng lalaking 'yon. Hindi bagay sakanya.

"Hindi pa naman, Elize. Bakit mo naman natanong?" Sabi niya.

"Bigla bigla ka nalang nasigaw dyan eh." Sabi naman ni Elize.

"Uy, kung wala kang maisip na kanta yung Ikaw Lamang nalang yung kantahin mo!" Sigaw niya ulit sa akin. May meaning ba yung 'Ikaw Lamang' para sakanya at gustong-gusto niya itong ipakanta sa akin? Bahala na nga! Wala na din naman akong maisip na kantang iba kaya ayon nalang din ang kakantahin ko.

'Di ko maintindihan

Ang nilalaman ng puso

Tuwing magkahawak ang ating kamay

Pinapanalangin lagi tayong magkasama

Hinihiling bawat oras kapiling ka

Nakita kong nakatingin lang yung Lucas sa akin. Ano ba 'yan. Nadidistract ako.

Sa lahat ng aking ginagawa

Ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta

Sana'y 'di na tayo magkahiwalay

Kahit kailan pa man

Pagkatapos kong kumanta ay tinuloy namin ang truth or dare at kumain nalang kami. Nakatambay at nagkekwentuhan lang kami dito sa labas hanggang sa sumikat na ang araw.

"Good morning guys!" Bati sa amin ni Elize, kakagising niya lang at nagreready na para sa kanyang trabaho. Isa kasi siyang dentista sa malapit na dental clinic dito sa dance studio namin.

"Good morning! Madami na nga pala kaagad na nagenroll para sa summer lesson natin. Magsastart siya ng March." Sabi ni Serene.

"Noted. Ako na mag-aasikaso niyan para kumonti nalang ang mga gagawin niyo pag-uwi sa work. Kasama ko naman si ate Julia at Trish parati." Si ate Julia ang katulong kong magmanage ng dance studio. Isa din siyang dance instructor ng jazz kaya natuturuan din niya ang mga bata na nageenroll dito.

Pagkaalis ng dalawa, pumunta na din ako sa studio. Nandoon na ang ibang instructor at ang ibang estudyante namin. Madami pa din ang nageenroll para mapasama sa dance troupe, para matutong magsayaw at para na rin sa mga summer lessons.

Hindi naman ako naging busy sa mga sumunod na araw dahil nagtuturo lang din ako ng sayaw sa mga estudyante ko sa ballet at ako din ang nagaasikaso sa mga bills and payments dito sa studio.

"Good afternoon! How can I help you?" I asked the guy who entered our studio. Namumukaan ko siya at kamukha niya yung kumausap sa akin sa after party na lalaki. Teka, baka siya nga yon? Ano namang kailangan niya dito? Hindi naman siya mukhang mageenroll at magpapaturo ng sayaw. Mas lalong hindi naman siya mukhang magsasayaw sa suot niya.

"Hi Athena! Long time no see!" Sabi niya.

"Anong dahilan ng pagpunta mo dito?" Tanong ko ulit.

"Para makita ka." Sabi niya.

Huling Sayaw Where stories live. Discover now